Akane's POV Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil hindi na rin ako makatulog. Buong gabi ko pa kasi pinag isipan yung gagawin ko. Napabuntong hininga nalang ako ng mapagdesisyunan ang gagawin ko. Pagkababa ko sa sala ay wala na akong naabutang tao. Siguro maagang umalis si Ate. Umalis nalang ako sa bahay at naisipang mag comute nalang tutal wala ako sa mood na mag drive. Pumara lang ako ng taxi tsaka sumakay. Pagkababa ko sa taxi ay dumiretso na ako ng pasok sa loob ng F.U. wala pang gaanong mga estudyante dahil nga sa maaga pa. Naisipan ko nalang dumiretso sa canteen dahil hindi pa ako nag aagahan. Pagkapasok ko sa loob ay kaunti pa lang ang nanduon. Umorder lang ako ng strawberry cake at yogurt. Pagkakuha ko ng order ko ay humanap na agad ako ng mauupuan. Inumpisahan kong kainin