Jelsea's POV Hindi ako makakain ng maayos habang paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa amo kong magana na kumain at sabay-sabay ang subo. Siguro dahil madaling isubo ang ulam namin ngayon at hindi na niya need tusukin ng tinidor ang ulam at hiwain kaya heto at tutuloy ang kain niya. Me on the other hand ay tamilmil. Susubo lang ako kapag nalunok ko na iyong ngininguya ko. Paano kasi ako makakakain ng maayos kung ganitong namamaga ang bibig ko dahil sa halik ni Master Walden sa akin na hindi ko nagawang tanggihan kanina. Gusto ko man na patigilin siya ay ayaw naman ng katawan ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang walang lakas ang mga palad ko para itulak siya. Nagbibigay din kasi ng nakakakiliting pakiramdam ang mga haplos niya sa aking baywang at likod kaya naman wala akong pwersa