Hello
.
.
The night was so long for me. I was so exhausted but I had fun. Ang saya naming lahat mag pinsan. I had a very good sleep that I woke up so late. None of them dare to wake me up early. Alam siguro nila na pagod ako sa mahabang biyahe. It was past ten in the morning when I wake up. Ang hirap kasi ang oras ay naiiba at naninibago pa ang katawan ko.
.
Tahimik na nang bumaba ako sa kusina, at wala ng tao. Maliban nga lang sa tatlong katulong nila na nandito.
.
"Good Morning, Maam Faith. Breakfast?" ngiti ni Yaya.
"Um, yes please," tugon ko.
.
Umupo na ako. Hindi pa ako naligo dahil naligo naman ako kagabi bago natulog. Nagpalit lang ako ng damit. Hindi pa ako umupo at nilingon ang labas ng bintana. Ang dagat agad ang nakikita ko mula rito. Nasa ikalawang palapag kasi ang kusina na bahay nila, at sa likod nito ay ang Hotel Resort na.
.
"Hello, Faith!" si Ava.
"Good Morning, Ava."
.
Nasa labas na sila. I came in to check you. Hinahanap ka na kasi ng lahat. Pero sinabi ko na tulog ka pa. Mahaba rin kaya ang bineyahe mo. Tumango na ako at umupo na rin. Nilapag na ni Yaya ang pagkain na para sa akin.
.
"Kumain ka muna. Kukuha lang ako ng makakain nila."
"Okay. I will follow soon," ngiti ko sa kanya.
.
Tahimik akong kumain mag isa at nag scroll ng cellphone ko. The group chat was so busy but I didn't open it. May mensahi ako mula kay Hope at sad face lang din ang ni-reply sa akin. Kaya ni-replyan ko na.
.
["Busy ka ba? Sad face lang 'ata?"]
.
Kita ko naman ang pag-t-type niya ng mensahi pabalik sa akin.
.
["Oo, I'm in the middle of a meeting. Say hello to everyone sis. Take care and I love you!"] reply niya.
.
Ngumiti lang ako at tinapos na ang pagkain ko. Pagkatapos ay bumaba na ako na kung nasaan sila ngayon. I saw them straight away as I can hear their noises. Ang iingay nga naman nila, pero natahimik ito ng makita nila ako. I smile while particularly looking at Ava and Bria. Si Maya naman ay nakaupo na katabi ang isang lalaki na hindi ko kilala.
.
"Faith! Good Morning pa ba?" si Riley.
"Good Morning pa 'to sa kanya, kuya! Magkaiba naman kasi ang oras sa Italy at oras dito," suway ni Ava sa kanya.
.
Tumabi na ako sa kanilang dalawa at pinagitnaan na nila ako rito. I looked at everyone and they're all my cousins in complete. Maliban nga lang sa lalaking katabi ni Maya, na ngayon ay nakatingin na sa akin.
.
"Si Coby," pagpapakilala ni Tadeo sa kanya.
.
Ngumiti lang siya at nag-angat nang kamay niya.
.
"Are they in a relationship?" Lihim kong tanong kay Bria, na ngayon ay busy sa cellphone niya.
"Oh, you mean Maya and Coby?" Angat tingin niya rito.
"No, magkaibigan lang. Maya is very meticulous when it comes to boys. Mahihirapan lang din ang manliligaw niyan," pabulong niya.
"I've heard that!" agad na sumbat ni Maya kay Bria.
.
Natawa na ako. Nakakatawa naman kasi sila rito. Panay busy sila at pa-grupo grupo pa. Walang pasok ngayon dito dahil summer at school vacation, kaya nandito kaming lahat. Tumayo na sina Tadeo, Riley at Grayson. Iwan ko kung saan sila papunta. Samantalang si Seth at Cian ay wala rito. Sumama raw kina Tito at Tita sa kabilang Isla.
.
"Akala ko ba pupunta tayo ngayon sa Isla?" tanong ko kay Ava.
"Sabi ni daddy bukas na raw. Kasi kukunin niya ang mas malaking yate niya na nasa kabilang Isla. Don't worry I will tour you around here first."
"There's plenty of things and displays around here. Masaya!" singit ni Maya.
.
