Jake’s POV
Silence filled the air while we’re on our way to Tagaytay. Pinanatili niya ang pagtingin na lang sa kalsadang dinaraanan namin like she can’t even bare to look at me.
“Ehem,” I cleared my throat.
“Nagbreakfast ka na ba?” What a cliché to open a conversation.
“I had coffee,” malamig na sagot niya na hindi man lang nagpukol ng tingin sa akin.
D*mn! Ilang beses ko na siyang pinagsabihan tungkol ito dati. I immediately turn the car to the nearest drive thru.
“It’s okay. I’m not hungry,” she said but it was too late to object. I ordered chicken sandwich and a cup of hot chocolate. Inabot ko sa kanya. She was hesitant to accept it at first.
“Don’t skip your breakfast. How many times did I tell you that before,” wala sa loob na nasabi ko. Just like when we were still together, I always scold her for skipping her breakfast. It is the most important meal of the day. Pagkabigla ang rumehistro sa mukha niya. It was too late to realize what I just did. Wala na nga pala ako sa posisyon para pagsabihan pa siya. Ilang saglit na pananahimik ay kinuha na niya ang paper bag sa kamay ko.
“Thanks,” matipid na pasasalamat niya at muli ng bumaling ang tingin sa daan. She didn’t even touch the food that I bought. I did not insist anymore. Sino ba ako para pakinggan pa niya.
We managed to make it to Sierra Hotel before lunch. She still has enough time to prepare for her meeting at sa iba pang kailangan niyang asikasuhin. Hindi na niya hinintay na pagbuksan ko siya ng pinto. Agad na siyang bumaba sa sasakyan ko at tinungo ang entrance ng hotel.
“Thanks for driving me here. Pwede ka nang maunang umuwi. You don’t have to wait for me. Ang company car na ang maghahatid sa akin pabalik sa Manila,” nagmamadaling saad nito. Saglit lang niya akong nilingon at tumalikod na kaagad. She’s really in a hurry.
Akmang palakad na ito palayo ngunit napahinto siya. “I’ll wait,” I said. Lumingon siya pabalik sa akin.
“Y-you don’t have to. It’s okay— “she wanted to refused but I insisted. “I said I’ll wait,” mariing saad ko. She let go of a deep sigh and answered, “Bahala ka,” before heading her way inside.
Andrea’s POV
“Jenny, just make sure that all the supplies will be delivered on time.” Huling bilin ko sa Hotel manager ng Sierra Hotels dito sa Tagaytay branch namin. Sunud-sunod ang events na nakabook sa hotel kaya kailangang siguradong nasa ayos ang lahat. Alfred is busy with the expansion sa New York. Bibihira na nga itong nakakabalik dito sa Pilipinas to make sure that everything’s in order there. Kaya nga pati ako ay naisasabak na niya sa lahat gayung dadalawang taon pa lang ako sa company. Hindi pa ganun kalawak ang expertise ko. But I guess I have no choice. Kaya nga siguro hinahayaan na niya akong maiwan dito sa Pilipinas para tumutok sa mga offices ng company dito. Dati-rati ay gusto niyang kasama ako kung saan siya pupunta. Pero iba na ngayon because we both have to work our a**es off. Katatapos lang ng meeting kaya dumiretso muna ako dito sa office ko.
“Yes, Ma’am.” Sagot nito. I already signaled her to leave but she stayed standing in front of my table. Tinapunan ko siya ng tingin to ask what else does she needs.
“Ah, Maám. Yung naghatid po kasi sa inyo dito kaninang umaga—“ nagniningning ang mga mata nito na parang kinikilig. Pati ba naman siya eh nahuli sa charm nito. Huwag kang palinlang girl!
“What about him?” I raised an eyebrow.
“Naghihintay pa din po kasi siya sa hotel lounge, Ma’am” What the? I told him not to wait for me.
“Hayaan mo siya. May kailangan lang ‘yun kaya ganyan,” If I know, he’s only doing this to impress Alfred.
“Ano namang kailangan niya sa’yo, Ma’am? “Wala. Nakuha na niya! Napapikit ako ng mariin sa isiping iyon.
“Sa company, Jenny. Sa company siya may kailangan.” I emphasized. Bigla na lang akong nairita sa tanong nito. I signaled her to leave my office.
“Ah, hehehe. Sabi ko nga po Ma’am”napakamot ito sa ulo at tumalikod na sa akin. Gosh! Ang dami kong kailangang gawin. “Kawawa naman si pogi hindi pa ‘yun nagla-lunch,” napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang sinabi ni Jennt habang palabas ng kwarto. It’s four o’clock in the afternoon already. I thought to myself when I glanced at the clock. I let out a deep sigh bago ako tuluyang tumayo.
Jake’s POV
Kumakalam na ang sikmura ko. Kanina pa nag-aalburuto ang tiyan ko but I decided to stay in the lounge. Gustuhin ko mang kumain sa restaurant ng hotel ay nag-aalangan ako dahil ba hindi ko mapansin na dumaan siya at maunang umuwi. She told me to go home but I didn’t. Ako ang naghatid sa kanya dito kaya ako din ang magbabalik sa kanya sa Manila. Nagpakalibang na lang ako sa paglalaro ng online games sa cellphone ko.
“I told you not to wait. Ihahatid naman ako ng company car dito,” agad akong napatingin ng marinig ang boses niya. Matabang ang himig katulad ng matabang napakikitungo nito sa akin.
“And I said that I’ll wait,” I answered. Inirapan niya lang ako.
“Let’s eat first. Jenny said you haven’t had your lunch.” Aniya at tinalikuran na ako papunta sa restaurant siguro. I followed her.
Tahimik lamang kami parehas habang kumakain. Ni hindi niya ako magawang tapunan ng tingin. Gutom talaga siguro siya kaya mainit ang ulo. Kundangan kasing hindi pa niya kinain ang breakfast na binili ko para sa kanya.
Hanggang sa biyahe pauwi ay walang nagsasalita sa amin. Hindi ako sanay sa ganitong katahimikan. Maya-maya ay nagring ang cellphone niya.
“Ma, bakit po?” Mukhang ang mama niya iyon.
“Hindi naman po. Madami lang talagang ginagawa sa opisina Uuwi po ako kaagad kapag nakaluwag na sa trabaho,”patuloy lang itong nakikipag-usap sa telepono.
“Nasa New York po siya ngayon. Sa makalawa ang uwi niya,” napasulyap siya sa akin. I bet they’re talking about Alfred. So they know him? Close ba siya sa pamilya nito? I felt irrirated by the thought.
“Sige po Ma. Miss ko na din po kayo,” huling sabi niya sa kausap bago tinapos ang tawag.
“Is that Tita Sedes?” I asked. Matagal ko na ding hindi nakita ang pamilya niya. Ang huling beses na nakausap ko ang mga ito ay nang mawala si Andrea. I tried to asked them where the f*ck did she go. Pero hindi din nila ibinigay ang impormasyon.
“Yes,” matipid na sagot nito.
“Kamusta naman sila?”
“Okay naman. Lumaki na ang tindahan. Naconvert na nila iyon sa isang grocery store,”
“K-kamusta ka?” naitanong ko ng wala sa sarili. She gave me a confused look.
“I mean, how have you been these past two years?” I’ve been wanting to ask her this. Isa lang sa mga tanong na gusto kong ibigay sa kanya at makuha ang sagot niya. Questions that bothered me for a long time. Questions that I had no choice but to bury because she was nowhere to be found to give me the answers. Too many questions na hindi ko alam kung masasagot pa ba kahit ngayong may pagkakataon na akong maitanong sa kanya. I could feel the thick wall between us. She looked at me like she’s contemplating what to answer. Ilang Segundo kaming nagtitigan habang nakastop pa ang traffic lights.
“Good. I’ve been good,” she said firmly and with finality like she wanted to tell me that these past two years has been better for her. Is it because nawala na ako sa buhay niya? Better than the days that we’re still together? Parang may punyal na tumarak sa dibdib ko. I thought I was ready. Pero hindi pa din pala.
“Good,” I said. Then the traffic lights turned green. I turned away my gaze from her and tried to focus my attention to the long road.
Halos gabi na ng makabalik kami. Sa opisina na siya nagpahatid at may gagawin pa daw siyang report.