Xavier's POV "Xavvy! Intay naman!" Narinig kong tawag sakin ni Fiona. Kung pwede ko lang talaga itong ipadala ulit sa U.S ay ginawa ko na. Hindi ko pinansin ang tawag nito at imbis na bagalan ko ang paglalakad ay mas binilisan ko pa. Hayaan mo siyang humabol. *BLAAAAAAAAG!* Napahinto ako ng may nabangga akong babae. Pagkatingin ko ay si Akira lang pala. Inabot ko sa kanya yung kamay ko at tinanggap naman niya iyon. "Who is she!?" Maarteng tanong ni Fiona habang nakaturo kay Akira. "She's just my friend." sagot ko na hindi ipinahata ang pagkairita sa tinig. "I can't believe you have a friend like her? Did this nerd brainwashed you?" hindi makapaniwalang tanong niya. "You're too much, Fiona. Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko." Sa pagkakataong iyon ay tuluyan k