JAKE ARELLANO
I’m staring at the ceiling for more than f*ck knows how many hours. I couldn’t sleep. Hindi siya mawala sa isip ko. I know I shouldn’t be bothered anymore. And that I shouldn’t be giving a d*mn care anymore. It’s been two long years. Ni “HA” ni “HO”, wala. Pinagmukha niya akong tanga. I told myself that if ever I get to see her again, I will no longer ask for her reasons. Kahit ano pang dahilan niya, she chose to run away from me. Ngunit bakit ngayon, nilulukob ako ng kagustuhan na malaman ang mga dahilan niya? At kung malaman ko man, may magbabago ba? I can see that she’s mad at me. But why? Ako pa ba ang nagkamali? All I wanted was to be the best for her. Ang maipagmalaki niya ako. I wanted her to be proud of me. Pero bakit nang malapit ko ng makuha ang lahat ng pangarap ko, saka niya ako binitawan? Saka niya itinapon ang lahat ng meron kami. Hindi pa siguro sapat ang kung ano ang meron ako noon para sa kanya. Kaya ba ganun na lang siya kalapit sa boss niya? Alam ko naman na nakahihigit sa yaman at achievement ang Alfred Garcia na ‘yun. But d*mn, I loved her the best way that I can.
Back then, I almost had everything I wanted. Top Manager of the Region, perfect metrics and quotas met; Regional Manager position was almost on my grip; and most importantly, I have her. Ako na yata ang pinakaswerteng nilalang sa balat ng lupa ng mga panahon na iyon. But then, I lost her. Nagkamali ba ako ng ginusto kong maibigay ang lahat sa kanya? Nailamukos ko ang dalawang kamay sa aking mukha. D*mn! I just want to sleep.
ANDREA HERNANDEZ
“Ma’am, hindi pa po ba kayo uuwi? Late na po,” Joan asked me habang inilalapag ang kapeng hiningi ko sa kanya. Napatingin ako sa orasan sa table ko. Sh*t! It’s eight in the evening already.
“I’m sorry, Joan. I didn’t noticed the time. Umuwi ka na at hinihintay ka na sa inyo,” Simula ng makabalik ako dito sa opisina after akong ihatid ni Jake galing Sierra Hotels, I wasn’t able to concentrate. I can’t keep my focus gayung tambak ang reports na kailangan kong basahin. I’m starting to think kung tama ba ang naging desisyon kong makipagcommunicate muli kay Mikee. I knew that seeing her means chances of seeing Jake again. Hindi ko lang talaga matiis si Mikee. She’s been a very good friend to me at parang magkapatid ang naging turingan namin.
“Okay lang po, Ma’am Andrea. Night shift naman po ang boyfriend ko kaya wala naman akong date.
Nag-aalala lang po ako sa inyo. Gabi na pero trabaho pa din po ang hinaharap ninyo,” Bahagya akong napangiti sa kanya. Kahit minsan ay nasusungitan ko ito dahil sa pagiging intrimida at matabil niya ay ramdam ko ang genuine concern at loyalty nito sa akin.
“I’m okay, Joan. Ngayon lang naman ito habang may inaayos pa si Alfred sa New York,” muli akong bumalik sa binabasa kong mga report. Nagpaalam na din si Joan na mauna na ngunit bago siya tuluyang umuwi ay may dinala pa ito sa opisina ko.
“Ay, Ma’am—dinala po ito kanina ni Mr. Arellano. Naiwan niyo daw po sa kotse niya,”aniya habang inilalapag sa table ko ang isang paper bag. The sandwich and hot chocolate drink na hindi na hot ngayon, that he bought for breakfast. Ilang minutes na akong nakatitig dito.
*********************************************************
Flashback
“What do you want for breakfast? Coffee, hot chocolate or your Honey?” minsan hindi ko alam kung saan ba niya nakukuha ang ka-corny-han niya eh! Pero kahit ganun, I find him really sweet. Mahigpit niya akong niyakap habang nakaupo ako sa couch.
“Wala pa akong gana, hon” Agad na kumunot ang noo nito. “Didn’t I tell you to never miss your breakfast?” Nung magkasama pa kami sa branch ay lagi kaming sabay mag-agahan. At kahit nakalipat na ako sa branch ni Mikee, sabay pa din kaming nag-aalmusal bago niya ako ihatid sa opisina. At kung hindi man niya ako naihahatid, na napakadalang mangyari, he never missed to send me food for breakfast.
“Oo na po, Mister.” Pinisil ko ang ilong nito upang mawala na ang pagkabugnot niya.
“I like that,” aniya na hindi ko agad naintindihan.
“You calling me mister. And I will call you misis,” napangisi ito. Ako naman ay natawa. Bakit kapag siya ang nagsasabi, kahit gaano kabaduy at ka-cheesy ay sobrang nakakakilig pa din.
“Ganito pa rin kaya tayo after we get married?” tanong ko sa kanya.
“What do you mean?” he asked me back.
“Ganito,” pinagsugpong ko ang mga kamay namin. “Sweet, hindi mapaghiwalay, super in love,” I added.
Walang araw na hindi nito pinaramdam kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ako kaimportante para sa kanya. Sab nga ni Jackie ay daing ko pa daw si Queen Elizabeth. Ako na daw ang nag-uwi ng korona. Sobrang thankful ko dahil sa dami ng babae, ako ang napili niyang mahalin.
“Of course. I will never get tired of making breakfast for you. I will never get tired of reminding you not to skip your meals. I will never get tired of taking care of you, and I will never cease to love you and make you feel how much I love you,’ he said like he really meant it. Tagos sa puso at kaluluwa.
“Promise you’ll never change?” Ipinihit ko ang katawan ko upang harapin siya. Gustong gusto kong pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha.
“ Promise, I will never, ever change,” malambing nitong sagot at ginawaran ako ng marahang halik sa labi.
************************************************************
“Tss! Such a liar,” I hissed. Walang isang salita. Sa simula lang magaling. Labis na inis lang ang naramdaman ko. Kung bakit ba kasi naalala ko pa ‘yun?! Mabubulaklak na salita. Puro pangako na napako. Puro kasinungalingan! Marahas kong kinuha ang paper bag na laman ang chicken sandwich at chocolate drink na binili niya. Agad ko iyong itinapon sa basurahan.