Kabanata 1

2996 Words
“SWEETIE, why don’t you play with the dog outside?” malambing na suhestiyon sa akin ni Mommy. Tinutukoy niya ang beagle namin. “The weather is fair today. There are also children. Play with them! Make friends, darling.” Dahan-dahan akong umiling-iling. “I don’t want to go out! I want to go home!” Mommy held my chin. “Sweetie, we are home. Your Tita Glenda will be here any moment with her children. Befriend them, okay? They’re nice.” Hinalikan niya ang pisngi ko bago ako iniwan. Nang nawala na si Mommy sa paningin ko ay tinakbo ko ang daan patungo aking kwarto. No. I wasn’t home. America was where I belonged. Absolutely not here! Dalawang linggo na mula nang dumating kami sa bansa. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag-adjust sa bagong lugar na ito. I didn’t feel welcome here! I felt like I abandoned my real home and that was the America! I knew our business was the main reason we got here. And I hated it! I picked one of my books and started working on it. Kahit anong pilit ko sa mga magulang ko na bumalik kami sa Amerika, hindi nila ako pinakikinggan. I didn’t do much these days other than crying and coloring books. And things were really getting boring for me. Later on, I heard my Tita Glenda’s voice from the living room. She was my Mommy’s best friend and she lived next door. Nakilala ko na siya noon dahil ilang beses na siyang dumalaw sa amin noong nasa Amerika pa kami. Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Mommy at ipinagpatuloy ang ginagawa. Minutes later, I was so engrossed with the colors and book. Hindi ko namalayan ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. “Hi, Addy.” I lifted my gaze. I saw a tall, young man looking at me with a smile. Strange, but I felt a sudden jolt inside my chest. Nakaputing polo siya na hanggang siko ang haba ng sleeves at napapatungan ng vest. Naka-cargo shorts rin siya at tennis shoes. He looked like some Spanish. Medyo may kaputian ang kutis niya at expressive ang mga matang sobrang itim. His nose was sharp and his lips were pale pinkish, too. Wow. He was good-looking! “I’m Iñaki. I’m a neighbor of yours,” nakangiting pakilala niya saka binalingan ang ginagawa ko. “Oh! You love coloring books?” Hindi ko alam pero nag-init ang mga pisngi ko. I slowly nodded at him that made his smile wider. He sat next to me and looked at my work. “This is beautiful. But you should color the trees green, Addy.” I was seven when I first met him. Siya naman ay sampung taong gulang. Eleven years . . . I had been in love with him for almost eleven long years. I had been a coward in the last eleven years of my life. Within those years, kinontento ko ang sarili ko sa pagiging kaibigan niya. Labag man sa kalooban ko ay ipinagkasya ko roon ang pagiging uhaw ko sa pagmamahal niya sa paraang gusto ko. It was my safe zone. Iñaki used to be a playboy. Alam na alam ko kung sino-sino ang mga babaeng d-in-ate niya. Minsan nga ay pinagsasabay pa niya! Ganunpaman ay kampante ako. Alam kong wala pa siyang balak na magseryoso kaya hinayaan ko siya. Alam kong mas importante pa rin ako sa kanya kaysa sa mga babae niya. Alam kong naglalaro pa siya. Not until Janette came into the picture. Kung tutuusin, si Janette ang pinakahuli-hulihang babaeng naisip kong magugustuhan ni Iñaki. Simple lang ito. Hindi naman ito magandang-maganda katulad ng mga babaeng d-in-ate ni Iñaki noon. Simple lamang ito at laki sa hirap. Nakapag-aral lamang ito sa pinapasukan namin dahil sa scholarship. Tandang-tanda ko pa noong una kong nakita at nakilala si Janette. Katatapos lang naming dispatsahin ang ilang girlfriend ni Iñaki kaya naisipan naming kumain sa isang fast-food restaurant. Una itong nakita ni Iñaki bago ako. Nagtatrabaho si Janette noon bilang taga-serve ng mga pagkain. Napatid ito ni Iñaki, o pinatid, hindi ko alam. She had a very bad temper that time. Kaya halos lamunin nito si Iñaki. Dahil doon ay nawalan ito ng trabaho. Alam na alam ko kung gaano kalaki ang galit nila sa isa’t isa. Galit na galit sa kanya si Iñaki. Ganundin naman si