Chapter 2

1623 Words
Nagja-jogging na lumapit sa akin si Dixon at kunot noong hinanap ang pinsan. "Si Paulle?" tanong niya. Inabot ko sa kaniya ang twalya at inumin niya. Iyong twalya niya lang ang kinuha niya at tumingin sa court. "Nag-CR lang saglit," nahihiyang sabi ko. Hindi pa kasi ako kumportable sa kaniya kaya hindi ko alam kung paano siya kausapin. Narinig ko ang pagtawa niya. "Huwag ka na mahiya sa akin. Kaibigan ka naman ni Paulle kaya ayos lang iyan. Pwede mo rin naman akong maging kaibigan. Saka isa pa, isang taon lang naman ang agwat mo sa akin. Hindi naman ako nangangain ng tao." Ginulo niya ang buhok ko nang bahagya pero hindi naman ako nairita. Napangiti na ako dahil mayroon silang pagkakapareho ni Paulle. Ang sarap niya ring kausap. Ganito ang naramdaman ko noong una kong kausapin si Paulle. "Salamat. Siguro makakapag-adjust din ako kapag lagi tayong magkakasama. Ngayon ko nga lang nalaman na may schoolmate pala kami na pinsan niya. Hindi naman niya naiku-kwento," sabi ko. "Loka talaga iyon! Sige, una na ako, a? Kailangan na kasi ang mga captain ball sa laro. Enjoy watching!" Binigay niya ulit sa akin ang twalya niya na hindi naman ganoong nabasa ng pawis. Ginulo pa niya ulit ang buhok ko at saka natatawang umalis. Napanguso tuloy ako pero napangiti rin. Only child lang ako kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng kuya. Kahit naman na hilingin ko kina mama na gusto ko ng kuya ay hindi na pwede. Ang tanging magagawa ko na lang ay magkaroon ng kaibigan na pwede akong tratuhin na parang kapatid niya. Saktong jump ball na nang dumating si Paulle. Hingal na hingal siya na umupo sa tabi ko kaya inabutan ko siya ng tubig. Si Kristopher ang ang tumalon para sa school namin kaya kahit pagod ay nagcheer pa rin itong si Paulle. Napailing na lang ako at tinuon ang atensyon ko sa laro. Seryoso lang akong nanonood at hindi nagchi-cheer pero pumapalakpak ako kapag nakakashoot ang school namin. "Ang yabang talaga ng Erick na 'to! Ibigay mo naman kay Kristopher iyong bola!" inis na sigaw ni Paulle nang mapansing laging si Erick ang nakakashoot. Lagi kasing siya ang nagbababa ng bola hanggang sa pagshoot, siya pa rin. Medyo naiirita na rin ako pero hindi ko naman magawang sumigaw. Nahihiya kasi ako dahil baka sugurin kami ng mga fans niya. Gusto ko sanang sabihing huwag siyang maging buwaya sa bola. "Tsk!" sabi ko nang siya na naman ang nagshoot. Malakas ang pagcheer ng mga babae sa bleachers kaya napatakip ako sa tainga ko. Naiirita na ako sa sobang OA nila kapag si Erick. Kapag naman ibang players na ang nakakashoot ay hindi ganito kaingay ang gym. Nang hindi na ako mapakali ay tumayo na ako. Magchi-cheer na talaga ako lalo na at hindi si Erick ang nakarebound ng bola. Nakuha ni Drixon ang bola kaya sumigaw ako. "Go, Dixon! Shoot!" sigaw ko. Umatras siya sa three-point line at inihagis ang bola. Napapalakpak ako nang mashoot ang bola. Umupo na ako dahil kahit papaano ay nailabas ko ang kanina ko pang gustong isigaw. Ayoko kasing i-cheer kanina si Erick dahil baka akalain niyang isa ako sa fans niya. "Wow! Fan ka na ni kuya ngayon?" manghang tanong ni Paulle sa akin habang tumatabi sa akin sa pag-upo. "Not really. Kanina ko pa gustong sumigaw pero hindi ko magawa. Buti na lang at ang kuya mo ang may hawak ng bola at nakapag-cheer ako." "Bakit hindi ka nagcheer kanina at nakisabay sa ingay ng gym? Halos siya na ang gumawa lahat ng puntos ng team nila, a? Bakit hindi na lang siya ang naglaro?" sarkastikong tanong ni Paulle. "Sinabi mo pa. Siya nga ang kanina ko pa gustong sigawan na huwag maging buwaya pero nahihiya lang ako." Natapos ang first half at bumalik ang mga players sa bench nila. Inabot ni Paulle and twalya sa pinsan, inihagis pa nga iyon sa mukha niya dahil siya ang huling puntos. Inabot ko naman ang bote ng tubig niya at saka bumalik sa pagkakaupo. "Uyy! Salamat nga pala sa pagcheer mo, a?" sabi niya sa akin at tumabi sa may kaliwa ko. Sa kanan ko naman naupo si Paulle at may panuyang tingin sa aming dalawa. "Walang anuman. Ang galing ng three-points shoot na yun. Smooth, ringless!" Hindi ko na napigilan ang excitement sa tono ng pananalita ko. Ito kasi ang isa sa mga inaasahan kong mapanood sa isang laro. Ang mga three-points shoots ng mga players. Natawa siya sa sinabi ko at tila ba namangha sa paraan ko nang pagsasabi noon. "Salamat sa pagcheer mo. Kung hindi dahil doon ay hindi ko mashu-shoot iyon!" aniya sabay gulo na naman ng buhok ko. Hindi naman ako maarte sa pag-ayos ng buhok kaya ayos lang. "Yiee! Kayong dalawa, a? Ngayon lang ba talaga kayo nagkakilala o matagal na? Ang sweet niyo, a?" panunukso ni Paulle sa aming dalawa kaya napairap na lang ako. "Tumigil ka