-M.C P.O.V-
"M.C ayan yung mga kailangan mong papirmahin kay Sir.Amadeus ha!Kailanganng maipasa yan."
"M.C yung payslip natin kailangan nadin mapirmahan ni Sir ha"
"M.C ngayon ang opening ng bagong Grande Food Industry branch natin sa kalibo,Aklan at kailangang umattend ni Sir Amadeus sa blessing ceremony.Pakikontak nalang si Sir ha!"
"M.C kailangang--------"
"HEPPPP!!!!"
Lahat ng mga katrabaho ko na may kanya-kanyang dalang mga papel sa lamesa ko ay natigil sa sunod-sunod na bilin nila sa akin.Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng dapat kong asikasuhin.Pwede bang time out muna?
"Okey ka lang M.C?" tanong ng isa kong katrabaho na poker face kong ikinalingon sa kanya.
"Mukga ba akong okay?Guys naman,huwag kayong magsabay-sabay dahil alam nyo naman kung gaano kahirap hagilapin ni Boss.Isa lang ang katawan ko kaya huwag sabaysabay parang awa nyo na." reklamo ko bago pagod na sumandal sa upuan ko.
Ako nalang kaya ang pumalit na C.E.O ng kumapanyang ito!ako lang din naman qng nagaasikaso ng lahat eh!
"Pasensya na M.C,kailangan na kasi." nahihiyang sabi sa akin ng kasama ko sa trabaho na ikinabuntong hininga ko.
"Pakilagay nalang sa lamesa ko ang mga papel na yan." sabi ko na agad nilang sinunod at sabay-sabay na silang nagpaalam at bumalik sa mga pwesto nila.
Bagsak ang balikat akong napatingin sa tambak na papel na nakapatong sa lamesq ko.Ilang linggo na ang lumipas pero ganito parin ang sitwasyon ko sa kumapanya ni Boss.Ang hirap nyang hagilapin lalo na nitong nagdaang araw.Hindi ko nga akalain na tatawag lang sya sa akin para magpaalam na aalis sya papuntang Greece para tulungan ang problema ni Sir Balance.
Sana naman kung gaano sya kasipag tumulong sa problema ng mga kaibigan nya ay gawin din naman nya dito sa kumpanya nya.Ako nalang lagi ang napapagod at napupurwisyo.Sana naman magbago na sya,pasalamat talaga sya at nakakapagtiis pa akong manatili bilang sekretarya nya.
Nakabalik na kaya sya galing Greece?Kung icheck ko kaya para naman mapirmahan nya na ang mga dapat nyang pirmahan.Pag pinuntahan ko naman baka taguan na naman ako.Iba pa man din mag isip ang isang yun.Pag inabot ng katamaran ay talagang push na push ang pagtatago sa trabaho nya.
*Ring ring ring*
Napatingin ako sa phone na nakapatong sa lamesa ko,isa lang naman ang alam kong mang iistorbo sa akin pag ganitong oras eh.
Tamad kong kinuha ang phone koat sinagot ang tawag nya.
"Bakit?"
(What's with the voice M.C?Parang wala ka sa mood ngayon ah!)
"Wala talaga ako sa mood ngayon Hans kaya wag ka na magtanong." sita ko sa kanya na ikinatawa nya na lang.
Remember Hans?sya yung lalaking nakilala ko na kapitbahay lang ni Boss.Simula mg ayain nya ako sa ice cream parlor ay dineklara nya na magkaibigan na kami kaya araw araw nya na akong kinukulit.
Napalapit din naman sa akin ang isang ito dahil pag alam nyang wala ako sa mood ay aalukin nya ako ng ice cream at always libre nya.Tama din ang tingin ko sa kanya noon na babaero ang isang ito dahil nagpaalaman ko na maraming babae ang sabay sabay na nililiwagan nito.Minsan pa nga ay dinadamay nya ako sa kalokohan nya para tigilan sya ng mga babaeng hiniwalayan nya na.Kapal din kasi ng mukha ng isang ito.
Mayaman din kasi at gwapo naman si Hans.Sya ang nagmamay ari ng ilang mga resorts sa Cebu at isa dito sa Manila na hinahandle nya ngayon.
(Sabi ko naman kasi sayo magresign ka na sa trabaho mo kung nahihirapan ka na sa Boss mo at sa akin ka nalang magtrabaho bilang sekretarya ko.Ganda naman ng offer ko sayo ah!)
Napairap ako sa kawalan dahil sa kakulitan dim ng isang ito.Simula ng maging magkaibigan kami at nailabas ko sa kanya ang paghihirap ko sa trabaho lalo na sa Boss ko ay nagsimula na syang i offer ang pagiging secretary ko sa kanya.
Yes,maganda ang offer nya,pero may part sa akin na ayaw iwan ang trabaho ko sa GFI.Siguro kasi napamahal na ito sa akin at siguro kawawa ang kumapanya na ito pag umalis ako.Pero minaan naalala ko na kaya palang lumago ng kumapanyang ito dahil marami rin ang magtatrabaho dito.Isa pa,nakakaawa naman si Boss pag iniwan ko.Oo sakit sya sa ulo pero napalapit narin naman sa akin ang damuho na yun.
Naamin ko naman na naging crush ko sya at sinisigurado ko sa sarili ko na hanggang doon lang ang maramdaman ko dahil alam ko sa sa sarili kosa sarili ko na hindi ako ang nararapat sa isang tulad ni Boss.Alam kong paghanga lang ang meron ako kay Boss kaya lang sa ilang linggo na ginagambala nya ang panaginip ko ay hindi ko maitanggi na nahuhukat nito ang paghanggang nararamdaman ko para sa kanya.Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit humanga ako sa lalaking yun eh madalas ko lang naman sya makita simula ng matanggap ako bilang secretary nya at aaminin ko nung tumawag sya sa akin at marinig ang boses nya ay nagulo na naman ang sistema ko.Kainis!
(Hoy!Maria Claire don't tell me natutulala ka sa kinauupuan mo ha?)
Nawala angag iisip ko tungkol kay Boss at sa nararamdaman kong paghanga sa kanya ng magsalita ulit si Hans sa kabilang linya.
"Pwede ba Hans tigilan mo ko sa pangungulit mo!Maganda nga offer mo pero mas malaki sahod ko dito." sabi ko na ikinatawa nya.
Pag ito kausap ko laging tumatawa,kaunti nalang iisipin ko ma baliw ang lalaking ito.
(Fine!Hindi kita mapilit aba!anuways,kumg hindi ka busy tara mag ice cream.)
Ayan na naman sya at parang nabuhayan ang dugo ko ng marinig ko ang word na ice cream.Ang Ice cream nalang kasi ang streas reliever ko.
"Basta libre mo sasama ako.Hindi ko kayang tanggihan ang ice cream na yan.Kita nalang tayo." sabi ko na ikinasang ayon nya.
Natapos ang pag uusap namin ni Hans at muli akong sumandal sa upuan ko.Nag iisip ako kung paano ko makakausap si Boss para masabi sa kanya ma marami syang kailangang pirmahan.Bumuntong hininga ako at nagdesisyong ayusin ang mga papel na nasa table ko ng mag ring na naman ang phone ko.
Kahit kailan talaga hindi mapigilan ang kakulitan ni Hans.Kinuha ko ulit ang phone ko at agad kong sinagot ang tawag ni Hans.
"Ano na naman Hans!May nakalimutan ka bang sabihin?Sabihin mo na ng matapos ko na ang gagawin ko at makapag ice cream na tayo!" angal ko ng matigilan ako ng hindi boses ni Hans ang narinig ko.
(Sinong Hans ang tinutukoy mo M.C?Anong ice cream?May lakad ka ba?)
Hindi agad ako nakapag salita dahil hindi makapag sink in sa akin na kausap ko sya,na tumawag sya sa akin.
Tingnan ko ang caller ID sa phone ko ng makita ko ang naka saved na pangalan nya sa Phone ko ay hindi ako makapaniwala na tumatawag talaga sya sa akin.Parang huling usap ko sa kanya ay last week pa dahil nagpaalam nga syang pupunta sa Greece.Anong masamang hangin ang dumapo sa lalaking ito at napatawag ulit?Pag ako amg tumatawag sa kanya noon pahirapan pa sa pagsagot nya tapos ngayon. . .
"Boss tumatawag ka talaga?" di makapaniwalang sabi ko sa kanya.
(Hahaha once in a blue moon lang akong sipagin sa pagtawag M.C.Kamusta ang kumpamya?)
Bigla nalang akong napasimangot ng magtanong sya tungkol sa kumpanya nya.
"Tumatakbo pa naman Boss kahit na wala ka.Kung gusto mo magbakasyon ka pa o kaya Boss ipamana mo nalang sa kaya sa akin ang kumpanya mo tutal naman parang ako na ang may ari nito dahil ako na ang gumagawa lahat ng dapat ay trabaho mo." naiinis na reklamo ko sa kanya na ikinatawa lang naman nya.Pang asar din ang isang ito eh!
(Kalma Maria haha.kasalanan ko bang lagi akong wala sa mood na pumasok.)
"Wala sa mood?Hindi mood yan Boss katamaran na yan!"
(Grabe ka naman Maria.)
Aba't ako pa talaga ang grabe?tutal naman at sinipag itong mangamusta eh lulubusin ko na.
"Kailan ka ba magbabago ha Boss?Pwede ba asikasuhin mo na mg kumpanya mo at huwag mong iwan sa akin ang mga dapat mong gawin.Lagi mo nalang akong tinatakasan pag nalalaman mo na hinahanap kita.Tambak na kaya sa lamesa ko ang mga papel na dapat mong pirmahan kaya------"
(Dalhin mo sa condo ko at pipirmahan ko.)
Natigil ako sa sasabihin ko dahil sa sinabi ni Boss sa akin.Tama ba ang narinig ko o nabingi lang ako?Pinapadala nya ang mga papel at pipirmahan nya?Seryoso?
"Yung totoo?Boss?Seryoso ka sa sinabi mo?" panigurado ko na rinig kong ikinatawa nya.
(Dalhin mo nga dito para matigil na yang pagrereklamo mo sa akin.Isa pa,nakailang sermon din ako kay Balance kaya naisipan kong bumawi.Don't worry M.C hindi kita tatakasan this time.)
So,seryoso nga sya?So ibig sabihin sa ilang linggong wala sya ay makikita ko na sya ulit?
Ay tek?Bakit parang natuwa naman ako doon?Umayos ka nga M.C!
"Hindi ka nagbibiro o nangtitrip ha Boss?" kumpirma ko baka joke time lang ito.
Naku!Itutuloy ko ang balak kong pagtali sa kanya.
(Sige na!Pumunta ka na sa condo ko at baka magbago pa isip ko.)
Huling sabi nya bago tinapos ang tawag nya sa akin.Dahan-dahan kong binaba ang phone ko sa lamesa ko at hindi makapaniwalang bumalik sa pag kakaupo ko.Hindi lang talaga ako makapaniwala,pinapadala nya sa akin amg mga pipirmahan nya at sinabi nyang himdi nya ako tatakasan this time?
Mukha namang totoo ang sinabi nya,mas magugulat nalang siguro ako kapag pumasok sya sa kumpanya nya na malamang ay malabong mangyari.Wish ko lang!
At dahil mukhang sinapian ang Boss ko ay mabilis kong inayos ang sarili ko at agad binitbit ang mga papel na kailangang pirmahan ni Boss.
Kailangan kong bilisan dahil baka nga magbago ang isip ng isang iyon.Mahirap na baka pahirapan na naman nya ako bago ko mahagilap ang isang isang iyon.Ilang linggo ko na ding hindi nakikita si Boss,gwapo parin kaya yun?
Huh!Nagtanong pa ako eh,kailan ba nawala ang kagwapuhan nun?
Matapos kong ayusin ang mga papel na kailangang pirmahan ni Boss ay mabilis na akong umalis sa table ko at sumakay na sa elevator palabas ng kumpanya nya.
Napaisip tuloy ako,ano kayang nakain ni Boss at talagang pinapapunta nya ako sa condo nya para pirmahan ang dapat nyang pirmahan?Mukhang dinapuan kahit papaano ng kasipagan ang isang yun.Pagkalabaa ko ng GFI ay agad akong pumara mg taxi at kibit balikat nalang akong sumakay doon.
"Manong sa ***** Condominium nga po." sabi ko kay Manong driver ng matigilan ako ng makilala ko amg driver ng taxi na nasakyan ko.
"Ikaw ulit Hija!Hindi ko akalain na magiging pasahero ulit kita ah!" namamanghang sabi ni Manong driver na ikinangiwi ko.
Coincidence lang ba talaga na sya ang nasakyan ko ngayon?Ilang linggo na din ang lumipas simula nga masakyan ko sya.
"Doon ka ba ulit pupunta sa condo ng Boss mo?" tanong nya na ngiwing ikinatango ko.
Magaling makantada si Manong ah!Sabagay,ako nga natandaan eh yun pa kayang araw na yun.
"Kayo na ba?" tanong nya na bahagya kong ikinagulat.
"Po?Naku manong wala pong 'Kayo na ba!' sa aming dalawa ng Boss ko.Im just his secretary and he is my Boss." paliwanag ko na ikinangiti nya lang bago paandarin amg taxi nya.
"Alam mo Hija,ganyan din ako tumanggi noon sa asawa ko.Pero tingnan mo naman patay na patay ako sa pinakamamahal kong asawa ngayon."
sabi nya na mahihimigan mo ang pagmamahal nya para sa asawa nya.
Perp teka!so anong gusto nyang ipin-point?na magkakatuluyan din kami ni Boss?tss malabo!
"Magkaiba naman po ang sitwasyon myo manong sa sitwasyon namin." kontra ko na ngiting ikinailing nya lang.
"Pagdating sa pag-ibig hija,parerehas lang ang nagiging sitwasyon.mamahalin at magmamahal ka." sabi nya na hindi ko na ikinasagot.
Ito talagang si Manong masyadong feeling close eh!tsaka malayo at malabo naman talaga na mangyari ang sinasabi nya.Sabihin na natin ma may paghanga akong nararamdaman kay Boss pero pagdating kay Boss malabo dahil minsan narinig kong sabi nya sa mga kaibigan nya na wala syang balak na magmahal.Kaya nga hanggat kaya kong pigilan ang paghanga ko sa kanya eh ginagawa ko dahil 100% sure ako na pag hinayaan ko ito ako lang din ang masasaktan.
"Maari ko bang malaman kung sino ang Boss na pupuntahan mo sa Mendelez Condominium na yun?" tanong ni Manong driver na ikinalingon ko sa kanya.
Wala namang masama kung sasabihin ko diba?mukha namang harmless si Manong dahil kahit taxi driver sya ay makikita kong katiwa-tiwala sya lalo na at gwapo si Manong driver.Mukhang harmless si Manong at isa pa,ngayong tinitingnan ko si Manong sa rear mirror nya ay parang may nakikita ako sa kanya na hindi ko lang alam kung sino.
"Ahmmm Travis Lancellot Amadeus po.Sya po ang may ari ng Grande Food Industry." sagot ko.
Im sure kilala ni Manong si Boss dahil isa sa billionaire bachelor bussinessman si Boss.Sya kaya ang pumapang apat na pinaka mayamang binata na nahahanay kina Mr.Westaria na kaibigan ni Boss.
Minsan nga napapaisip ako kung paano napasali si Boss at nagong bilyonaryo gayong tamad sya magtrabaho.Sya lang ang kilala kong bussinessman na tamad asikasuhin ang kumpanya nya.Minsan naiisip ko kung alam ba ng mga magulang ni Boss ang katamaran at pagtakas na ginagawa nito eh.
Hayyy!Kung nakikilala ko lang ang mga magulang ni Boss ay ako na ang magsusumbong sa kanila sa katamaran ng anak nila.Kaya lang sa tagal ng kong nagtatrabaho kay Boss ay never ko pang na meet ang mga magulang nya dahil lagi silang nasa out of town bussiness trip at bihira lang umuwi.
"Ganun ba."
"Kilala nyo naman siguro sya diba Manong?Sya po ang pang apat na bilyonaryo sa buong Pilipinas." pagmamalaki ko sa Boss ko na ikinangiti ni Manong driver.
"Pasensya na hija,hindi ko kilala ang Boss mo.Bihira lang din kaso akong magbasa ng mga balita lalo na kung patungkol sa mga negosyo na yan." sagot ni Manong na ikinatango ko nalang.
Akala ko pa naman kilala nya.
Hindi na kami nag usap ni Manong driver at nagconcentrate na sya sa pagmamaneho at ilang oras lang ay nakarating na kami sa tapat ng Mendelez Condominium.
"Ito po ang bayad ko Manong." inabot ko kay Manong ang bayad ko na ikinailing nya.
"Libre na kita Hija." sabi nya na bahagya kong ikinagulat.
"Ho?"
"Sana ay ako ulit ang masakyan mo pag pupuntahan mo ang Boss mo dito.Mabait kang bata." sabi nya bago nya ako ngitian.
"Salamat sa kwentuhan Hija.Sa susunod ulit." huling sabi ni Manong na ikinatango ko nalang.
Bumaba na ako ng taxi nya at sya namang pag alis ni Manong driver.Kahit feeling close si Manong ay mabait sya at kahit papaano ay natuwa ako sa pag uusap namin.Sana nga ay sya ulit ang masakyan ko.
Huminga na muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa loob ng building.Oo nga pala,baka makasalubong ko si Hans dito dahil malapit lang ang unit nya sa unit ni Boss.
Mabilis akong sumakay ng elevator at agad pinindot ang floor kung saan ang unit ni Boss.Pagdating ko sa destinasyon ko at pagbukas ng elevator ay bumungad sa harapan ko si Hans na mukhang hindi inaasahan ang pagkakakita sa akin.
"M.C?" takang tawag nya sa akin.
Lumabas na ako ng elevator bago humarap sa kanya.Mukhang papunta na sya sa ice cream parlor na tambayan na namin ah.
"Teka!Anong ginagawa mo dito?Akala ko ba sa ice cream parlor na tayo magkikita?Wait..sinusundo mo ba ako?" sunod sunod na tanong nya sa akin na may malawak na ngiti sa kanyang mukha.
Tss!Assuming din ang isang ito eh!
"Kapal mo naman kung ako pa ang susundo sayo.Hindi ikaw ang pakay ko dito." sita ko sa kanya na ikinawala ng ngiti nya.
"Hindi ako?Kung ganon ang Boss mo ang pakay mo dito?" tanong nya na ikinatango ko
"Oo,mukha kasing nasapian ng kasipagan ang Boss ko at sinipag pumirma ng mga kailangan nyang pirmahan." sagot ko sa kanya.
"Bakit kailangang ikaw pa ang magdala sa unit nya?Diba dapat sya ang napunta sa kumpanya nya para asikasuhin yan." puna ni Hans na ikinakunot ng noo ko ng mahimigan ko ang kaseryosohan sa mga sinabi nya.
Problema nito?Although may point sya pero knowing of my Boss.
"Trabaho ko parin ito Hans bilang sekretarya nya sumusunod lang ako.Mauna kana sa ice cream parlor at susunod nalang ako pag naiabot at napirmahan ng Boss ko ang mga dapat nyang pirmahan."
"Nahh!Hintayin nalang kita." biglang ngiting sabi nya na ikinataas ng kilay ko.
"Seryoso ka Hans?"
"Mukha ba akong nagbibiro?Sige na ibigay mo na yan sa Boss mo ng makapunta na tayo sa tambayan natin.Hihintayin kita dito." udyok nya na ikinailing ko nalang.
Hayaen ko na nga ang isang ito.Mukhang desidido ngang maghintay sa akin.Hindi ko nalang sya kininotra kaya nag umpisa na akong lakarin kung nasaan ang unit ni Boss.Nang makarating na ako sa tapat ng unit ni Boss ay bahagya kong nilingon si Hans na ngi-ngiti ngiti namang kumakaway pa sa akin.
"Ang lakas ng trip ng isang ito.Paano ko ba naging kaibigan ang lalaking yan." sabi ko sa sarili ko bago ialis kay Hans ang tingin ko.
Bumuga muna ako ng hangin bago nag umpisang kumatok sa pintuan ng unit ni Boss.Nakakaapatna katok na ako pero walang Travis Lancellot Amadeus na nagbubukas ng pintuan nya,huwag mong sabihing pinagtitripan na naman ako ni Boss?Pinapunta nya ba ako dito sa wala?
Relax M.C baka hindi nya lang naririnig ang mga katok ko.Okey!kakatok ako ulit at pagnalaman kong trip lang ni Boss ang pagpapapunta nya sa akin dito ay ako na ang magpapasabog ng kumpanya nya.Swear!
Kakatok na sana ulit ako ng biglang magbukas ang pintuan ng unit ni Boss at tumambad sa akin si Boss na ikinatigil ko.
Nakatayo si Boss sa harapan ko na may tumutulo pang tubig sa buhok nya at wala sa sarili akong napadako ang tingin ko sa tiyan na na may naghuhimiyaw na anim na pandesal.
*Gulp!*
Did i really saw my Boss six packs abs???
"You can take photo of my abs M.C.It will last longer." rinig kong sabi ni Boss na ikinabalik ko ng tingin sa mukha nyang may malaki ng ngisi sa mukha.
"WAAAAHHH!!!" hiyaw ko sabay talikod kay Boss.Narinig ko pa na napamura si Boss dahil sa pagkakasigaw ko.
I can't believe it!OMG!Nakakita ba talaga ako ng tanawin na hindi ko naman dapat makita?
"Damn it Maria!Bakit ba sumigaw ka?" rinig kong inis na tanong ni Boss na hindi ko nasagot.
Bakit kasi magbubukas lang ng pinto ay kailangan pang nakahubad?Gosh my poor eyes!!
"What happened M.C?"
Napalingon naman ako kay Hans na nakalapit na pala sa akin.Hindi ko man lang napansin.
"Why did you shout?" nagaalalang tanong pa ni Hans na rinig ko namang tinanong ni Boss.
"Sino ka?"
Mabilis akong napalingon kay Boss at kahit nakakadistract ang abs ni Boss ay hindi ko nalang iyon binigyan pa ng pansin.
Nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Boss habang nakatingin kay Hans at ng lingunin ko si Hans ay ganun din kaseryoso ang mukha nya na humarap kay Boss.
"Ganyan ka ba humarap sa pupunta sa unit mo?Half naked?" seryosong tanong ni Hans kay Boss na walang emosyong tinitigan lang ni Boss.
Teka!Bakit parang may nakikita akong kuryente habang nagtititigan ang dalawang ito?
"The Hell you are?" naiiritang tanong ni Boss bago sa akin lumingon.
"Kalma Boss,kaibigan ko yan." agad na paliwanag ko.
Bakit kasi kailangan kong sumigaw?I just saw my Boss freaking abs.Just his abs.Marami na akong nakikitang abs sa mga magazine na nababasa ko kaya bakit wagas akong makareak?I just witnessed my Boss half naked in my front at hindo lo expected yun at hindi ako nainform dito.
"I'm Hans and i think ikaw ang Boss na nagpapahirap sa M.C ko." sabi ni Hans na laking matang ikinalingon ko sa kanya.
Anong pinagsasasabi ng kumag na ito?
"M.C mo?" rinig kong ulit ni Boss sa sinabi ni Hans.Iimik na sana ako para itama ang sinabi ni Hans ng bigla akong akbayan ni Hans at ilapit pa sa kanya na gulat kong ikinalingon kay Boss na seryosong nakalingon sa balikat kong inaakbayan ni Hans.
Wait!!Did i saw my Boss clenching his jaw?Nagagalit ba si Boss?
"Yeah!She's my M.C.It's good na nagkaharap na tayo.Masasabi ko ng harapan sayo na huwag mong masyadong pahirapan ang M.C ko.Or if you want ibigay mo nalang sya sa akin dahil mas maalagaan ko sya bilang sakretarya ko." sabi ni Hans na hindi ko na alam ang dapat kong ireak.
Anong kalokohan ni Hans ang pinagsasasabi nya?Masasapak ko na sya promise!Kung ano-anong lumalabas sa bibig nya.
"Your M.C huh!" biglang ngising kumento ni Boss na lalo nyang ikinagwapo.
Nilingon ako ni Boss at ngising tumitig sa akin.Damn that stare Boss.Don't use that stare on me.
"Totoo ba M.C?Pagmamay ari ka bang ng lalaking ito?" tanong ni Boss na agad kong ikinailing sabay tabig kay sa kamay ni Hans na nakaakbay sa akin.
"Hindi ah!joker lang talaga ang kaibigan ko Boss." depensa ko sa bago masamang tinapunan ko ng tingin si Hans na seryoso lang ang mukha.
"Ano ba Hans.Manahimik ka nga dyan.Puro ka kalokohan.!" sita ko na ikinaiwas nya ng tingin sa akin.
"Hindi naman pala sayo kung maka angkin ka wagas." sabi ni Boss na ikinagulat ko nalang ng hawakan nya ako sa braso ko at hilahin papasok sa unit nya bago muling hinarap si Hans na wala ng imik.
"Salamat sa paghahatid sa sekretarya ko,anyway i'll never take your suggestion.Hindi ko ibibigay ang sekretarya ko sayo.Ako ang nagmamay ari sa kanya kaya wag kang assuming hindi maganda yan." huling sabi nya bago pagsarhan ng pintuan si Hans.
Teka?tama ba ang narinig ko?sya ang nag mamay ari sa akin?
"Talagang nagsama ka pa ng back up mo dito ha Maria?" seryosong sita ni Boss na agad kong sinagot
"Anong back up?Hindi ko sya back up Boss,dito lang din sya nakatira sa floor na ito.Malapit lang sa unit mo." paliwanag ko na ikinaingos lang nya.
"Bakit ka ba sumigaw kanina?" tanong ni Boss na ramdam kong ikinainit ng mukha ko lalo na ng marealize kong nakatambad sa harapan ko ang katawan nyang kanina pa nagpapadistract sa isip ko.kasura!
"Sino bang hindi sisigaw boss?Bakit kasi topless ka?Syempre nagulat ako!" depensa ko na malawak na ikinangiti nya
"Nagulat ka sa six packs abs ko noh?Maswerte ka nagkaroon ka ng free viewing." sabi nya na ikinapoker face ko.
"Pwede ba Boss ang laswa ngang tingnan eh magbihis ka na kaya!" sita ko na ikinasimangot nya.
"Tss!"
Naglakad si Boss papasok sa isang kwarto na sa tingin ko ay kwarto nya kaya nakahinga ako ng maluwag.Nakakadistract talaga ang katawan ni Boss sa totoo lang.Kaya siguro matagal nyang buksan ang pintuan kasi naliligo sya.Isa pa si Hans,naku matutuktukan ko talaga ang isang iyon dahil sa mga pinagsasasabi nya.
Nasa labas pa kaya yun?Matingnan nga.Humarap ako sa pintuan para silipin sana si Hans pero hindi ko pa nahahawakan ang seradura ng pinto ng marinig ko ang boses ni Boss sa likuran ko.
"Subukan mong buksan yan Maria,may masisirang mukha."
Napalingon ako kay Boss na nakabihis na at deretsong umupo sa sofa.Anong pinagsasasabi nya.
"Sisilipi----"
"Nasaan na yung mga pipirmahan ko?" putol nya sa sasabihin ko na paramg may bumbilyang umilaw sa ulunan ko.Oo nga pala yung mga pipirmahan nya.Mabilis akong lumapit sa isa pang sofa sa harapan nya at umupo doon bago inilapag ang mga pipirmahan nya.
Ang gwapo talaga ng Boss kong ito!Asan ang hustisya!!Bahagya akong umiling bago iniharap kay Boss lahat ng dapat nyang pirmahan.
"Ayan na lahat!Kasama sa pipirmahan mo ang payslip ng mga empleyado mo.Pasalamat ka Boss hindi ako nakagawa ng another payslip para sa akin na ibabawas sa sahod mo." deretsong sabi ko sa kanya.
"Bakit pati sahod ko pakikielaman mo?" tanong nya na ikinangisi ko.
"Because im doing your job Boss.Ako na ang gumagawa ng lahat mg trabaho mo,ako ang napapagalitan ng mga boardmembers pag wala ka sa mga meeting nila at ako ang nag aasikaso sa dapat na ikaw ang umaayos kaya dapat lang na pakielaman ko ang sahod nyo." pahayag ko na ikinakunot ng noo nya.
Bakit ba lahat ng gawing ekspresyon ng mukha ni Boss ay gwapo parin sya.Yung mata nya,ilong nya yung jawline nya,bakit pakiramdam ko nabubuhay na naman ang paghangang nararamdaman ko na matagal ko ng binaon sa kasuluksulukan ng puso ko.
"Pakiulit nga ng sinabi mo." sabi nya na ikinawala ko sa palihim na pagtingin sa features ng mukha nya.
"Ulitin ang sinabi ko?Alin dun Boss?" takang tanong ko.Ano bang sinabi ko na dapat kong ulitin?
"Yung huling sinabi mo." sabi nya na ikimakunot ng noo ko.
Huling sinabi ko?Alin ba dun?
"Yung ako ba ang gumagawa sa trabaho na dapat ay sayo?"
"Nah!The other one."
"Other one. . . ahmmm napapagalitan ako ng mga boardmembers mo?" sabi ko na ikinatango nya.
"Is it true na pinapagalitan ka nila?" paniniguradong tanong nya na ikinasimangot ko.
Hindi sa magsusumbong ako pero nakakaasar lang talaga na minamaliit nila ako.Na sa akin sila nagagalit gayong ginagawa ko naman ng mabuti ang trabaho ko.Tamad lang talaga ang Boss nila.
"Oo naman nuh!Tuwing may board meeting kayo at ako ang napunta ay lagi silang galit sa akin dahil hindi ko daw alam kung nasaan ka at bakit ako ang naattens sa mga meeting na dapat ikaw ang naandun.Tss!Masyado nilang minamaliit ang kakayahan ko." reklamo ko na kita kong ikinaseryoso ng mukha nya.
"Sino sa member ng board ang nagagalit sayo?" tanong nya na hindi ko alam kung bakit nya naitanong.
"Si Mr.Guillermo." sagot ko na agad nyang kinuha ang phone nya at parang may hinanap bago nya ilagay iyon sa tenga nya.
Bakit kasi nya naitanong at sino ang tatawagan nya?Sumandal ako kinauupuan ko habang tinitingnan ko lang si Boss.Sino kaya ang tinatawagan nya?
"Hello?Yes Mr.Guillermo.Yeah it's me the handsome owner of the company you were working.I called to inform you that your fired and im pulling out all of your sh*tty shares on my company." sabi nya sa kausap nya na ikinaalis ko sa pagkakasandal ko sa kinauupuan ko.
Anong sinasabi ni Boss?
"I have a reason Mr.Guillermo.Besides ayokong nananatili sa kumpanya ko.Mag impake ka na ng mga gamit mo at huwag ng babalik sa kumpanya ko." huling sabi nya bago ibaba ang phone nya at kinuha ang mga papel na pipirmahan nya.
What was that?totoo ba yung narinig ko ngayon ngayon lang?Tinanggal ba talaga ni Boss si Mr.Guillermo?Bakit?
"Ito lang ba lahat ng pipirmahan ko M.C?" tanong ni Boss na sa pinipirmahan nya lang nakatingin.
'Bakit tinanggal mo si Mr.Guillermo sa kumpanya mo?" balik na tanong ko sa kanya na ikinalingon nya sa akin.
"Bakit?Kasi pinapagalitan nya ang sekretarya ko and i don't f*cking remember that i gave him an authority to be mad at you." normal na sagot nya na bahagya kong ikinagulat.
Dahil sa akin?Seryoso ba sya?
"Da-dahil sa akin?"
"Yeah!"
"Ba-bakit?"
Bakit nya tatanggalin si Mr.Guillermo ng dahil lang sa akin?Nang dahil lang sa pinapagalitan ako nito?
"Aaminin kong tamad akong pumasok sa trabaho M.C at laging inuuna ang lakwatsa kasama ng mga kaibigan ko at ikaw amg gumagawa ng lahat ng dapat na ako ang gumagawa kaya walang sinoman ang pwedeng pagalitan o sitahin ka.Mas nagagampanan mo amg pagiging boss kaya wala silang karapatan." paliwanag nya na ikinatunganga ko
Hindi ko alam pero dahil sa sinabi nya biglang tumibok ng mabilis amg puso ko.
Dahil talaga sa akin?!
"Isa pa,ayokong inaapi ang sekretarya ko hindi ko iyon nagugustuhan." sabi pa nya bago tapusin ang mga pinipirmahan nya.
"All done!Wala na ba akong gagawin?Sabihino na habang sinisipag ako." ngiting tanong nya na wala sa sariling ikinasagot ko sa kanya.
"You need to attend sa pagbeblessing ng bagong branch ng GFI this week." sabi ko.
Bakit iba ang dating sa akin ng mga sinabi ni Boss?
"Ok!Aattend ako.!"
Nawala ako sa pag iisip ko dahil sa sinabi ni Boss.Ano ba talagang nangyayari kay Boss?
Naeengkanto ba talaga sya?
"Talaga?Aattend ka?"
"Uhuh!Next week yun diba?And isa pa papasok ako sa office bukas." sabi pa nya na mas hindi ko ikinapaniwala
"Teka Boss!May lagnat ka ba o sakit?Nagdedeliryo ka ba o naeengkanto?" sunod sunod kong tanong na ikinatawa nya.
"Natatawa ako sa reaksyon mo M.C." sabi nya na ikinairap ko.
Sa hindi ako makapaniwala eh! mag eend of the world na ata eh.
"Sinisipag lang talaga ako ngayon.Anway ikakasal na si Balance."
"Talaga?"
Ikakasal na si Sir Balance?Sino kaya ang maswerteng babae na minahal ni Sir Balance?
"Yeah!He already found the woman who will stay in his side.Kakaiba.Magpapaka under na rin sya." sabi nya na ikinatitig ko lang sa kanya
Ikaw kaya Boss?Magmamahal ka din ba?
"Ikaw Boss may balak ka ba?" tanong ko na ikinalingon nya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit naitanong ko yun pero sa tingin ko gusto kong malaman ang sagot nya.
Nakatitig lang sya sa akin bago ngumiti sa akin pero yung ngiting yun ay kakaiba.
"Nakakatakot maging possessive M.C ayoko ng ganun.Nakakabaliw din ang pagmamahal kaya mas ayoko ng ganun." sagot nya bago tumayo sa kinauupuan nya na ikinasunod ko ng tingin sa kanya.
So wala syang balak magmahal?bakit parang nalungkot naman ako.
"Let's go!" sabi nya na ikinasalubong ng kilay ko.
"Anong let's go?"
"Idadaan natin sa kumpanya yang mga pinirmahan ko.Aabisuhan ko nalang si Paul na sya nalang ang mag asikaso nyan.May pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Kay Balance tutulong tayo para sa pag aayos ng kasal ni Balance." sagot nya na ikinataka ko.
"Bakit kasama ako?"
Lumapit si Boss sa akin at bigla akong hinigit patayo kaya napalapit ako sa katawan nya.
"Because your my secretary.At ang sekretarya dapat always kasama ng Boss nya.Isa pa ayaw mo nun.Hindi na kita tinatakasan sinasama pa kita." ngiting sabi nya bago ako kindatan na ikinatunganga ko lang sa kanya.
"Tara na!Oo nga pala i unfriend mo yung lalaking umakbay sayo kanina."
"Bakit naman?"
"Kasi ayaw ko sa kanya at ayokong may inaangkin sya na hindi naman sa kanya.Tsaka gwapo ako.Tara na." sabi nya bago naunang lumabas ng unit nya at ako ay walang naintindihan sa mga sinabi nya.Sumunod na rin ako sa kanya at wala na sa labas si Hans,umalis na siguro.Itetext ko nalang sya na hindi ako makakasunod sa ice cream parlor.
Bakit kailangang iunfriend ko si Hans?Anong problema nya kay Hans.
Napapailing nalang akong sumunod kay Boss na nag aantay sa akin sa elevator.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi nya sa akin kanina.Na hindi sya magmamahal dahil natatakot sya.
Bakit kailangang nyang matakot pagdating sa.pag ibig?