Kabanata 2

2049 Words
MALAKI ANG KAMAY NI IÑAKI NA IBINABALOT ANG AKIN. Our hands perfectly fitted. Unfortunately, it was only me who thought of it that way. “Kakatapos lang no’ng celebration. Mabuti nang wala ka do’n. Inuman lang naman at sayawan ang ginawa do’n, eh. Hindi ka naman mahilig sa mga ‘yon, ‘di ba?” Untag niya sa akin habang binabagtas namin ang kalsada. “At isa pa, karamihan do’n mga lalaki. Maiilang ka lang naman.” Tumango-tango ako habang abala sa pagta-type ng text para sa mga co-writer ko. Hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kanila. “Iñaki!” Bulalas ko nang agawin niya ang cell phone mula sa akin. “Give it back!” Mas inilayo niya iyon sa akin saka niya tinitigan iyon. Kinabahan ako dahil hawak niya ang manibela! “Iñaki! Baka mabangga tayo!” Sigaw ko sa kanya. “Ano ba kasi ang tinitingnan mo d’yan? I’m just texting—” Naputol ang sasabihin ko nang ibalik na niya iyon sa akin. Bahagya pa siyang nakangisi na ikinanguso ko. Ano kaya ang ginawa niya sa cell phone ko? God, I was pissed most of the time whenever he did that. “Akala ko may iba ka nang ka-text, eh,” nakangising sabi niya. “Mabuti naman at nagkakaliwanagan tayo, Addy. Hindi ka pa p’wedeng magka-boyfriend hangga’t wala ka pa sa legal na edad. And all your suitors shall seek first for my approval before they can show off their asses.” Tinitigan ko siya nang masama. “I can handle myself, okay? I’m a big girl now.” “But you’re still my baby. My little sister in another parents. Kaya hangga’t nandito ako, hinding-hindi ako papayag na basta-basta ka na lang magkaka-boyfriend nang ‘di ko alam at ‘di ko nakilatis.” I leaned my head against the window. There it was again. Pinapamukha na naman niya sa akin kung ano ang kinatatayuan ko sa buhay niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya ito o hindi. Isa lang ang alam ko: masakit. May kapatid naman siyang babae. Bakit pati ako gusto niyang gawing kapatid? Nang i-park niya ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay ay agad akong lumabas. Sumunod naman siya. Akala ko ay didiretso na siya sa bahay nila kung hindi lang niya ako hinila papasok sa bahay namin. “Hindi ka pa uuwi?” I asked, slightly disturbed with his hand enveloping mine. Napatigil siya sa paglalakad saka ako binalingan. “Why? Ayaw mo na ba ‘kong makasama?” Napailing-iling ako kasabay ng pagwasiwas ng isa kong kamay. “H-hindi naman sa gano’n! Ano kasi, galing ka sa party tapos s’yempre, pagod—” Napatigil ako sa pagsasalita nang naramdamang may mga nakamasid sa amin. Parehas kaming napatingin sa pintuan ng bahay namin. Naroon ang mga ina namin, si Mrs. Mildrid G. Fortalejo at Mrs. Glenda R. Villaraza, na nakatingin sa amin na tila kami ang dalawang pinaka-cute sa mundo. “Mom!” Tawag ni Iñaki sa ina. “Nasaan po si Iñara? Kumusta po ‘yong performance niya?” “She did good, my son.” Ngumiti siya sa amin. “Aren’t you two the most adorable couple?” Nag-init ang mga pisngi ko. Binawi ko ang kamay mula kay Iñaki. Alam kong pinagpapares kami ng mga magulang namin. Ramdam ko na iyon noon pa. They had never been discreet about it. “Quit it, Mom. We’re best friends, okay?” Iritadong sabi ni Iñaki sa ina saka binalingan si Mommy. “Good evening, Tita.” Ngumiti naman si Mommy. “Good evening to you, too, dear son. Oh, ano? Diyan na lang ba kayo?” Dali-dali naman kaming lumapit sa kanila. I kissed Mom and Tita on their cheeks. Iñaki did the same. “Paano ba ‘yan, Mildrid? Mauuna na kami ng iyong future son-in-law,” nakangising wika ni Tita. “Gabi na rin. Good night