"May LQ pala ang bagong lovers," parinig kay Patrish ng katabing si Speed. Mabilis niya itong binalingan ng tingin at tinaasan ng kilay. "Wala ah! Tumawag lang, lakas ng mga pang-amoy n'yo," tanggi pa ni Patrish sa kaibigang si Speed. "Echos Inday, tatangi pa eh, huling-huli," biro nito sa kan'ya. "Saan nga pala tayo tutungo?" tanong niya sa tatlo upang hindi na ulit magtanong. Subalit zipper ang bibig ng tatlo niyang kaibigan. "Wow, Great! Matuluyan sana kayong hindi makapagsalita," bulong ni Patrish na siyang kinahalakhak ng tatlo. "Ang sama sa 'tin ni Queen palibahasa wala na siya sa hideout hindi na niya tayo love," pagdra-drama ni Jade. "Paano ayaw n'yong sabihin kung saan tayo! Natural makulit ako mamaya e, pa s-salvage n'yo na pala ako ng walang kalaban-laban!" mataray pang