Mga Lambana at Puting Anghel

1947 Words
Halos dina ako makagalaw sa'king kinatatayuan habang nakatanaw sa lagusan, kung saan maraming mga Lambana ang nagkakasayahan. 'Wow!..' Sa lahat ng pinagdaanan ko.. mga naranasang hirap, takot, pangamba habang naglalakbay ako sa mahiwagang mundong ito, ngayon lang ako nakadama ng lubos na kasiyahan at kapanatagan ng loob. Dito sa lugar na ito kung saan maliliit na Lambana lang ang nakikita ko. Parang saglit akong nakalimot sa tunay na pakay ko dito.. na kahit ang mga kasamahan kong insekto na naging kaibigan ko na, nawala na lang bigla sa'king isipan. "Jp!" Ramdam kong pag alog ng aking katawan sa sunod sunod na pagyugyog ng kung sino mang katabi ko ngayon. "Hoy! Jp! ayos ka lang ba ha?" Isa pang tampal sa'king pisngi at dun na'ko bumalik sa kasalukuyan. "Ha? Bakit?" Tulirong napabaling ako ng tingin saking katabi. "Buggles?" "Ako nga! Wala ng iba!" Napakamot pa ito ng kanyang batok, bago sinuklay suklay ng kanyang daliri ang nakalugay kong buhok na nililipad lipad ng hangin. 'Ang sweet talaga ng langaw na'to! Haayy..' "Napapansin ko lang ha! Bakit kaba laging lutang Jp? Ano bang nangyayari sa'yo ha?" Halatang pag aalala sa boses ni Flurrel ng lumapit sakin. "May dinaramdam kaba? magsabi ka lang samin, para matulungan ka naming gumaan ang yong pakiramdam." Nalipat ang tingin ko kay Vega na hinaplos ang aking pisngi. "Baka naman napapagod kana, hindi lang sa kahanginan ni Buggles kundi lalo na sa bunganga nito? Ipaalam mo lang sa'kin at ng maisara ko ng bunganga ng langaw na yan." Natawa naman ako sa sinabing yun ni Howie. Hindi ko tuloy malaman kung magkaibigan ngang dalawang ito o hindi eh! "Siguro naninibago at namamangha lang si Jp sa'ting mundo, kaya sya nagkakaganyan." Sa lahat ng aking narinig, tanging yung sinabi lang ni Urduja ang toroo, kasi sa dalawang araw kong pananatili sa mundo nila, mahirap pa ring maniwala at tanggapin ang lahat, na hindi ito isang panaginip lang, kundi nangyayari nga ito saking buhay ngayon. "Pumasok na tayo sa lagusan, habang may pahintulot pa ng kataas taasang Lambana. Tayo na!" Likod na lang ni Howie ang aking nakita ng mapasulyap akong muli sa lagusan. Dali dali akong sumabay kila Vega at Flurrel ng maglakad sila patungong lagusan. "Aba't kita mong Tagalupang 'to! Matapos akong pakinabangan.. iiwan na lang akong parang basahan! Hoy, Jp! Teka lang naman... Hoy! hintayin mo naman ako!.." Natatawang nilingon ko si Buggles. Nagkanda talisod pa ito kakamadaling humabol sa paglalakad namin.. Kahit si Urduja na kasunod lang nitong naglalakad ay tawa ng tawa, maging ang dalawa pang kasabay ko na sila Vega at Flurrel malakas din ang tawanan habang tinutukso si Buggles. "Sa mga kalahi mo lang yata tumatalab yang karisma mo Heneral, hahaha." "May punto ka Vega, kasi kahit saming angkan walang kadating dating ang maalamat na Heneral Buggles ng Fairyland na yan." Pigil ang ngiti ko ng lihim na mapasulyap kay Buggles. Masama ang pagkakatingin nito kila Flurrel at Vega na tuloy lang sa kwentuhan, Habang sa unahan namin seryoso namang nag uusap si Howie at Urduja na di'ko man lang napansin ang pagdaan nito saming tabi. "Grabe naman kayong dalawa kung makalait ah! Parang di nyo ako kasama. Nahawa na kayo sa pag uugali ni Howie.. mga lapastangan sa kapwa nilang Engkanto.." Pagpapaawa nito na tumalab naman sa'kin.. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong naging apektado sa langaw na'to. "Ako Buggles, hindi ako katulad nila Flurrel at Vega." Pinisil kong aking ilong para hindi ako matawa sa nakita kong biglang pagbabago ng mukha ni Buggles. Nakakatuwang mabilis na pag iiba ng mood nito. "Talaga ba! Jp?" "Oo nga! Hindi ko ugaling manlait, pero ugali kong magsungit.. Kaya pasensya kana kung sinusungitan kita ha! Saka salamat Buggles... sa lahat lahat." "Basta ikaw Jp! malakas ka sa'kin eh!" Kakamot kamot ng kanyang batok at nangingiting umiwas ng tingin sakin si Buggles. Hindi nakaligtas saking mapag obserbang tingin ang nangingislap nitong mga mata. "Napakaganda naman ng lugar na ito... Lahat masaya, walang inaalala.. Napaka peaceful ng paligid." Pag iiba ko sa nag uumpisang sumibol na ilangan sa pagitan naming dalawa. "Gusto mo bang manirahan dito sa Engkantadya, Jp?" Napangiti ako sa tanong ni Buggles, pero hindi ko sya sinagot. Umikot ang aking tingin sa mga Lambana na abala sa kani kanilang gawain. Kahit na yung iba sa kanila hirap na hirap sa mga ginagawa, pero ang ngiti ay hindi nawawala. Kahit na ako na nakatanaw lang sa kanila ay ramdam kong kasiyahan at kaligayahan ng bawat isa sa . "Kung sana ganito din ang pamumuhay ng mga tao sa'min... siguro magaan ang bawat araw na lumilipas.." "Kaso, iba ang mga Tagalupa, wala silang kakontentuhan.. mapanghangad.. mga ganid.." "Hoy! Buggles, grabe ka ha! Hindi naman lahat! kaya 'wag kang manghusga!" Naiinis akong umirap kay Buggles. Saglit syang natahimik, siguro naisip nyang may mali din sa kanyang mga sinabi. Nagpatuloy ako sa mabagal naming paglalakad, palinga linga pa rin sa paligid hanggang sa may mahagip ang aking mga mata sa madilim na bahagi ng batis. Napahinto ako sa paglalakad ganun din si Buggles. Sinundan nya ng tingin ang kanina ko pa tinatanaw na isang Lambana na may kausap na isang baby Dragon. 'Ang cute..!' Parang pinapagalitan nyang maliit na Dragon dahil nahuli nya ito sa aktong dinilaan nito ang tutubi na lumilipad sa kanilang paligid. "Sya si Althea, ang Lambana na mas gustong mapag isa mula pa noong parehong mapaslang sa digmaan ang kanyang mga magulang. Ang tanging nagpapasaya sa kanya ay ang kanyang alagang Dragon, si Morphine na kahit maliit, ang taglay na lakas ay hindi mapapantayan ng kanyang mga kauring Dragon. Dahil may mahikang nakabalot sa kanya, isang malakas na mahikang ginawa ng mga magulang ni Althea para maprotektahan sya nito." Nakaramdam ako ng awa kay Althea, mahirap kaya ang maulila, pero buti na lang andyan si Morphine kahit papanu may kasama ito. Natawa ako ng makitang hinuli na naman ng dila nito ang isang tutubi na lumilipad malapit sa mukha nito. Buti na lang di yun nakita ni Althea kundi lagot na naman sana sya. "Haay...!" Napatingala ako sa kalangitan, napamulagat ako sa'king nakita. "Ha! Anong mga yan, Buggles? Parang mga Anghel!" Kinusot kusot ko pang aking mga mata. "Tigilan mo na yang ginagawa mo, Jp! mga Anghel na tagapangalaga yang mga nakikita mo sa kalangitan. Iyong espesyal na mga Anghel." "Parang Guardian Angel!!" 'Wow! Isang hindi nakikitang kamay, isang gabay na ilaw, isang tukoy na Anghel ang naaakit at naatasan sa iyo. Bilang espiritwal na Ina ng iyong kaluluwa, hawak niya ang blueprint ng iyong pagiging perpekto at alam kung paano ka makakapagbago ng mabuti. Pinoprotektahan ka niya at nagdadala ng mga mensahe ng inspirasyon. Hindi niya mababago ang iyong personal na malayang pagpapasya, ngunit pinahihintulutan kang impluwensyahan ka patungo sa iyong mas mataas na kabutihan. Siya ay mananatili sa iyo sa buong buhay mo dito at nakatuon sa pagpapalakas at paghihikayat sa'yo sa iyong landas.' Isa isa kong tiningnan ang mga Anghel na nagliliparan sa kalangitan. Malayo ng nararating ng kaisipan ko, nakalimutan ko na ngang may katabi ako kung di lang ulit nagsalita si Buggles na ikinalingon ko dito. "Ano naman yung Guardian Angel, Jp?" "Sa aming mundo kasi, ang tawag namin sa mga Anghel ay Guardian Angel.. Ibig sabihin nun, ang nagbabantay at gumagabay saming mga tao. Naniniwala ako sa kanila, pero hindi pa ako nakakakita ng totoong Anghel puro lang rebulto at sa simbahan marami nun." "Ahh... Ganun pala sa mundo nyo! ibang iba talaga dito sa mundo namin. Eh sa mga Anghel ba na pinaniniwalaan mo, sino namang Anghel ang pinaka gusto mo?" Alam kong nililibang lang ako ni Buggles habang naglalakad kami patungong hangganan ng Lambana, kung saan na naman ang landas na tatahakin namin patungong Umbra? yun pa ang hindi ko alam sa ngayon. "Ang Mystic Angel" may bahid pa ng ngiting bumaling ako saglit kay Buggles, bago tumingala sa langit. "Anghel Mistiko!" Mula sa pagkakasulyap ko sa kalangitan kung saan kitang kita ko ang nagliliparang mga Anghel. Napangiti na lang ako ng maalala ang isa sa mga paborito kong Anghel na madalas kong puntahan sa simbahan namin sa bayan ng Pavia. "Oo, kaya kapag tiningnan mo ang mga mata ng isang Mystic Angel, nakikita mo ang pagkahabag. Ang Mystic Angels ay kalahating Wise Ones at kalahating incarnated Angels. Ang Mystic Angels ay nagbabahagi ng parehong mga katangian tulad ng mga na-incarnated na Anghel, sa kung paano sila mapagmahal, matulungin, at maalaga. Gayunpaman, dahil nagkaroon sila ng panghabang buhay sa mundo (bilang Incarnated Angels), sila ay matalino at mabait. Maaari silang mag-usap, mag-abuso sa alak, o magsugal 'dalawa sa tatlo ay hindi masama ... hehe' ..... gayon pa man ay mga Anghel pa rin sila. Pinahahalagahan ng Mystic Angels ang mga panuntunan sapagkat kinamumuhian nila ang kaguluhan. Tulad ng mga na-inkarnasyong Anghel, hihingi sila ng paumanhin. Gayunpaman sinabi lamang nila na "Humihingi ako ng paumanhin" sapagkat ito ay isang mabilis na paraan upang malinis ang tunggalian, at hindi dahil sa pakiramdam nila ay nagkasala. Ang mga nagkatawang-tao na mga Anghel ay may sulok sa pag-iimbak ng mga damdamin ng pagkakasala sa gitna ng mga mundo. "Eh parang itim na Anghel din pala, may kasamaan ding taglay, may maitim na budhi." Napapalatak pang aking katabi, di'ko na kinontra pang kanyang sinabi.. mamya nyan rumatatak na naman ang bunganga nito eh. So, tuloy lang ang aking pagkukwento, mukhang naiintindihan din naman ni Buggles kaya mas ginanahan pa akong lalo. "Ang mga Mystic Angels ay may matapang na kaalamang nagmula sa maraming mga buhay na tumutulong sa mga kupunan ng mga giyera at hidwaan. Kahit na nakita nila ang lahat, nananatili pa ring paniniwala ng Mystic Angels sa kabutihan ng sangkatauhan. Ang Mystic Angels ay hindi mahiyain sa harap ng mga madla kumpara sa mga na-inkarnasyong Anghel. Sa kanilang pamana sa Wise One, ang Mystic Angels ay gumagawa ng mga magagaling na guro, nagsasalita, at nagtatanghal ng workshop. Gustung-gusto nilang magturo tungkol sa mga diskarte sa pagpapagaling at nag-aalok ng mga tip para sa masayang pamumuhay. Ang mga Mystic Angels ay hindi natatakot na kilalanin ang anino ng buhay. Malinaw nilang nakikita ang mga isyu sa sangkatauhan sa likod ng mga drama ng tao. Ang pokus at wika ng isang Mystic Angel ay medyo mas madidilim at mas masalimuot kaysa sa isang na-incarnated na Anghel 'na kung saan ay isang lupain na hindi nais tingnan o kilalanin ang mga problema o anino.' Inilarawan ng isang Mystic Angel ang mga katangian ng kanyang Kaharian sa ganitong paraan..: "Gusto naming gamitin ang parehong Mga Card ng Angel Oracle at pati na rin ang mga Tarot card. Kami ay mga manggagamot na alam ang lahat. Dahil pinatay kami sa mga nakaraang buhay, kami ay madalas natatakot na lumabas sa espiritwal na aparador. Ngunit kapag ginawa natin, lumilipad tayo nang mataas at mabilis sa pagsasagawa ng ating hangarin. " Idinipa kong aking mga braso at tumingala sa langit sinamyo ang may kalamigang ihip ng hangin. Ramdam kong ginhawa saking dibdib.. kapayapaan sa tuwing naiisip kong Mystic Angel na isa sa mga paborito kong Anghel. "Jp!" "Hmmm.?..." Sagot kong sa kalangitan pa rin nakatingin. "Malapit na tayo." "Saan?" "Sa Kaharian ng Umbra..." Nanlalaking mga mata kong napabaling ng tingin kay Buggles. "Talaga ba Buggles?" Malapad ang pagkakangiti nyang inginuso sakin ang isang Palasyo di kalayuan sa aming kinaroroonan. "Woohh... totoo ngaaa... ang saya saya koooo!!..." Napatalon talon pa'ko sa sobrang excitement, dahil sa kaligayahang aking nararamdaman, yung biglang baling ko sa'king katabi, sabay halik at yakap dito, na tila ba bigla akong nakalimot sa aking sarili. Huli na ng ma realized kong aking ginawa na kahiya hiya lalo pa't naramdaman kong biglang paninigas ng katawan ni Buggles. 'Ay! Tanga! Bakit ko yun nagawa sa langaw na ituuu? Waaa....' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD