Hindi ko na alam kung anong oras pa ako nakatulog ng gabing iyon. Nakatulugan ko rin ang aking suot na damit at ang siyang aking posisyon sa kama. Ni hindi ko nagawang magpalit ng aking kasuotan nang dahil sa abala ko pa 'ring isipan. At nang magising naman ako ay umaga na, tirik na ang sikat ng araw sa labas ng aming bahay. Hindi rin marahil ako inistorbo ng mga kasama namin sa bahay dahil sa rason kong sinabi kagabi. Hinayaan nila akong magpahinga at bumawi ng tulog. Naligo muna ako bago lumabas ng aking silid upang simulan ang aking araw. Muli pang sumagi sa aking isipan ang imahe ng lalake habang sinusuklay ko ang aking buhok sa harapan ng aking malaking salamin. Napakunot na doon ang aking noo. Hindi ako maaaring magkamali sa aking natatandaan noon. “Pamilyar talaga sa akin ang tindi