Akane's POV "Sigurado ka bang hindi ka sasabay samin?" Nag-aalalang tanong ni Hayato sakin. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanila. "Sige. Alis na kami hime. Ingat ka ah." Sabi ni Hayato. "Okay, Bye." Sabi ko at kumaway sa kanila. Nakita kong umalis na yung sasakyan nila hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin ko. Kaya hindi ako sumabay sa kanila dahil naisipin kong maglakad. Hindi na naman ako siguro maliligaw. Grabe ang sama ng pakiramdam ko. Kainis naman. Pumunta ako sa park na malapit lang sa school. Umupo ako sa swing at tumingin sa kalangitan. "Hmm. Mukhang uulan pa ah." Sabi ko sa sarili ko hanggang sa bumuhos nga ang napakalakas na ulan. Tss! sabi na nga eh. Hindi na ako nag abalang sumilong dahil basang-basa na rin ako ng ulan. "May bagyo yata." Nasambit ko. Tumayo