Janette sa best friend ko. Noon palang naramdaman ko na, na isang kalaban si Janette. Ganoon na lang ang gulat ko isang araw nang nalamang may kaaway sa basketball court si Iñaki. Nang puntahan ko siya, mas lalo akong nagulat nang nakita si Janette na dinuduro ang kaibigan ko. Simula noon, si Janette na ang bukambibig niya. Palagi niyang sinasabi kung gaano ito nakakairita at nakakainis. Halos isumpa na nga niya. Iyon ang unang beses na nagalit nang todo si Iñaki sa isang babae. Isang araw, sinabi niya sa akin na pinagpustahan niya at ng mga kaibigan niya si Janette. Na sa loob nang isang buwan ay mapapasagot niya ito. Kontra ako sa ideya pero hindi ako kumibo. Alam ko na ang mangyayari. Siya ang mahuhulog sa sarili niyang patibong. Hindi nga nagtagal ay nanalo siya sa pustahan. Napasagot niya si Janette. Tuwang-tuwa siya at ipinagmalaki pa niya iyon sa akin. Hanggang sa isang araw, umiiyak na nilapitan niya ako. Nakokonsensya na raw siya sa ginagawa kay Janette. Na napapaibig na siya sa babaeng iyon. Eventually, Janette found it out. Tandang-tanda ko pa ang nangyaring komprontasyon. Iyak nang iyak si Janette habang tinatanong si Iñaki kung totoo bang pinagpustahan lamang siya. Kitang-kita ko kung paano nabasag ang best friend ko dahil sa nangyari. He felt really bad about it that he punished himself. Kinailangan ko pa siyang dalaw-dalawin dahil wala siyang ibang ginawa kundi uminom at magkulong sa kuwarto. Hindi na rin siya pumapasok sa eskwelahan noon. I was hurt, of course. Mas masakit makita ang taong mahal na mahal mo na nasasaktan. It was like my heart was ripped. Kaya kahit labag sa kalooban ko, pinayuhan ko siyang suyuing muli si Janette at patunayan dito na totoong mahal na niya ito. At ito na nga. They were officially together. Masaya si Janette. Masaya si Iñaki. Masaya ang lahat. Liban sa akin. Masakit. Masakit na masakit. Sobrang nasasaktan ako. Masakit isipin na ang taong pinahalagahan ko sa loob nang mahabang panahon ay masayang kapiling ang iba. The nights for me had been hard. I barely slept without shedding tears, without being sad, and without wishing this was a dream. A bad dream. A nightmare. “Anong oras na?” nagmamadaling tanong ko kay Carmela, kaklase at kaibigan ko, habang nililigpit ko ang mga gamit ko. “It’s almost three!” tarantang sagot niya sa akin matapos sulyapan ang wristwatch niya. Aligaga rin siyang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “Patapos na ‘yon!” Mas lalo akong nataranta sa sinabi niya. Kung bakit naman kasi ang hirap ng quiz kanina at natagalan kami! “Papunta na kami ni Addy,” sagot ni Carmela sa kausap sa cell phone. “Reserve us a seat, okay?” she paused. “Nakatayo na lang kayo? Ganoon karami ang nanonood?” “Sino ‘yon?” agad na tanong ko matapos niyang ibaba ang tawag. “Mich,” aniya na tinutukoy ang isa pa naming kaibigan na si Michelle. Pumasok siya sa driver’s seat. “Get in. Wala na tayong aabutan kung babagal-bagal ka pa.” I pouted and followed her. Naupo ako sa kanyang tabi. She drove the car fast that I almost puked my internal organs out. Kaya ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa aming destinasyon. “Excuse me, excuse me,” paulit-ulit na sabi ko habang naglalakad. Napakarami kasing tao kahit dito sa labas! It took us some minutes before we got inside the big gymnasium. Kung marami na ang tao sa labas, mas marami sa loob! “They have defended their crown, people!” Saktong pagpasok namin ay inanunsyo na kung sino ang panalo. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking sling bag. Kitang-kita ko mula sa puwesto ko kung paano ibinuhat si Iñaki ng mga teammate niya na noon ay malapad na malapad ang ngiti habang nakataas ang mga nakakuyom na kamay sa ere. I smiled. They won! Panay ang tilian ng mga schoolmate namin dahil muling naiuwi ng kupunan ang panalo sa semi-finals. I clapped my hands happily. I was so happy for him! Ngunit napalis din agad ang ngiti ko nang nakita si Janette na palapit sa kanya. Agad siyang sinalubong ng yakap ni Iñaki dahilan para kumirot ang puso ko. It used to be me, welcoming him with open arms after his victory. Pero ngayon ay hindi na. Nasa kay Janette na ang puwesto ko sa buhay niya. It was wrong to feel something this way. No, it was awful. Kung alam lang siguro ng lahat ang nararamdaman ko, paniguradong iisipin nila na insecure ako. Mahirap man iyong aminin pero oo. Nawala ang seguridad ko sa buhay ni Iñaki simula nang dumating si Janette. Ninakaw niya ang puwesto ko, ninakaw niya ang oras ni Iñaki na para sa akin, lahat. At ang mas masaklap, hindi ako puwedeng magreklamo. “Hoy, ano pang ginagawa mo rito, Addy? Lapitan mo na!” sulsol sa akin ni Carmela na ngayon ko lang naalalang nasa tabi ko. Siniko niya pa ako. “Hoy! Tatanga ka na lang ba rito? Pwede ka namang lumapit, ‘uy!” Huminga ako nang malalim saka umiling-iling. “Huwag na. Mukhang . . . ‘di niya naman kailangan ang presensya ko.” Iniwan ko si Carmela na panay ang tawag sa akin. Nalusaw din naman ang boses niya sa lakas ng mga sigaw. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. Pilit kong pinaalalahanan ang sarili na huwag umiyak. Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan iyon. No, I shouldn’t cry. Ilang buwan na nga ba mula nang nangyari ang pagiging opisyal nina Iñaki at Janette? Oo, dalawang buwan na pala. Simula nang maging mag-on ang dalawa, nawalan na ng oras sa akin ang best friend ko. It was fine, I thought. Mas mapapadali ang paglimot ko. Mahirap pero dapat gawin. Habang naglalakad ay nakatungo ako para maikubli ang halo-halong emosyon sa aking mga mata. Ayokong makita iyon ng iba at malaman kung ano ang matagal ko nang itinatago sa lahat. That would ruin him. That would ruin me. That would ruin Janette. Dahil wala ako sa alertong estado ay may nakabungguan ako. Nahulog ako sa lupa. Narinig ko ang paghingi ng paumanhin ng isang lalaki at ang pag-offer nito ng tulong sa akin upang makatayo. Pero dahil abala ang utak ko ay hindi ko iyon pinansin. Tumayo akong mag-isa saka iniwan ang kung sinumang lalaking iyon na hindi ko na pinagkaabalahang tapunan ni isang tingin. “TULALA KA na naman.” Napatingin ako kay Carmela na nasa tabi ko pala. I didn’t notice her. May hawak siyang juice at ipinatong niya iyon sa aking mesa. I mumbled my thanks to her. We were at the publication office of our college. Dito agad ako dumiretso matapos kong umalis sa gymnasium. “Alam mo, palagi ka na lang gan’yan,” malungkot na sabi niya sa akin. “Addy, you deserve better. Let it go.” Ngumiti ako nang mapait. “Matagal na ‘kong sumuko sa kanya, Car.” Malungkot na ngumiti siya saka niya hinimas ang aking likuran. “Parehas lang tayo.” Matiim akong napatitig sa kanya. Para akong nasa harap ng salamin. Kung gaano kalungkot ang mga mata ko, ganundin sa kanya. Kunsabagay nga naman, brokenhearted din siya katulad ko. “Masakit pero kailangan na nating mag-let go,” she continued. “Dahil kung patuloy tayong kakapit, mas masasaktan tayo. Mas masasaktan din natin sila.” Sinuklian ko ang kanyang ngiti na puno ng pait. Carmela tried to win his ex-boyfriend back even if he had a new girl. Kontrang-kontra si Michelle sa ginagawa niyang iyon samantalang ako naman ang nakakaintindi sa kanya. Mali, alam ko. Pero naiintindihan ko. “Kaya alam ko ang nararamdaman mo, Addy.” Sinulyapan niya ako. “Sleepless nights, loss of appetite, maybe depression . . . nararanasan ko rin tulad mo. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ‘to, eh.” “So you really love the guy?” marahang tanong ko sa kanya. Ngumisi siya na hindi naman umabot sa kanyang mga mata. “Hindi ako aabot dito kung hindi ko siya mahal.” Carmela knew my secret. Wala naman talaga akong intensyong sabihin sa kanya pero nahuli niya akong umiiyak habang nakatanaw kina Janette at Iñaki. Wala akong ibang nagawa kundi ang umamin. Katulad ko ay nasa ikalawang taon na siya sa kursong BS Architecture. We were blockmates. Parehas din kaming writer sa college publication namin. Si Michelle lang ang hindi namin kasama. She was taking up Mechanical Engineering. “I love him.” Tinitigan ko ang baso. “I love him so much that it hurts.” Naramdaman kong muli ang paghagod niya sa likod ko. Nginitian ko siya bilang pasasalamat. Mayamaya pa ay dumating si Ate Mary Anne, ang editor-in-chief namin, at hinawakan ako sa balikat. “May naghahanap sa’yo, Addy,” imporma niya sa akin. “Sino, ‘Te?” “Si Iñaki.” Nagkatinginan kami ni Carmela. “Puntahan mo na,” she added before she went to her table. ILANG HAKBANG pa ang layo ko mula kay Iñaki ay ramdam na ramdam ko na ang kakaibang aura niya. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa kanyang sasakyan habang nakatitig sa akin nang masama. I swallowed hard. Mukhang makakatikim yata ako ng sermon. “Mabuti naman at naisipan mo pang magpakita. Akala ko tatakas ka na naman katulad kanina." May bahid ng inis ang boses niya. “So supportive of you, best friend. Walking out after I claimed my victory? That’s superb!” Napatungo ako. I found my nails interesting. Dapat na ba akong mag-manicure ulit? “Ano bang pinagsasabi mo? H-hindi ako nag-walk out.” “You fidget when you lie and when you’re guilty,” he said that made me turn to him. “I know you too well, Addy.” Napakagat-labi ako. Kilala ba talaga niya ako nang lubusan? Kung ganoon, bakit hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya noon pa? He was lying. “S-sorry,” I murmured. “Ano kasi, tinawagan ako ni Ate Mary Anne at gusto niya ‘kong makita kaya-” “Do we have a problem, princess?” Napatingin ako sa kanya. Seryosong-seryoso siyang nakatitig sa akin. Depinang-depina ang mga mata niyang kasing-itim ng gabi ganundin ang kanyang panga. A thousand of words was playing in his eyes pleading to be spoken out. “You’ve been avoiding me,” dagdag niya sabay galaw ng kanyang panga. “Are you jealous of Janette?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. “A-a-anong-h-hindi, ah! What made you-” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. “Addy, hanggang kailan ko ba kailangang i-assure sa’yo na kahit anong mangyari, ikaw ang prinsesa ko? Ikaw ang best friend ko?” pilit niyang hinanap ang mga mata kong pursigido kong iiwas sa kanya. “I’ve been trying to spend time with you but you’re nowhere to be found. O kaya naman lagi kang may palusot! You know I don’t like it when we’re like this . . .” I met his gaze. Ang dami na ngang nagbago. Dati kapag umiiwas ako dahil sa babaeng d-ini-date niya, nakikipag-break siya agad at nakikipagbati sa akin. Pero ngayon . . . Mahal na mahal nga niya si Janette. Umiling-iling ako. “Hindi ako umiiwas. I’m just busy. T-that’s all.” “You’re lying. I know it when you lie.” “I’m not.” Huminga siya nang malalim. “Come here.” Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka dahan-dahang hinila palapit sa katawan niya. Naramdaman ko ang pagdampi niya ng halik sa aking buhok bago ako niyakap nang mas mahigpit. Niyakap ko siya pabalik sa kabila ng mariing pagtutol ng aking utak. God, I missed him so much. This was where I wanted to be. Ngunit hindi puwede dahil may nagmamay-ari na sa mga braso niya. Sa puso niya. Isa-isang tumulo ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan. “I missed you a lot, princess,” bulong niya malapit sa aking tainga. “I missed this.” Noon pa man, gusto niyang lagi akong niyayakap. Napakaliit ko raw kasi at tamang-tama sa katawan niya. He was the sweetest. And seeing him walking away from me was so hard to bear. “Did you miss me?” tanong niya sa akin. “You didn’t?” Napangiti ako. “I did.” Bumawi siya sa pagkakayakap. Agad kong pinunasan ang mga mata. Nang balingan ko siya, nakakunot-noo siya habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang mga pisngi ko saka ang mga iyon kinurot. “Such a crybaby,” nakangiting sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko. “Are you that pleased we made up?” “Nag-away ba tayo?” “No, but you never hanged out with me again.” He heaved out a sigh and stared right into my eyes. “Never do this again to me, okay?” Hindi ko maipapangako lalo na at iyon ang tamang gawin sa ngayon. For me, for Janette, and for you . . . I have to. “Come on. Let’s get you home,” masuyong anyaya niya saka kinuha ang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD