Akane's POV Nagising nalang ako sa tubig na binuhos sakin. Minulat ko agad ang mga mata ko. Nakita ko ang mga Crow Hunters na nakabantay sakin. Hmm. Not bad. Nginitian ko silang lahat. Yung ngiting nakakatakot. Alam kong pula parin ang mata ko. Kaya kong kontrolin to pero pag nae-excite ako, bigla nalang magiging pula mata ko. "Yo! Gutom na ako." Nakasimangot na sabi ko sa kanila. Nilingon naman nila ako. "Oh, gising na pala ang heiress. Tawagan mo na si master." Sabi nung leader ng Crow Hunters. Master? Napangiti ako ng marealize kung sino ang master na tinutukoy niya. Sumimangot ulit ako ng tumingin sila sakin. "Gutom na ako." Ulit ko sa sinabi ko kanina. "Hoy! Bigyan niyo ng pagkain ang prinsesa." Nakangising sabi nung leader. Nagsitawanan naman silang lahat at may nilagay silang p