Hindi ko na nagawa pang isarado ang pintuan ng banyo at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob noon na animo ay alam ko ang lahat ng pasikot-sikot sa nasabing silid. Deretso akong nagtungo sa shower area nito bagama’t nakakaramdam na nang labis na hilo ay hindi ko maikakaila sa aking katawan ang kakaibang init na ngayon ko lang naranasan buong buhay ko. Hindi na alintana ang pagewang-gewang na lakad ng halos ay mag-krus ng aking dalawang binti dala ng aking labis na kalasingan at tama ng tequila sa aking katawan. Mabilis kong binuksan ang gripo gamit ang namamanhid kong palad, hinayaang humalik na ang malamig na butil ng tubig na hindi magawang pawiin ang init na lalo pang lumalamon sa aking buong sistema. Tila nag-uumalpas iyon at wala akong ibang magagawa kung hindi ang palayain siya sa pa