nga, Paulle! Baka mailang sa akin si Reyannah. Natutuwa lang ako sa kaniya kasi para siyang si Daniella," ani Dixon sabay hagis ng twalya sa pinsan niya. Tumama iyon sa mukha ni Paulle kaya nandiri siya. "Daniella?" tanong ko. "Ah, nakababatang kapatid ko si Daniella. Dito rin siya nag-aaral pero grade six palang siya. Mahiyain din siya gaya mo pero madaldal," aniya. Tumango ako dahil sa sinabi niya. Tinuon niya ang atensiyon niya sa coach nila na nag-eexplain sa kanila. Malapit lang sila sa amin kaya rinig namin kung paano ang gagawin nila. Medyo sumisigaw pa nga ang coach dahil sa ingay ng paligid. Tinignan ko silang lahat at halos pagod na kahit na second quarter pa lang. Nadaanan ng tingin ko si Erick na nakatingin din sa akin. Umiwas ako agad ng tingin at nakipagkwentuhan na lang kay Paulle na nagnanakaw ng tingin kay Kristopher. "Sa tingin ko, may gusto sa iyo ang Erick na iyon." Napatingin ako agad sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo riyan?" "E, kanina pa kasi siya nakatingin sa iyo simula noong pumasok siya sa court. Ano bang nangyari nung nagCR ako?" tanong niya. Napaisip naman ako dahil sa tanong niya. "Well, nilapitan ako ng kuya mo para magpunas ng pawis. Nag-usap kami saglit tapos dumating ka na. That's it!" sabi ko. Wala naman kasing espesyal na nangyari kanina kaya hindi ko alam kung bakit niya pa natanong. "Iyon lang? Baka naman masyado lang nagandahan sa'yo? Or more like, may gusto sa'yo?" natatawang tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil sa hula niya. "Imposible! Baka nga lahat ng babae ay gusto niya, e. He looks like a playboy!" bulalas ko habang nakatingin kay Erick na kumakaway pa sa mga fans niya. See? "Well, he is a playboy! Kaya kung ako sa iyo ay mag-iingat ka sa tulad niya." Tumango lang ako dahil wala naman akong balak na i-entertain ang isang gaya niya. Una pa lang ang alam mo nang hindi mapagkakatiwalaan ang isang ito. Ayoko sa masyadong mayabang na gaya niya na para bang siya na ang pinakagwapong nilalang sa mundo. Of course, he's not! James Reid is still alive, and so is Enrique Gil. Masyado lang siyang mataas ang tingin sa sarili. Yes, he has the looks. But the attitude? That's a failed grade for me. A total turn off to be exact. After the game, nagdiwang kami ni Paulle dahil nanalo ang school namin. Talon kami nang talon at sinalubong ang kuya niya na malapad ang ngiti sa aming dalawa. "Congrats, kuya. Ang galing niyo!" bati ni Paulle sabay tapik sa basang braso ni kuya Drixon. Akmang yayakapin siya ng pinsan nang sinapak niya ito. "Aray! Makasapak ka naman. Kaya wala ka pang boyfriend, e. Ang amazona mo!" tukso ni Drixon sa kaniya. Natawa na lang ako habang pinapanood sila. Napatingin sa akin si Drixon at mas lalong lumapad ang ngiti. "Galing ko ba?" tanong niya dahil sa buzzer beater niya. Napangiwi naman ako dahil sa tinatago niya ring yabang. Ang kaibahan lang talaga ay hindi nakakaasar ang pagiging mayabang niya. "That's so cool! Kung hindi mo lang ipapaala iyong early celebration mo ay pupurihin pa kita," tukso ko. Napanguso siya nang maalala ang pagdiriwang niya tapos hindi naman pala mashu-shoot kanina. Medyo awkward pero alam kong mas maaalala ng mga teammates niya ang buzzer beater niya. Paulle and I are an exception, though. Patuloy namin siyang tutuksuhin tungkol sa kapalpakan. "Natuto ka sigurong mang-asar dahil kay Paulle, 'no?" "Nope. I learned it myself," nakangising sabi ko. "You – " Inakbayan niya ako kaya naman naramdaman ko kaagad ang pawis niya sa balat ko. Napasigaw tuloy ako dahil sa ginawa niya. Hindi naman ako nandidiri sa mga pawis pero ayokong mag-amoy pawis mamaya dahil may trabaho pa ako. "Kung hindi ko lang talaga kayo kilala, iisipin kong kayo na!" panunukso ni Paulle kaya siya naman ang niyakap ng pinsan niya. Nagwala tuloy siya at patuloy na minura ang pinsan niya. Nakakainggit ang closeness nilang dalawa. "Drixon, magpapakain daw si coach. Sama ka?" yaya ng teammate niya na may Santos sa jersey. "Sure? Pwede ko ba isama itong pinsan ko saka si Reyannah?" tanong ni Dixon na tinanguan naman nung Santos. "Sasama talaga kami? Nakakahiya, kuya!" bulong ni Paulle. "Nahiya ka pa? Kung alam ko lang ay gusto mong makita ang crush mo hanggang mamaya." Nagtaas baba ang kilay ni Dixon kaya nasapak na naman siya ni Paulle. Hindi ko ata nasabi sa inyong future boksingero ang babaeng iyan kaya mahilig manapak! Napatingin ako sa mga kagrupo ni Dixon na nagdiriwang pa rin hanggang ngayon. Nakita ko si Kristopher na nakaakbay kay Erick na kasalukuyang nakatingin sa akin. Nawala tuloy ang mga ngiti ko dahil doon at umiwas ng tingin. Para tuloy, ayokong sumama sa kainan nila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD