Chapter 24

2399 Words

Mariing kinagat ko na doon ang aking pang-ibabang labi upang pigilan pa ang aking sarili na sumagot sa kanya ng pabalagbag dahil alam ko namang wala akong karapatan na magreklamo sa kanya o salungatin ang kanyang opinyon. Sino ba naman ako na hamak na babaeng nais niyang gawing palipasan ng kanyang oras? Lalo pang tumubo ang aking takot sa kanya nang marinig pa ang puno ng authority na tunog ng kanyang tinig kung kaya naman ay pakiramdam ko ay wala akong karapatang sumagot sa kanya ngayon, kahit na naglalaman iyon ng aking munting paliwanag sa mga nangyari. Paniguradong malilintikan ako dito oras na hindi niya iyon magustuhan. At ayaw ko namang humantong pa kaming dalawa sa puntong iyon ng aming pagtatalo. Siya ang boss ko ngayon at amo, marapat lang na sumunod ako sa kung anuman ang kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD