"D-dito ka matutulog?" tarantang wika ni Patrish sa binatang si Theo ng basta na lamang humiga sa maliit n'yang kama. Hindi alam ni Patrish kung makakatulog siya kung katabi niya ito, malamang hindi maiwasan na magkadikit ang katawan nila lalo na at halos sakupin na nito ang kanyang higaan. "Theo Drix!" padyak pa ni Patrish sa sahig dahil hindi gumalaw ang binata sa pagkakahiga. Nakapatong ang braso nito sa noo na para bang ang bilis makatulog. "Urgh! Paano na, saan naman ako nito mahihiga?" yamot na bulong ni Patrish. Dahil ayaw nang makipagtalo ni Patrish sa binata ay nagpasaya na lamang siya na magtungo muna ng banyo upang magpalit ng damit. Doon rin niya naisipan na magbihis dahil naiilang pa siya na narito sa loob ng maliit niyang kwarto ang binata. Nang lumabas ng banyo si Patr