sainyo.” She turned to me. “And to you, too, my beautiful future daughter-in-law. Muling nag-init ang mga pisngi ko kaya napatungo ako. “S-sainyo rin po, Tita.” Nagpaalam na rin si Mommy sa kanila. Nang nakalabas na sila sa gate ay saka lamang kami pumasok sa bahay. “Look at that adorable boy, hija! Don’t you find him handsome and so masculine? I’m sure you two will make a good couple!” Masiglang sabi ni Mommy. “M-mom, you should seriously stop pairing me up with Iñaki. We’re best friends!” Giit ko. She threw me a knowing look. “Best friends, you say? Then, change it! Darling, napakabagay niyo sa isa’t isa! Your Tita thinks the same way, too!” “Mom,” pagod na tawag ko sa kanya. “There are things that are better to stay just the way it is.” Mas makabubuting manatili ang ilang bagay sa natural nitong porma. Dahil ang pagbabago ay nakakatakot. Hindi mo alam ang mangyayari, kung papabor ba sa iyo ang pagbabago o hindi. And I chose to stay who I was in his life. If it was the way not to lose him, I was more than willing to compromise. “Grabe! Ang hirap talaga ng mga tanong!” “Feeling ko, babagsak ako ‘pag ‘di pa naging maayos mga quiz ko.” “Who wants to be my study buddy?” We just had a long quiz in one of our major subjects. It was a suprise one. Kaya panay reklamo ang karamihan sa amin dahil doon. Kinuha ko ang aking cell phone para may pagkaabalahan. May ilang mensahe roon pero kay Iñaki ang agad kong napansin. Pilit kong iwinaglit ang excitement na naramdaman matapos makita ang pangalan niya. God, I was hopeless! He wanted to meet me at lunch in the grounds. Hindi ko napigilan ang pagngiti at kiligin—na agad ding napalis nang napagtanto kong mali iyon. “Mabuti pa ‘tong magma-magna c*m laude natin.” Then, eyes went to me. Napataas ang mga kilay ko, gulat sa nakuhang biglaang atensiyon. “H-hoy, hindi, ah? Mahirap talaga ‘yong quiz,” nahihiyang sabi ko. Tumawa si Carmela at inakbayan ako. Mabuti na lang at hindi na iyon nasundan pa. Matapos ang huli kong klase ay agad kong t-in-ext si Iñaki na papunta na ako sa sinasabi niya. Minsan, kahit na gaano ka kadesidido sa isang desisyon, may mga pagkakataong naiisip mong limutin iyon at gawin ang tunay na ninanais mo. I wanted to move on. God knows how I desired it. Pero may mga pagkakataong pinagbibigyan ko ang aking sarili. Katulad ngayon. Naupo ako sa concrete bench habang umiinom ng softdrink at palinga-linga. Panaka-naka rin ang pagtingin ko sa aking cellphone, umaasang nag-text back na siya. Magsasampung minuto na ako rito ay wala pa siya. Was he still coming? Muli kong tiningnan ang cell phone. Wala pa rin. Nag-type muli ako ng text saka s-in-end sa kanya. “Addy!” Nakita kong kumakaway sa akin si Janette habang may hawk na paper bag sa isang kamay. Napipilitang kumaway din ako sa kanya pabalik. Mukhang ngumiti siya dahil nakita ko ang maputi niyang ngipin. Then, she jogged to my direction. “Pasensya ka na, Addy. Hindi makakarating si Iñaki, eh. Pinatawag kasi siya ng dean namin kaya ako na lang ang pinapunta niya rito,” paliwanag niya saka inabot sa akin ang paper bag. “Ito nga pala. Para sa’yo.” “Salamat.” Saka ko kinuha ang hawak niya. “Ano nga pala ‘to?” Ngumiti siya nang malapad. “That’s my very special adobo. Iyan ang dahilan kung ba’t kikitain ka ni Iñaki. I told him to give you this. Kaso, ‘yon nga . . .” she sighed. “Ako na ang nagdala rito, since wala pa naman akong klase. I hope you’ll like it. I made it with love!” I kind of feel disappointed. Akala ko pa naman ay si Iñaki ang makikita ko. Napipilitang ngumiti ako sa kanya. Paano nga ba kamuhian nang husto ang babaeng katulad niya? Napakabait niya sa akin. Maalalahanin at malambing. Mas mahirap pala ang ganito. Sana suplada na lang siya at mapanlait. At least, kung ganoon siya, may rason ako para kamuhian siya nang matindi. Pero hindi. Mabait siya. A type of girl to fall in love with. Nagseselos ako sa kanya dahil siya ang mahal ni Iñaki. But I didn’t hate her. Napakabait niya sa akin. Napakasimple niyang babae. Kaya nga at marami ang nabigla nang ligawan siya ng best friend ko. Kasintaas ko lamang siya. Morena, straight ang mahabang buhok, maliliit ang mata, tamang-tama ang tangos ng ilong, at may kalakihan ang bibig na pinaresan ng mga labing may kakapalan ngunit makurba. Hindi katulad ko na mukhang bampira sa puti, may kalakihan ang mga mata, wavy ang buhok, nakakairita ang napakataas na ilong, at maliit ang bibig. Balingkinitan ang katawan niya samantalang payat naman ako. Kasali siya sa cheering squad. Scholar siya kaya alam kong matalino siya. Katulad ko at ni Iñaki ay dean’s lister din siya. “Masarap ‘to, Addy!” dagdag pa niya saka inagaw ang paper bag sa akin. Nilabas niya ang dalawang food container saka binuksan ang isa at inilapit sa akin. “Naaamoy mo? Ang bango, ‘di ba? May kanin na rin dito para hindi ka na bumili sa cafeteria.” “Thank you, Janette. Kakainin ko talaga ‘to.” Pumalakpak siya. “Sana magustuhan mo. Kasi talagang pinaghirapan ko ‘yan.” “Oo naman. Mukha ngang masarap, eh.” Tinulungan niya akong takpang muli ang container at ilagay sa paper bag kahit kayang-kaya ko namang gawin iyon mag-isa. She was really nice. Sa sobrang bait niya ay naiinis ako sa sarili. “Ang suwerte-suwerte mo, Addy.” Gulat na napatingin ako sa kanya. “Ha? Bakit mo naman nasabi?” “Kasi sobra-sobra ang pag-aalaga sa’yo ni Iñaki. Bihira ang gan’yan. Nakasama mo rin siya nang napakahabang panahon.” Yes, I was lucky that I was this close to him. Pero may mga pagkakataong naisip ko na sana hindi na lang kami ganito kalapit, na sana hindi niya na lang ako best friend. I was so close to him and it made me miles away from the place I wanted to be in his heart. “H-hindi naman.” “Napakasuwerte niya rin dahil ikaw ang best friend niya.” She smiled weakly at me. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Hinawakan niya ang aking kamay. “Addy, it’s alright. You don’t have to hide it from me. I know you love him.” Nanlaki ang mga mata ko. “How did you—” Ngumiti siya. “Noon palang, alam ko na. Wala ka mang sinasabi pero ‘di makakapagsinungaling ang mga mata mo.” I lost track of the race of my pulses. She knew? She knew all this time when I did my best to conceal it from them? Napatungo ako. “Look, Janette. Wala akong balak na sirain kayong dalawa. Dahil alam kong mahal niyo ang isa’t isa. This is just a phase. I-I’ll get over this in no time.” And I knew in myself it wasn’t. Eleven years was too long to be just a phase. At sigurado akong kung hindi ako gagawa ng paraan para matigil ito, tatagal pa ito. This could take a lifetime. It was no ordinary love. It was rooted within me. It was probably even the half of my life. “I’m expecting that.” Tumayo siya. “I know you won’t do anything, Addy. Because you’re a good and decent woman. I trust you, so much.” I swallowed hard. Miski nakangiti siya sa akin ngayon ay hindi iyon nakaapekto kahit kaunti sa nararamdaman ko. I felt awful. Pakiramdam ko isa akong traydor. At ang napakalaking kasalanan ko ay nahulog ako sa taong may mahal nang iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD