Chapter 56

2599 Words

Matuling lumipas ang ilang buwan. Sa loob ng mga buwang iyon ay mas nahulog pa ang loob ko nang tuluyan kay Vins. Tuluyan ko na siyang minahal. Nalunod na ako sa pag-ibig na hindi ko alam kung magkakaroon ba ng kasagutan. Ni minsan ay hindi niya sinabi sa aking mahal niya ako. Ang lagi niya lang isinasatinig ay mahalaga ako sa kanya, iyon ang palagi kong tatandaan kapag mayroon akong nabuong agam-agam. “Mahalaga ka sa akin, palagi mo sanang tatandaan iyon.” Nakaunan ako sa kanyang isang braso habang magkaharap kaming magkayakap. Kakatapos lang naming pagsaluhang muli ang mainit na mga sandali sa ibabaw ng kama. At ang bagay na iyon ay nakasanayan ko na rin. Naging parte na iyon ng gabi-gabi naming pagsisiping. Bago matulog, o kung hindi naman ay pagkagising namin. Masasabi kong napakahea

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD