Mangkukulam at Dwende

1827 Words
"Maraming salamat sa'yo Akesha, iba ka talaga sa lahat ng tagapagbantay ng mga lagusan." Misteryosong ngumiti yung Akesha, nakita kong kislap ng kanyang mga mata habang nakatingin kay Vega na pasimple namang kumindat dito, bago ibinaling ang tingin kay Buggles. Ilang minutong nagtitigan ang dalawa na tila nag uusap. Ibang feeling ko sa tatlong ito eh! Parang may lihim silang itinatago samin. "Sa gagawin nyong paglalakbay sa Kaharian ng Getah, may mga mangkukulam na aagapay sa inyo. Hanggang sa marating nyu ang lagusan ng mga Lambana." "Mangkukulam? Masasama sila! Baka ipahamak lang kami ng mga yun." Di'ko napigilang sumali sa usapan nila pagkarinig ko sa pagbanggit nya sa mangkukulam. "Hindi naman lahat ng mangkukulam ay masama, Jp! meron din mababait at tumutulong sa kapwa, may damdamin din silang nasasaktan at umuunawa, nagmamahal, nabibigo at minsan nakakapag-isip ng masama." Depensa ni Akesha. Nahiya naman akong bigla sa mga nabitawan kong salita.. "Pasensya na kayo sa'kin ha! Kasi, sa mundo namin.. masasama ang mga mangkukulam." "Magkaiba ang mga mundo nating ginagalawan, siguro sa mundo nyo masasamang uri ng mangkukulam ang naninirahan doon, pero dito sa amin, ang mga mangkukulam dito ay nakakahanga ang kanilang kakayahan, maging ito man ay nakakatulong o nakakasama minsan, hindi ka naman madadamay at masasaktan, kung ituturing mo silang pantay pantay at hindi hinuhusgahan." 'Arayku naman! Grabe talaga 'tong si Howie.. Lagi na lang akong nasasapol sa mga paliwanag nito eh! Masama bang maging judgmental? Eh sa ganun kasi ako eh! Hindi ako perfect pero honest lang naman ako! Kung anong nakikita at feeling ko.. sinasabi ko, yoko kasing magkimkim ng mga saloobin ko.. Kaya ganun ka walang pake ang bunganga ko..' "Tama na yan! Ang mabuti pa, maglakbay na tayo. Mas lalong mapanganib kapag lalong dumidilim ang paligid." Tinapik muna ni Urduja ang aking balikat bago sya humakbang pakakahuyan. "Kapit ka lang sakin, Jp. Dahil kapag ako ang kasama mo, walang mangkukulam na makakalapit sa'yo." Napatingin ako kay Buggles, sa kanyang buhok na kulay itim.. sa may kakapalan nyang kilay.. sa matangos nyang ilong.. sa mamula mula nyang labi na nakangiti.. sa mapuputi nyang ngipin na may sungki.. Sa totoo lang mabait naman talaga si Buggles eh! Kaya lang may pagkapilyo at pasaway.. minsan alaskador din. Pero sa ikli ng pinagsamahan namin nakikilala ko na sila ng mabuti. At aaminin kong nagugustuhan ko na silang lahat... Unti unting sumilay ang ngiti sa'king labi ng ilahad ni Buggles ang kanyang kamay sa'king harapan, inabot ko ito saka mahigpit na hinawakan. Nakakahiya mang aminin pero napakagaan ng loob ko ngayon sa kanya. "Buggles, salamat ha!" "Salamat! saan naman?" Masuyo nya akong hinila para makasabay ako sa mabagal nyang paglalakad. "Sa mahaba mong pasensya, saka sa pag iintindi mo sa topakin kong pag uugali. Ikaw lang ang nakatagal sa'kin lam mo ba yun?" "Kanina hindi! Pero ngayon alam ko na! Hahaha..." Kita mong langaw na'to nag uumpisa na naman... "Ganyan kaba talaga o nagbabalatkayo ka lang kapag kasama mo ako ha?" Napasimangot na may konting padyak pa ng mga paa si Buggles, bago sumagot na may konting irap pa nga sakin. "Hindi ah! Ganito talaga ako nuh! Ba't ba ako magbabalatkayo pa sa'yo? eh! nahuhulog na ngang loob ko sa kagandahan mo." Halos pabulong na lang yung mga huling sinabi nya, pero naulinigan ko pa rin kahit medyo may kalabuan ng dating ng boses nya sakin. "Ano yung huling sinabi mo Buggles? Pakiulit nga! Di'ko kasi medyo narinig eh!" Nakita kong pagkabalisa nya at ang pagpapawis ng kanyang noo at kamay na nakakadaupang palad ko. 'Anubang nangyayari sa langaw na ito? Masyadong tensyonado.' "Ang alin yung hindi mo narinig? Yung.. Bakit pa ako magbabalatkayo pa sa'yo?" Pigil ang ngiti pero hindi naitago ni Buggles ang bahagyang pamumula ng tenga nito. Kaya alam kong may itinatago 'to sakin. "Nagsisinungaling ka sakin nuh?" "Hindi ah! Ba't mo naman nasabi yun?" Nagtaka ako ng bigla itong bumitaw sa pagkakahawak saking kamay saka kumaway sa madilim na kakahuyan. "Uy! Awen, kasama ka pala nila Raven?" Sinikap kong aninagin sa bandang madilim nang kakahuyan kung sino bang kinakausap ni Buggles. Isang rosas na umaapoy ang una kong nakita, kasunod nun ang unti unting paglitaw ng isang magandang babaeng may hawak nung rosas.. Para syang isang Prinsesa dahil sa kanyang koronang suot na kumikislap kapag naiilawan ng umaapoy nyang rosas sa bawat pag galaw ng kanyang ulo. May maliit na markang puso sa kanyang kaliwang pisngi. "Ang ganda naman nya! Sino sya Buggles?" Baling kong tanong saking katabi. "Sya si Awen, isang Inspirasyon. Simbolong bulaklak ng pagkamalikhain ng sining ng mga puting mangkukulam." Saglit lang kaming sinulyapan nung Awen.. Balik na naman ito sa pagtingin sa hawak nitong rosas na palaki ng palaki ang apoy na nililikha. "Pahilaga lang ang tunguhin nyong daan Buggles, mas ligtas kayo ng Tagalupa sa bahaging yun ng Getah." Hindi tumitinging sabi nya saming dalawa ni Buggles. Kahit na seryoso pang kanyang mukha, maganda talaga sya saking paningin. "Maraming salamat sa'yong ulat Awen, malaking tulong na yun para samin." "Pagsapit nyu sa ikatlong puno ng Marquise, naka antabay na sa inyong pagdating dun si Raven. Sundan nyong aking bulaklak, sya ng bahalang gumabay sa inyo." Yun lang, naglaho na ulit si Awen, tanging ang pulang rosas na umaapoy na lang ang natitirang nakalutang sa hangin. "Halika na Jp! Sundan na lang natin ang bulaklak ni Awen, para dina tayo maligaw. Hindi ko na kasi maramdaman ang presensya ng iba pa nating kasama. Marahil malayo na sila sa'tin ngayon." Naramdaman kong paghawak ulit ni Buggles sa'king kamay. Napasunod na lang ako sa kanya ng maglakad sya palapit sa rosas. "Buggles, sino naman yung Raven?" "Si Raven ay isang espiritu o pamilya ng mga espiritu sa Vodou. Marami siyang porma at panuntunan sa pagmamahal, kagandahan, kalusugan, at sekswal na pagkahilig." "Ahh.. Okay!" Habang naglalakad inaaliw ko na lang ang aking sarili sa pakikipag kwentuhan kay Buggles. Ayokong bigyan ng pansin ang kanina ko pang nakikita na isang nilalang na sumusunod samin. Hanggang sa huminto na lang sa paglalakad si Buggles at may tinawag na naman ito sa madilim na parte ng kakahuyan. "Raven! nandito na kami, magpakita kana sa amin!" "Hanggang dito ba naman nakasunod kapa rin sa kanila, Morpheus?" Napalingon ako sa'ming likuran, pero wala akong makita, ganun din sa'ming kanan at kaliwa.. 'San galing ang boses na yun?' May naamoy akong mabangong halimuyak ng isang kandila, kasunod nun ang ingay ng tila pakpak na pumapagaspas. "Ginagawa ko lang ang aking tungkulin Raven, masama ba yun?" Napahigpit ang aking hawak sa kamay ni Buggles ng biglang lumitaw saming harapan ang isang mangkukulam na may hawak na kwentas. "Sya yung nakita ko kanina, Buggles." Siniko siko ko pang katabi ko na tahimik lang mula pa kanina. "Sya si Morpheus, Shaper. Greek god of sleep and dreams.." "B - Buggles? Nag evolved kaba? bakit marunong kang magsalita ng English?" "Hindi ako yun!" Napatampal pa sa kanyang nuo si Buggles, saka napabuga ng hangin. "Hello, Jp! Ako yung nagsalita ng English, hindi yang langaw na kahawak kamay mo." "Huh!" Nanlalaking mga mata kong napatingin sa isang maliit na nilalang na bigla na lang lumitaw sa'king tabi. Pula ang kanyang buhok, mahaba ang may kaliitan nyang tenga.. may nakasukbit na parang bola na lumiliwanag sa kanyang kanang bewang, may maliit ring parang baston na kulay purple ang dulo na nakaipit sa kulay orange nitong salawal na tanging suot na damit nito. may korting dahon lang na ginawang parang kapa na nakasukbit sa balikat nito. At ang pinaka cute sa lahat ng kanyang suot ay ang sapin nito sa paa. "Ang cute naman ng sandals mo.." Nakangiti akong umuklo ng upo para magpantay ang aming mga mukha. "Anong pangalan mo?" "Arkin, at your service Madam Jp!" Inabot nitong aking kamay saka hinalikan. "Ay wow! Bongga! Saang lupalop ng Engkantadya kaba galing at para kang katulad ko lang kung magsalita?" Aliw na aliw kong kinurot ang kanyang pisngi. "Galing ako sa Kaharian ng U- .." Nagulat na lang ako ng biglang agawin ni Buggles ang kamay kong hawak pa rin ni Arkin. "Hoy! Arkin! Bakit ka nandito ha? Anong ginagawa mo ditong dwende ka ha? Tumakas kana naman sa Palasyo nyu ano?" "Hahaha... Ayan tayo eh! Kapag umiibig nagiging mapusok at padalos dalos ang kilos.. Kalma ka lang Heneral Buggles, napadaan lang naman ako dito, kasi may kukunin akong gamot kay Raven." "Umiibig? Sino?" Napatayo akong bigla sabay baling kay Buggles na umiwas naman ng tingin sakin. "Impaktang Raven, magpakita kana nga samin, para makuha ko ng sinadya ko dito, at ng kumalma ng langaw na ito." Palipat lipat ang tingin ko kila Arkin na malapad ang pagkakangisi kay Buggles na taranta naman kung saan ibabaling ang tingin. Kay Morpheus, na napapailing iling habang sinusundan ng tingin ang dalawang nag aasaran. "Dika pa rin nagbabago Arkin, palaboy laboy kapa rin hanggang ngayon.. Buti nakakapagtimpi pa si Lorsan sa katigasan ng ulo mo." Isang mangkukulam ang nakaupo sa tabi ng puno, may kalong itong itim na pusa na nakatingin din samin, may kalapati na lumilipad sa uluhan nito kasamang isang paniking malaki. Nangilabot akong bigla ng masulyapan kong isang bungo ng tao sa kanyang tabi, kasamang isang gasera na umiilaw, dalawang bote ng gamot na magkaibang kulay, isang asul at isang pula. At ang gamit pa nito sa paggawa at paghalo ng mga gamot. 'Boses pala nyang narinig ko kanina.' "Magaling akong magbalatkayo, alam nyu yan! Kaya malabong mahuli ako ng espiya kong kapatid." "Heto ng mga gamot na kailangan mo." Nakangising sabi pa ni Raven kay Arkin, na mabilis ang kilos sa pagkuha ng gamot, saka lumapit kay Morpheus at hinila na lang basta ang mangkukulam at sabay na naglaho ng dalawa. "Lagot kang Morpheus ka! Ikaw na ngayon ang bagong libangan ng pulang dwende na yun!" Sabay pang nagkatingan at nagkatawanan sila Buggles at Raven. "Pulang dwende? Hala! Ang kwento ng Lola ko, ang Pulang Duwende ang pinakamatapang ayon sa mga sabi-sabi. Sila ay nakakatakot, at kapag nagpakita ay maaaring may mangyaring masama sa iyo o ibang miyembro ng pamilya. Huwag makipagkasundo sa Dwendeng pula sapagkat ito daw ay tuso. Maaaring kapag ikaw ay nakipagsundo ay hindi niya tuparin ang inyong usapan. Hangga’t maaari ito ay iwasan. Pinaniniwalaan din na nagkakaiba-iba ang kulay ng kasuotan ng mga duwende, depende sa kanilang kakayahan, karakter, at pag-uugali. Ganun din ba si Arkin?" "Malalaman mo rin sa oras na marating natin ang Kaharian ng Umbra." Pa suspens pang sabi ni Buggles na ikina irap ko na lang sa kanya. "Tara na sa lagusan ng mga Lambana, kayo na lang ang kulang doon." Hindi pa nga ako nakakasagot kay Raven ng magsabog ito ng pulbong kulay pula, sa isang kisapmata ko lang, nagbago ng aming kapaligiran. "Antagal nyo ah! Saan paba kayo namasyal na dalawa ha?" "H- Howie?" Gulat na gulat ako pagkakita ko kila Howie, Flurrel, Vega at Urduja, na tila inip na inip ng naghihintay samin ni Buggles. Pero mas ikinagulat ko ang mga Lambana na nagkakasayahan sa bukana ng isang lagusan. "Woww...!" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD