Fiona's POV "Tama yang ginagawa mo. Ipagpatuloy mo lang yan." Nakangiting sabi ni Shin. Lumuhod lang ako at yumukod. "Konti nalang at magagawa ko ng tapusin ang buhay ni Akane. Bigyan nyo lang ako ng konting panahon." Sabi ko naman. Naramdaman kong inangat niya ang mukha ko at magkalapit ang aming mga mukha. Biglang namula ang mukha ko. "Pagbutihan mo lang. Umaasa ako sayo." Sabi nito tsaka ako hinalikan. Nabigla ako kaya hindi ako makagalaw. Sa totoo lang matagal ko na siyang gusto. Pero may iba siyang gusto at si Akane iyon kaya gusto kong mabura ang babaeng iyon sa mundong ito. Ang hindi ko kang maintindihan. Gusto niya si Akane pero kinasusuklaman niya ito. Maya-maya lang ay bigla siyang tumigil sa pagkahalik sakin at tsaka bumulong. "I can give you what you want... But before tha