"M-maaga akong mag a-out mamaya," wika ni Patrish Jhane sa binatang si Theo Drix nang papasok na siya sa loob ng grocery store. Hinatid pa talaga siya ni Theo sa loob at hindi talaga tumigil hangga't hindi pumapayag si Patrish sa pangungulit nito na samahan siya hanggang grocery store. "May lakad ka?" lukot ang mukha ni Theo na nagtanong kay Patrish. "Uhm. U-uwi sana sa Marikina e, surprised ko ang Nana Osang ko," "Oh? Why, birthday?" tanong nito kay Patty. "Uhuh, Hindi niya alam na patungo ako ro'n mamaya," "Okay, then I will fetch you in here," sagot agad sa kan'ya ni Theo. Sandaling tinitigan ito ni Patrish upang ipabatid na hindi na kailangan at nakakaabala lamang siya rito. "Wala kang trabaho?" alanganin na ngiti ni Patrish, "akakahiya naman kung palagi kang maabala sa pagsund