Chapter 1

2490 Words
Maliit na ngumiti si Tita Roxa at saka muli ditong umiling. Hindi nais ang halagang kanyang narinig. I know kung ano ang ginagawa niya. Sinusubukan niya akong ibenta, ang inosenteng katawan ko na bagama't napagsasawaan na nilang tingnan ay inosente pa rin iyon sa haplos ng makasalanang mga kamay ng mga lalakeng nandito ngayon at nagnanais na maangkin ako kahit na saglit lang. Ang matamis na ngiti sa aking labi ay tuluyan nang nawala pero hindi ko sa kanila iyon ipinahalata. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa hanggang sa hindi ko na napigilan ang iritasyon na akin ngayong nararamdaman. At hindi ko na iyon napigilan pang kumalat nang rumehistro na sa aking hitsura na kahit na sino ay kayang-kaya nilang basahin at mahulaan titigan lang ang aking mga mata dito. Napipika na ako sa kanya! Nararamdaman ko na ang panggagalaiti ko sa kanya. Kapag hindi siya tumigil ay makikita niya kung paano sumungaw ang sungay kong matagal na nagtago sa kanilang mga mata. Hinubad ko pa ang aking suot na manipis at maikling short habang patuloy na sumasayaw. Hindi pa rin magkamayaw ang mga lalaki sa aking ginagawang pagpapakita ng aking maalindog na pangangatawan. At mas lalo pa silang nagwala nang dahil sa aking ginawa. Dahan-dahan akong lumapit sa pole na nasa gitna at ikinawit doon ang aking bilugang mga hita. Paliyad-liyad na akong umakyat dito, bagay na sanay na sanay na ako dahil matagal ko na iyong ginagawa. Iyon nga lang kahit pa gaano ako kasanay sa gawaing iyon, hindi ko pa rin maatim at lubos maisip na ibebenta ko at ipapagamit sa kung sino ang aking katawang lupa. Hindi ko iyon kayang gawin na sa hinagap ay hindi ko ma-imagine. Nilalamon ng gamit ang aking dibdib doon. Hilaw na akong ngumiti. Patuloy pa na nang-aakit sa mga manonood gamit ang aking mapungay na mga mata. Ikinatuwa naman ito ng mga lalakeng nagtayuan na mula sa kanilang upuan habang nanunuod sa akin, halatang buhay na buhay na ang kanilang dugo sa aking mga ginagawa ngayon. Gumiling pa ako habang nakadikit ang katawan sa pole na animo ay mayroong magnet sa aking katawan, walang humpay silang sumisigaw gamit ang aking mahiwagang pangalan na siyang kilala nila. Ang pangalang tanging ako lang ang nagmamay-ari nito. “Sampung libo!” nakakatindig balahibo na sigaw ng isang lalakeng tumayo pa sa lamesang kanyang kinaroroon at itinaas pa ang wallet nitong sa aking mga mata ay hindi naman ganun kakapal. At kahit pa nakabaligtad ang aking katawan sa pole ay kitang-kita ko ang malaking umbok ng kanyang hinaharap sa suot niyang pantalon. Tila sinasabi noon at ipinapahiwatig na anumang oras ay handang-handa na itong makipaglaban. Ang tanawing iyon ay nagbigay pa sa aki ng magaspas na pakiramdam. Sa tingin ko ay hindi ko iyon magagawa lalo na at hindi siya ang tipo ko. “Pagbigyan mo na ako Lady Rosa! Sampung libo na iyan, tanggapin mo na!” Hindi ko maiwasang magngalit ang aking panga, kung makapagsalita sila ay animo may hinihingi lang sila sa aking magaang bagay. Hindi ako papayag sa nais nilang mangyari! Hindi ko ibebenta ang sarili kahit na milyon pa ang maging halaga nito! Dahan-dahan na akong bumaba ng pole at muling gumiling. Higit ko pang pinaghusay upang paglaruan pa ang damdamin ng mga nanonood na hayok sa makamundong gawain. Sinadya kong ipakita at ibuka pa ang aking bilugang mga hita upang kanilang makita ang pinakatatago kong yaman ng aking katawan na hinahangad ng bawat manonood na maangkin at matikman kahit na panandalian. Umaatikabong sigawan na naman ang namayani sa loob ng nasabing bar, tuwang-tuwa pa rin sila sa munting palabas na nasaksihan. Umarko sa mapanuksong ngiti ang gilid ng aking labi, kuhang-kuha ko na talaga ang buong atensyon ng halos lahat ng mga naroon. “More, Lady Rosa, more!” Ilang beses akong natigilan bago pa pinagbigyan ang kanilang kahilingan na gawin ko iyong muli. Hindi ko sila binigo na sinamahan pa iyon ng aking marahang pagkagat sa aking labi. Pilit na ikinokonekta ang mas lumamlam na mga mata sa bawat manonood doon. Tiningnan ko si Tita Roxa at nakita ko siyang malawak nang nakangiti ngayon. Kulang na lang ay umabot iyon sa kanyang tainga. Hinawakan ko ang kawit ng aking suot na bra upang isunod na sanang tanggalin nang marinig ko ang naging tugon na ni Tita Roxa. “Sino pa ang mayroong offer diyan? Iyong mas mataas naman sana, come on, boy's si Lady Rosa iyan!” taas pa nito ng isang kamay na parang nag-aalok lang ng kanyantg pinapaubos ng paninda sa palengke, hindi ko na napigilang sumikdo pa ang aking dibdib dito. What the hell she's doing? Ibinibenta niya ba talaga ako nang harap-harapan? Seryoso ba siya dito? Tuluyan na akong natigilan sa aking ginagawa nang masaksihan ang sumunod na nangyari. Kanya-kanya silang bigayan ng presyo na alam nila o buong akala nila ay katumbas ng aking katawan at pagkatao. Iyon ang naging dahilan upang tuluyan akong matigilan sa aking ginagawang pagsasayaw. Tahimik na pinagmasdan ang mga lalakeng walang pakundangan sa pagtatapon ng salapi at pagbibigay ng halaga na alam nilang ang katawan ko ang magiging kapalit nito. Ilang beses na ako doong umiling, hindi pa rin makapaniwalang ang lahat ng iyon ay maaaring mangyari sa akin. Ang buong akala ko ay sa mga baguhan lang nila ginagawa iyon, ngunit bakit maging sa kagaya kong tumagal na dito ng ilang taon ay kailangan pang taluhin ni Tita Roxa? Nakakagalit naman siya! “Kinse mil!” sigaw ng isang kalbo na sa itsura pa lang ay halatang nakakatakot na, ngumisi pa ito upang ipakita sa akin na ngayong gabi ay magagawa niya akong angkinin. Magagawa niyang pagsawaan ang aking katawan kahit na ilang beses niya pang gustuhin. “Trenta mil!” segunda ng isang lalake na sa itsura ng pananamit ay parang isang government official, umangat pa ang gilid ng kanyang labi habang lumalagok ng kanyang tangang alak. Nakakainsulto ang dating noon sa akin kahit na hindi niya ako kilala. Napailing na lang, mas nagtagis ang aking panga na kulang na lang ay mag-walk out na sa entabladong iyon. “Kwarenta mil!" pagtataas ng presyo ng isang lalaki na mukhang mas matanda pa ito kay Mama, papasa na rin itong lolo ko kapag nagkataon. Doon ko napagtanto na sadyang may mga tao pala talagang ganun. Nais nilang makatikim ng mas batang bulaklak pa. Pumalakpak nang malakas si Tita Roxa upang kunin pa ang atensyon ng lahat. Sumeryoso na ang aking hitsura, hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa niya nang walang pahintulot. Dapat ay kinausap niya muna ako nang tungkol dito. Una ay wala sa kontratang pinirmahan ko ito, pangalawa ay ako ang nangunguna at pinakatanyag sa mga alaga niya kaya marapat lang na iba at maayos ang kanyang treatment sa akin. Hindi iyong ginaganito niya ako, tina-tratong laos at basahang wala ng pakinabang sa bar. “Sino pa ang magbibigay ng halagang handa silang lustayin makapiling lang ng isang gabi ang kagaya ni Lady Rosa?" nakangising tanong pa nito, paulit-ulit akong umiling. Naluluha na sa ginagawa niya sa akin ngayon ngunit hindi ko magawang isatinig ang mga salitang nais na isigaw at isampal sa kanyang pagmumukha ngayon. Kailangang makarating ito kay Mama, paniguradong aawayin siya ng aking ina sa pagsira niya sa usapan namin noon. “Kung wala ng mag-aalok ay mapupunta siya ngayong gabi sa may pinakamataas na offer!” Nahihintakutan kong tiningnan ang matandang hukluban na malawak ng nakangisi sa akin ngayon dito. Hindi na ako nagdalawang isip pa doon. Hindi ko na maatim ang ginagawa ni Tita Roxa sa akin ngayon. Mariing kagat ang aking labi, walang imik at pilit na pinipigilang mapahikbi na pinulot ang aking mga nahubad na saplot. Walang pag-aatubiling tumalikod ako sa crowd. Muli pang huminga nang malalim bago ako matuling humakbang patalikod, patungo sa likod ng pulang kurtina. Napuno ng pagkabigo ang mga mata ng iilang naroon, alam kasi nilang hindi na nila matatapos ang performance ko na patungo pa lang sana sa exciting part. Wala eh, ininsulto na ako ng pinaka-manager ng bar na siyang pinagtra-trabahuhan ko. Sa lahat ng mga alaga niyang tatalunin, ako pa talaga ang kanyang naisipan. Alam niyang una pa lang ay papalag na ako sa kanyang mg pina-plano. “Isang milyon!” Mabilis akong natigilan sa paghakbang nang marinig ang baritonong tinig mula sa crowd. Nanahimik ang buong paligid na animo ay hinda maingay na bar ang aming kinaroroonan. Maging ang staff ng nagpla-play ng music ay napatanga na rin doon. Sino ba namang hindi? Milyones na nag usapan nang mga sandaling iyon. Sigurado akong nahulog rin ang panga ng mga lalaking nakarinig din nito. “Sampung milyon o kahit na lagpas pa doon, bibilhin ko ang kanyang halaga!” dagdag nitong hindi ko alam kung bakit sa halip na matuwa ay mas lalo pa akong nagalit sa kung sinumang iyon, marahil ay dahil sa nakahanda siyang gumastos para matiman ako nito. Ilang sandali pa ay umingay na muli ang buong paligid. Mabilis akong lumingon, inaasahang makikita ko o masusulyapan man lang ang hitsura ng siraulong lalaking iyon na nakahandang magtapon ng milyones para lang makuha at matikman lang nito ang aking katawan. Ngunit sa halip na masilayan siya ay ang likod na ni Tita Roxa ang aking nakita. Muli kong ipinagpatuloy ang paghakbang. Wala ng pakialam kung sinuman ang herodes na iyon, at gawin na ibigay niya sa akin ang lahat ng kanyang pera ay hindi pa rin ako papayag sa nais niyang mangyari. Ipaglalaban ko ang aking karapatan, kahit na wala naman ng itatagong hiya para sa aking katawan. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako doon nang muling matigilan, at lumingon sa crowd. Ang tanging naaninag ko na lang dito ay ang kanyang suot na itim na jacket na ang hood ay nakalagay sa kanyang ulo. Hindi ko tuloy maiwasang maging kuryuso na dito. “Taken na si Lady Rosa mula sa gabing ito, pag-aari na siya ng taong bumili sa kanya!” nasisiyahang anunsyo pa ni Tita Roxa na hindi pinansin ng mga nandoon, nakatingin pa rin sila sa bulto ng lalakeng nagmamadali na palabas ng aming kinaroroonang aliwan. Nagmamadali na rin akong humakbang, kahit ganun pa rin ang halagang ini-aalok niya ay hindi pa rin ako papayag na ibigay ang katawan ko sa kanya. Baka mamaya mas nakakasuka pa ang hitsura niya sa mga nag-alok ng mababang halaga! Hindi ako papayag sa kasunduang iyon kahit na ilang milyon. Dumeretso ako sa dressing room, ini-lock na ang pinto at doon ay umiyak nang malakas. “Lady Rosa, please open the door! Bukasan mo ito at mag-usap tayong dalawa!” malakas na sigaw ni Tita Roxa sa labas ng pintuan habang binabalya niya iyon nang paulit-ulit, “Mag-usap tayo. Hindi mo dapat pinapalagpas ang mga pagkakataong kagaya nito!” muli pang paulit-ulit na balya niya sa dahon ng pintuan ng silid na aking kinaroroonan, “Rosenda?!” galit niya pang sigaw doon. “No! Sinungaling ka Tita Roxa, ang sabi mo noon sa akin ay sasayaw lang ako!” ganting sigaw ko sa kanya kahit na wala siya sa aking