Nagkwentuhan pa ang lahat hanggang sa isa-isa na sa kanila ay lumabas. Nakisali na ako. All in all we were just yapping most of the day until the time passed. It's afternoon and there's a lot of happening around here. Sabi ni Bria mamasyal kami at makikinig sa bawat banda na nasa gilid na tumutugtog lang din.
.
Kagaya ng nakasanayan ang saya ng lahat, dahil puro kalukuhan at kwentuhan ang nagaganap. Hindi ako lumayo sa resort at sa harap lang din mismo. Nilalaro ang alon ng dagat kasama ang mga pinsan ko. It was fun and there's a few foreign tourist around. Nasa pribadong bahagi kasi kami ngayon ng Isla ng palawan. At ang bahaging ito ay pagmamay-ari ng boung pamilya ni Daddy.
.
Nagkaasaran sina Riley at Seth, dahilan para maghabulan sa gitna at patungo sa dagat. I've heard it's about a girl. Lalaki nga naman talaga. Nang nagdilim na ang langit ay pinanood na namin ang pagtakip-silim nito. The dinner night with the whole clan was fun and exciting. My belly is full and diet is a big no for me.
.
"Ano handa ka na ba? Tayo na!" si Ava.
.
Kaming tatlo ang magkasama. Mag iikot lang sa kalapit na displays at resto rito. The night here is like a party. Ang daming nagaganap sa paligid. May nag campfire na grupo-grupo at may sumasayaw at tumutugtog. Nakita agad namin ang grupo nina Tadeo, Riley at Seth. They're sitting in circle holding guitars in their hands.
.
Isa isa ko silang tiningnan at nakuha agad ang atensyon ko sa tatlong lalaki na bago sa paningin ko. Tumayo na si Tadeo para ibigay ang upuan niya sa akin. Umusog naman ang iba sa kanila para magkasya kaming lahat talaga.
.
"Hi, Faith!" saad ng isa na hindi pamilyar ang mukha sa akin.
"Anton naman!"
.
Kumunot na ang noo ko. Naalala ko siya noong huling bakasyon namin dito.
.
"I remember you!" ngiti ko.
"See? Kilala ako ni Faith at hindi ako nakalimutan!" Tawa niya.
.
Nag-ingay na ang iba at napako agad ang mga mata ko sa isang matipuno at seryosong pagmumukha. He's sitting beside Bria. Nakayuko siyang nakangiti habang may binubulong si Bria sa kanya. Matangkad siya at matipuno ang pangangatawan. Moreno pero halatang naging moreno lang ito dahil sa babad sa araw. Nahati ang buhok niya at sinuklay niya ito ng isang kamay habang nakangiti kay Bria.
.
I swallowed hard as I can't take away my eyes on him. He's got a very plumpy pinkish lips and the funny thing about it? He kept bitting his lower lip. He's handsome there's no doubt about it. Agad lang din na tumibok ang puso ko na parang nahihiya akong titigan siya ng husto.
.
"Lachie!" Tawag ni Tadeo sa kanya.
"Yes, bro?"
.
So Lachie is his name? Ang cute naman... Hindi ko na alam pero panay ang kwento at talak ni Ava at wala akong naintindihan.
.
"Have you meet Faith before?" si Tadeo sa kanya.
.
Tumitig agad siya sa akin at ngumiti na ako. My god! The first three seconds that he laid his eyes on me is like heaven! Parang nangungusap ang mga mata niya at kakaiba agad ang naramdaman ko. He's brow furrowed but then he smile after.
.
"No, I don't think so?"
.
Mas lumawak ang ngiti niya at tumayo na siya. He slowly walks towards me and offer his hand straight away.
.
"Hi." Sabay lahad niya.
.
Napatitig ako sa mga mata niya at hindi sa kamay. Nanlamig na siguro ang mga kamay ko ngayon, pero bahala na. I shake his hands too.
.
"Hello," ngiting tipid ko.
.
His rough and warm hands are so comfortable. Ang sarap sa pakiramdam. Mas napadiin pa ang pagkaka-handshake niya sa akin. Nalusaw agad ako, ang baliw lang din ng puso ko. Bumitaw agad siya at bumalik na sa pwesto. Tumugtog agad sila. Tadeo's always got the voice and the talent amongst all the male cousins that I have. Lahat sila marunong tumugtog. I listened to them while they're all singing ang chatting, but most of the time I gave my glance on Lachie. Napansin ko rin ang paminsan minsan na titig at ngiti niya sa akin.
.
.
C.M. LOUDEN