Twins Instinct
.
.
"How did you learn this trick, Hope?"
.
Ang galing niya kasing magpaikot ng yoyo sa kamay niya. Samantalang ako? Ni paghagis nito ay hindi ko pa talaga makuha.
.
"Ang arte kasi ng kamay mo? Saan ka ba kasi nagmana ng hawak?" kantyaw niya at tumawa pa talaga!
.
I rolled my eyes on her and walked over the corner. I tucked my hair in my ears when I saw Paul came approaching. Lumawak pa ang ngiti ko nang lumapit siya sa kakambal kong si Hope.
.
"Here one for you and for you too."
.
Inabot niya sa amin ang biniling orange juice. Paul is our school mate and at the same time our neighbour. Malapit siya sa aming dalawa ni Hope, kaya madalas siyang nandito sa bahay namin. Umupo lang din siya sa tabi ni Hope. Umismid na ako. Ang akala ko kasi sa akin siya tatabi. Hindi pala!
.
Maigi niyang pinagmasdan ang paglalaru ni Hope sa yoyo. Napangiti pa siya rito.
.
"I'll teach you."
.
Tumaas lang din ang kilay kong pinagmamasdan silang dalawa at panay pa ang tawa nila. Hope always gets the attention, while me? Well, I always try my best in everything but somehow I always end up broken. Ngumuso pa ako habang pinagmamasdan silang dalawa sa harapan ko.
.
"Are you ready for your summer vacation, Faith?" si Paul sa akin.
.
Lumawak agad ang ngiti ko. Ang akala ko kasi hindi na niya ako papansinin dito.
.
"Yes. I've got all my stuff packed!" I stand up and stood still beside him.
"Why don't you go with your sister, Hope?"
.
She shrugged her shoulders without even looking at us. She's concentrating on playing the yoyo.
.
"I don't know... I just don't feel like it."
"Gusto mo bang sumama ako?" titig niya sa mga mata ko.
"Really?" Sabay kurap ko at pa-cute na rin.
"As if you're parents will allowed you," lihim na tugon ni Hope sa kanya.
.
I sighed when I remember how strict Tita Elena is. We are all seventeen's, I mean, me and Hope are seventeen, while Paul is twenty. Wala naman sigurong masama kong magbabakasyon kami lahat sa ibang bansa. But somehow Tita Elena is not confident enough for Paul on his own. Hindi ko siya masisi dahil lapitin kasi sa mga babae si Paul at baka makabuntis pa.
.
Tumayo na siya at kinuha na ang maliit na basket sa gilid. Inihatid niya kasi ang nilutong tinapay ng Mommy niya, which is si Tita Elena. I even tasted it and it's perfect!
.
"Okay, I'm going," si Paul sa amin.
"Thanks for goodies!"
"When are you leaving, Faith?"
"In three days!" Sabay yakap ko sa braso niya. Tumingala pa ako sa kanya.
"Okay... Keep away from the boys."
.
Nabitawan ko siya at napaawang lang din ang bibig ko sa kanya.
.
Did he mean it? I mean, does he likes me? Do I have to assume? Presume? Ano ba 'yan! Ang OA ko na, porke't crush ko siya.
.
Mariin ko lang din siyang tinitigan habang bumababa sa hagdanan patungo sa kotse niya. Lumingon din naman siya at kumaway na sa amin dalawa ni Hope.
.
"Ikaw talaga, masyadong kang halata na gustong-gusto mo siya."
.
Napangiwi na akong nakasunod sa kanya. Hope is only three seconds ahead from me. Meaning, she's my sole twin 'ate'. Pero may dalawa pa kaming kapatid, sina Ate Fenella at si kuya Enrico.
.
"What can I do? I do really like him," kibit balikat ko.
.
Humarap na agad siya at tinitigan na ako.
.
"Paul doesn't like a girl that is too obvious. Ayaw niyang pinangungunahan siya. Gusto niya magpakipot ka!" Umirap na siya sa akin.
"Ikaw ba type mo ba si Paul, Hope? Were twins right? And if I feel attracted to someone does it mean you get attracted too?"
.
Huminto siya nang hakbang at hinarap na muli ako. Tumaas pa ang kilay niya. Sa aming dalawa ako ang maarte pagdating sa pananamit at gamit. Samantalang si Hope ay simpli at mas matalino pa. She's the complete opposite of me and were not identical twins. Kaya iba ang mukha niya sa mukha ko.
.
"Why? If I say I like him would you be angry?"
.
Napakurap na ako. Matatalo lang din ako sa kanya, dahil alam ko naman na gusto siya ni Paul. Kaya nagpatuloy na ako nang hakbang.
.
"No, of course not! Why would I? Hindi ko naman boyfriend si Paul and it's pretty obvious. Ikaw naman talaga ang gusto niya!"
.
Umiwas na ako at binilisan lang ang hakbang ko patungong kwarto. Ramdam ko naman na nakasunod lang siya sa likuran ko.
.
"Ano ka ba. Joke lang 'yon ano!" Pabagsak na higa niya sa kama ko.
"I find him attractive but I know that you like him. So, ibibigay ko na lang siya sa'yo," bahagyang tawa niya.
.
Humalukipkip na ako. Lahat na 'ata ng crush ko ay hindi ako crush at si Hope ang gusto nila. Hahay! Talo na naman ako!
.
"That's fine, Hope. You can have him. Malay mo makakahanap ako ng 'the one' sa palawan!" Tawa ko.
.
I'll be staying in Palawan. May kapatid si Daddy Logan doon, dalawa pa, at marami rin akong pinsan doon. E, 'di masaya! Malawak at malaki ang beach resort na pagmamay-ari nila Daddy, kaya doon na ako. Nagbakasyon na din kami noon doon lahat ng pamilya. Pero sa pagkakataong ito ay mag-isa lang ako.
.
"Daddy said it's okay to have a boyfriend as long as you know your limitations. So, don't be stupid okay?" si Hope sa akin.
.
I nodded and smile. "Hindi ka ba talaga sasama sa akin?"
.
"Hindi nga, pero titingnan ko okay. If we finish this project early I might follow you soon."
.
Nabuhayan na ako ng loob. Iba talaga pag nasa tabi ko ang kakambal ko.
.
"But I won't promise okay, but I will do my best! Kaya mag-iingat ka roon, at huwag kang tatanga-tanga pagdating sa mga lalaki. Kilala kita, Faith!" Pamaywang na niya.
.
"Oo, na. I will look after myself, don't worry."
.
Umikot na ako at kinuha ang maleta ko. Sa susunod na araw na ang lipad ko at ihahatid lang ako ng driver namin na si Manolo. Niyakap na niya ako mula sa likod ko.
.
"I love you, sis. You know that I'll always have this twins instinct with me and its telling me a different feelings. Sana naman mag-ingat ka."
.
Humarap na ako at mas niyakap siya.
.
"I will, sis. Ano ka ba, hindi na tayo bata," ngiti ko sa kanya.
.
.
C.M. LOUDEN/VBomshell