harap na punong-puno ng hinanakit ang tinig, “Ang sabi mo noon ay tatanggalin ko lang ang aking mga saplot at tapos na! Ngunit bakit ngayon ay para akong isang putahe na pinag-aagawan nilang bilhin nang dahil sa pang-aalok mo sa kanila kanina!” “Lady Rosa, pakiusap buksan mo ang pintuan at harapin mo ako. Pag-usapan natin ito nang maayos.” “Ayaw kitang makausap, uuwe na ako!” ganting sigaw ko sa kanya na buo na ang kung anumang disisyon sa gabing iyon. “Kahit pa hindi mo ako bayaran para sa gabing ito ay wala na akong pakialam doon! Galit ako sa'yo! Sinungaling ka, Tita Roxa, sinungaling!” Marahas kong hinila ang aking damit mula sa hanger nito at walang imik na isinuot na iyon. Wala akong panahon upang makinig sa kung ano pang mga kasinungalinan ang sasabihin niya ngayong araw. Tama na iyon, nakita ko na kung anong tao siya ngayong gabi! Wala siyang pinagkaiba sa mga parokyano sa club na iyon, mas mahalaga sa kanila ang pera at hindi na ang damdamin ng ibang tao. “Huwag kang umalis, kailangan pa nating mag-usap na dalawa ngayong gabi!” Being the number one dancer niya sa club na ito kung kaya ay may sarili akong dressing room. Matapos na ayusin ang aking sarili ay binuksan ko na ang pintuan at naabutan ko pa rin siya doong nakatayo at naka-pameywang, nakatikwas ang kilay na naghihintay. “Lady Rosa, pakinggan mo muna ako. Ang laki ng offer sa'yo ngayon at sayang naman kung papalipasin mo lang ito.” patuloy na pagkumbinse niya sa akin gamit ang kinang ng salapi, alam niyang hindi niya ako makukuha doon pero sinusubukan niya pa rin ito. “At isa pa ay may itsura rin naman ang lalakeng iyon, hindi ka na lugi kung siya mismo ang maka-una sa'yong p********e, Senda.” Nahihintakutan na akong napanganga doon. Ganun na lang ba kadali sa kanya ang sabihin ang bagay na iyon? Sabagay, hindi naman siya ang mawawalan noon kung hindi ako kung kaya naman ganun lang kadali sa kanyang sabihin na patusin ko na ang offer sa akin. “Tita Roxa, wala po sa usapan natin iyon hindi po ba?” tanong ko na nais ipaalala sa kanya ang naging kasunduan noon, lumungkot pa ang aking mukha dahil pakiramdam ko ay nababalewala ang halaga ko bilang tao. “Nagkasundo lang po tayo na sasayaw ako...” Mapakla na siyang ngumiti sa akin habang matamang nakatitig na. “Bakit hindi ang iyong ina ang iyong tanungin ukol sa bagay na ito?” Tila binuhusan na ako ng malamig na tubig nang dahil doon. Ang banggitin niya ang akin sa usapang ito ay alam kong may kakaibang ipipanpahiwatig sa akin. At hindi ko iyon gusto, ayaw kong patuloy na marinig pa ang mga sasabihin niya sa akin. “A-Ano pong ibig mong sabihin?” bahaw na ang tinig na tanong ko, pilit niyayakap ang sarili sa mas mapaklang katotohanan. Magaang hinawakan niya ang aking magkabilang kamay, “Binigyan niya ako ng pahintulot na ibinta na ang katawan mo.” “Hindi iyan totoo!” waksi ko sa kanyang kamay, mariing umiiling na doon. “Hindi magagawa sa akin iyan ni Mama!” Pagak siyang tumawa sabay halukipkip. Sinipat ang aking kabuohan na tumigil sa aking mukha. “Do you think so?” mapang-uyam niyang tanong sa akin, “E bakit nandito ka ngayon at dito ka nagtra-trabaho?” Katanungan na alam ko sa aking sarili na hindi ko kayang sagutin at patuloy ipaglaban sa kanya. Unti-unting nadurog na naman ang aking pagkatao nang dahil sa mga desisyon noon ni Mama. Desisyon na padalos-dalos at hindi ako kinukunsulta muna. Natameme ako lalo sa huli niyang katanungan. Hindi alam kung marapat ko pa ba siyang sagutin o hayaan ko na lang kung ano ang isipin niya. “Sagutin mo ako Senda, bakit ka nasa club na ito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD