Episode 01

3084 Words
-M.C P.O.V- "Nasaan na ba si President Amadeus?Hindi ba nya alam na mahalaga ang meeting natin na ito?"  "We know that our company,Grande Food Industry will be stable eventhough that President Amadeus is not here but this board meeting is important.Bakit secretary nya lang ang hinahayaan nyang umatted sa ganitong kahalagang meeting?"  Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa member ng board dahil wala si Boss sa mahalagang meeting na ito.Tinawagan ko na naman ang lalaking yun kaya lang tamad talagang pumasok ang isang yun at talagang sa akin nya iniiwan ang lahat ng kailangan ng company nya.Isa pa,hindi lang naman sila ang namomroblema sa katamaran ng isang yun ah? Yung mga dapat na sya ang nagawa ay ako na ang umaako dahil no choice at dahil kahit anong hagilap ko sa kanya ay hindi talaga sya nagpapakita sa akin.Alam kong malaki ang tiwala nya sa akin pero hindi naman ako si Wonderwoman para magawa lahat.Napupurwisyo din ako at ganun din ang vice president nya. tsaka bakit ako ang sinasabon ng mga ito?Buti nga may representative si Boss sa meeting na ito tsaka anong akala nila sa akin na porket secretary lang ako ay wala na akong alam?Ako lang naman kaya ang gumagawa lahat ng reports ng GFI,ako din ang gumagawa ng daily expenses ng mga employee at ako ang gumagawa ng payslip nila tapos ilalang-lang nila ang pagiging secretary ko? "Ms.Soriano bakit ba hindi dumadalo sa meeting si President Amadeus?" tanong na sa akin ng isang member ng board "Kasalanan ko bang tamad ang isang iyon?" bulong ko bago ngiting humarap sa kanilang lahat. "Im sorry ladies and gentlemen,kahit po ako ay hindi alam kung bakit hindi umaattend ng mga board meeting si Boss.Sorry po." sabi ko na mukhang di katanggap tanggap sa kanila "How come na hindi mo alam?Your he's secretary and you must know his whereabouts or his schedule." reklamo sa akin ng isang babaeng member na kung magmake up akala mo kinaganda nya yun. Tsaka anong magagawa ko kung mismong ako na secretary nya ay tinatakasan nya. "Huwag nyo naman isisi kay Ms.Soriano kung bak----" "We'll reschedule our board meeting and please sana naman ang haharap sa amin ay ang C.E.O." putol na sabi ng matandang kalbo sa sasabihin ni VP Jimenez bago tumayo sa kinauupuan nya at lumabas ng conference room kasunod ng iba pang member ng board kaya ako nalang at si VP Jimenez ang naiwan sa loob. "Urgghh!!Bakit ba hinahanap nila ang wala!Nakakainis kulang nalang lumubog ako sa kinauupuan ko dahil sa mga tingin nila sa akin." reklamo ko na mahinang ikinatawa ni VP Jimenez. Sa tuwing sa amin naiiwan ang trabaho ni Boss eh naging malapit kami ni VP Jimenez dahil tulong kami sa pagaasikaso ng kumpanya ng tamad naming Boss.Mabait na kaibigan si VP Jimenez at syempre mabait din akong kaibigan wag lang abusuhin. "Siguro kasi kailangan talaga nilang makausap si President,matagal-tagal narin simula ng harapin sila ni President.Sabi ko naman kasi sayo kahit tamad si President matalino yun at iyon ang hinahanap ng mga board ang katalinuhan at ideas ni Pres." paliwanag nya na ikinaismid ko. "Bakit matalino din naman ako ah!Naku talaga pasalamat si Boss at hindi ko sya maiwan dah-----" "Dahil malaki ang paghanga mo sa kagwapuhan ni President?" ngiting pang aasar at pagputol sa sasabihin ko. Masama bang maging crush ang tamad na yun?Hindi ko nga alam kung bakit naging crush ko iyon eh!Pero dahil maraming nagsasabi na hindi kami bagay tinabunan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.Nasisiguro ko na wala na ang paghanga ko sa kanya.End na! "Matagal na yun Sir Paul noh!Hindi ko na kaya sya crush!" sabi ko na ngiting ikinatango nalang nito Okay!Hindi sya naniniwala. "Anyway,mukhang kailangan mo ng huntingin ang Boss mo M.C." sabi nya na ikinabuntong hininga ko. "Mukha nga!Im sure kasama na naman nya ang mga kaibigan nya.Kaya kung hahanapin ko sya dapat hindi nya alam.Malakas pa naman ang radar nun pag hinahanap ko sya."  Sa mga kaibigan nya lang naman sigurado akong nagtatambay yun.Kung hindi kay Sir Westaria kay Sir Balance naman.Sa tuwing may happenings sa kaibigan nya yun lagi ang reason kung bakit tumatakas sya sa trabaho nya.Naalala ko pa yung ginawa nya para matakasan ako. Alam kong hindi naman yun big deal sa kanya kaya lang first kiss ko yun eh!Hindi ny dapat ginawa yun.Dahil sa kiss na yun bumalikang paghanga ko sa kanya pero ngayon sinisigurado ko na hindi na mauulit yun.Kailangan ko lang isipin na andito ako sa kumpanya ng tamad na yun dahil sa trabaho. Nagpapasalamat nga ako dahil ang dami kong benefits na nakukuha bilang secretary nya kaya lang sumosobra na talaga ang katamaran nya. "Goodluck sayo." pagpapalakas ng loob sa akin ni VP Jimenez na ikinatango ko nalang. Kung hahanapin ko sya ngayon,kaninongkaibagan ko sya hahanapin?Isa lang naman ang nakakausap ko sa kanila at si Sir Balance yun.Siguro naman ituturo nya sa akin kung saan ko mahahanap ang tamad nyang kaibigan na puro purwisyo ang binibigay sa akin. "Paano ba yan Sir Paul?Mukhang kailangan ko nang maghanap ng nawawalang tamad na Presidente." paalam ko kay VP Jimenez na ngiting ikinatango nya. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na sa conference room at dere-deretsong sumakay sa elevator.Naku talaga!Pagnahanap ko ang Boss kong yun makakatikim na talaga sya sa akin ng sapak sa magkabilang pisngi nya,sumosobra na ang katamaran ng isang yun.Hindi ba nya naiisip na kailangan ko ding magrelax?Kaya lang hindi yun nangyayari kasi binibigay nya sa akin lahat ng trabaho nya.Kung bawasan ko nalang kaya mga sinasahod nya at sa akin ko ilagay.Aba ako ang naghihirap dapat ako makinabang kaysa sa tamad kong Boss. Pagkabukas ng elevator ay agad akong lumabas palabas ng Grande Food Industry at nag abang ng taxi na sasakyan.Sa Kiosk International Airline ako pupunta para magtanong kay Sir Balance.Pagkakita ko sa isang taxi ay agad ko iyong pinara at mabilis akong sumakay. "Sa KIA po Sir." sabi ko na ikinatango ng driver Habang nasa byahe ako ay kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Boss kaya lang ang nakakabwisit nyang message tone ang naririnig ko. (The handsome you are calling is always busy so leave a message after the tone.) Asar na binaba ko ang phone ko.Busy?at kailan naging busy ang lalaking yun?Hindi na ako kokontra sa handsome adjectives nya pero yung busy talaga ang nakakarindi sa tenga.Kung yung word na busy na yan ay inaapply nya sa trabaho nya baka natuwa pa ako. "Nakakainis ka talaga Boss!Sumosobra ka na!" asar na sabi ko. Masyado atang natuwa si Boss sa kasipagan ko kaya inaabuso nya na.Abay!May hangganan ang kabaitan ko.Masyado na syang sinuswerte! "Miss may kaaway po ba kayo?" rinig kong tanong ni Manong driver na ikinalingon ko sa kanya. "Huh?Kaaway?Naku Manong huwag nyo nalang po ako pansinin."  Tsismoso din si Manong driver eh!Hayyy!Gusto ko ng mag day off para makapagpahinga naman ako at mabawasan ang stress ko kay Boss,kung pwede lang maghanap ng ibang trabaho baka ginawa ko na kaya lang dahil malaki ang sahod sa GFI at maraming benefits kailangan kong magtiis. Tahimik nalang ako sa byahe hanggang makarating na ako sa pakay ko.Ang Kiosk International Airline,mabilis akong nagbayad kay Manong at agad bumaba ng taxi nya.Deretso nadin akong pumasok sa loob at sumakay sa elevator ng may isang magandang babae akong makasabay sa elevator.Napatitig ako sa kanya kasi ang tangkad nya at ang ganda nya,walang-wala ako.Maganda naman ako kung tutuusin kaya lang iba ang ganda ng isang ito eh!Para syang model. Mukhang napansin nya ang pagkakatitig ko sa kanya kasi bigla syang lumingon sa akin na agad kong ikinaiwas ko ng tingin sa kanya.Baka sabihin nito insecure ako sa ganda nya. "Sinong pakay mo dito sa KIA?" tanong nya na ikinalingon ko sa kanya. "Pakay?ah si Sir Kiosk po." sagot ko Baka nobya ito ni Sir Balance at baka isipin nito babae ako ng boyfriend nya baka bigla akong sabunutan nito. "Were the same.Pakay ko din si Mr.Kiosk.I have some bussiness with him." ngiting sabi nya sa akin na ramdam ko ang tapang sa boses nya. "Girlfriend?"  "Naku!Hindi nya ako girlfriend.May itatanong lang ako sa kanya.Kaibigan nya kasi ang Boss ko at itatanong ko lang kung alam nya kung saan ko matatagpuan ang kaibigan nya." depensa ko na ikinangisi nya. Yung totoo,nakakatakot ang ngisi ng magandang babaeng ito. "I see!Parehas tayo ng pakay.May hahanapin din ako sa kanyang isa ding kaibigan nya na pinagtataguan din ako." sabi nya na bahagya kong ikinangiti So may atraso din sa kanya ang isa sa mga kaibigan ni Sir Balance?Sino naman kaya sa mga kaibigan nya ang pinagtataguan ang ganitong kagandang babae. Parehas kaming napatingin nung magandang babae ng magbukas na ang elevator kung saan ang office ni Sir Balance.Sabay na kaming lumabas at naglakad papunta doon ng magsalita sya ulit. "Im Therice Carvajal by the way.Ikaw?" ngiting tanong nya sa akin.Matapang ang awra ng babaeng kasama ko pero sa tingin ko mabait naman sya. "M.C Soriano ang pangalan ko." "It's nice to meet a girl like you na parehas tayong pinagtataguan ng hinahanap natin." sabi nya na ikinatango ko nalang bago kami sabay pumasok sa office ni Sir Balance na agad napatingin sa amin. "M.C?Ms.Carvajal?Anong ginagawa nyong parehas sa office ko?" takang tanong ni Sir Balance na agad ikinalapit ni Therice sa kanya. "Nasaan si Sergio?Tell me where your friend is!" deretsong sabi ni Therice kay Sir Balance na ikinasalubong kilay nito. Gwapo si Boss kaya hindi nakakapagtaka kung lahat ng kaibigan nya ay gwapo ding tulad nya.Nakita ko na silang lahat minsan at masasabi kong kayang makipagsabayan ng kagwapuhan nila sa mga artista.Kaya lang sa kanilang lahat mukhang si Boss lang ang tamad sa kanila "Sergio?Teka Ms.Carvajal bakit sa akin mo hinahanap ang isang yun?" angal ni Sir Balance na ikinalingon naman nito sa akin. "Hahanapin mo din ba sa akin si Lancellot?" tanong nya na ikinatango ko "Mr.Kiosk,alam kong may alam ka kung saan nagsususuot si Sir Amadeus,his company needs him hindi yung palagi nalang ako ang namomroblema!" reklamo ko na sinabayan din ni Therice. "Tell me where i can find that f*cking yakult lover Mr.Kiosk.He's your friend and i need to see him,ang laki ng atraso sa akin ng lalaking yun!!Sino sya para tanggihan ako na maging co-model nya ha?" reklamo nito na bahagya kong ikinagulat sa kanya. So talagang model pala talaga si Therice,halata naman eh!tsaka talaga bang tinanggihan sya ni Sir Sergio na maginh co-model nya? Nakita ko ang pagpikit ni Sir Balance at paghilot nito da sintido nya.Alam kong naiistorbo namin sya sa trabho nya kaya lang sya lang talaga ang makakapag sabi kung nasaan si Boss.Kaibigan nya ito kaya alam kong alam nya kung saan nagtatago ang isang iyon. "Mr.Kiosk are you even listening?" sabay naming sabi ni Therice kay Sir Balance na ikinamulat nito at ikinatingin nya sa amin. "Bakit ba ako ang sinusugod nyo dito girls?"  "Because they are your friends!!" sabay na naman naming sabi ni Therice Sumandal si Sir Balance sa sandalan ng upuan nya at bumuntong hininga.Kailangan ko talagang malaman kung nasaan si Boss dahil ako lagi ang nakikita ng mga board member.tsaka kahit isang araw lang naman gampanan nya yung pagiging C.E.O ng kumpanya na. Naku talaga lalayasan ko na talaga ang lalaking yun! "Ok!M.C i really don't know where Amadeus is but you can check him in his condo baka doon nagtatago sa trabaho ang isang yun!At para hindi na sumakit ang ulo mo ng dahil sa Boss mo ikadena mo na sa upuan sa office nya ng hindi ka na natatakasan." suhestiyon ni Sir Balance na ikinangisi ko "Nice suggestion Mr.Kiosk bakit hindi ko naisip yan!Salamat alis na ako,baka matunugan pa ng magaling kong Boss na hinhahunting ko sya." paalam ko bago nagalakad palabas ng opisina nya.Hindi na ako nagpaalam kay Therice dahil mukhang pipigain nya din si Sir Balance kung nasaan si Sir Sergio. Pero may point si Sir Balance ha!Mukhang dapat ko ng itali sa upuan nya si Boss ng hindi na ako matakasan at maiwanan ng trabaho.Dapat na din ba akong maghanap ng matibay tibay na tali para sure akong di sya makakawala? Mabilis akong naglakad papunta sa elevator dahil baka malaman ni Boss na hinahanap ko sya makaalis pa sa condo nya.Sasakay na sana ako sa elevator ng makasalubong ko ang kalalabas lang na sakay nito na isang magandang babae din na halata ko sa mukha ang inis. Dere-deretso sya sa paglalakad kaya nalampasan nya ako pero rinig na rinig ko ang pagrereklamo nya "Bwisit ka Bal!Anong karapatan mong papasukin ako sa araw ng day off ko!Makakatikim ka talaga sa akin!" rinig kong inis na reklamo nito at tuloy-tuloy na pumasok aa office ni Sir Balance. Mukhang may isa pang magrereklamo kay Sir Balance ah!At sa tingin ko may iba sa babaeng yun at kay Sir Balance. Anyway,hindi ko na dapat isipin yun dahil may huhulihin akong tamad na lalaki.Mabilis akong sumakay sa elevator at ng makarating agad ako sa ground floor ay mabilis akong lumabas sa KIA at muling pumara ng taxi at kung tadhana ba na matatawag eh si Manong driver na naman ang taxi na sasakyan ko. What a coinsedence! "Kayo pala ulit Miss.Saan naman kita ihahatid?" ngiting sabi sa akin ni Manong "Sa Mendelez Condo building po Manong." sagot ko na ikinatango nya at agad pinaandar ang taxi nya. "Sinong pupuntahan mo sa condo building yun Miss?Nobyo mo?"  Mukhang friendly si kuyang driver ah!Hindi mapigilang hindi magtanong eh!Tsaka anong nobyo?Si Boss Amadeus nobyo ko?Asa! "Naku Manong hindi ko po boyfriend ang pupuntahan ko Boss ko po." sagot ko  "Ganun ba!Mukhang malapit ka sa Boss mo alam mo kung saan sya makikita ah." sabi nito na ikinangiwi ko nalang Hindi ko nalang sinagot si Manong driver at sa bintana nalang tinuon ang pansin ko. Tss!Malapit sa Boss ko?Oo malapit ko na syang sapakin talaga!Tsaka malamang na alam ko kung saan sya makikita,hinanap at pinagtanong ko eh!Naku kung alam lang ni Manong ang sakit sa ulo na binibigay sa akin ng Boss ewan ko lang kung maitanong nya sa akin kung malapit sa akin ang tamad kong Boss na yun. Ilang oras na byahe ay nakarating na ako sa condo building kung saan nakatira si Boss Amadeus.Agad akong nagbayad kay Manong at lumabas sa taxi nya.Pag nahuli ko si Boss ngayon itatali ko na talaga sya. "Miss!" Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagtawag ni Manong driver sa akin na ikinalingon ko.Ano namang sasabihin ni Manong? "Bakit po?" "Alam mo bang sa ganyang pagpunta sa condo ng lalaki nag uumpisa ang pag ibig!Mga kabataan talaga." sabi nito bago pinaandar ang taxi nya at umalis. Ano daw?Nag uumpisa ang Pag ibig sa pagpunta sa condo?Ang daming alam ni Manong pati yun alam?Iba ata iniisip ng manong driver na yun eh! Napapailing nalang akong nagtuloy sa pagsugod sa condo unit ni Boss.Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang button kung saan floor ang unit nya.Sana naman hindi nakatunog ang Boss ko,sana naman mahagilap ko na sya ngayon. *Ting* Huminga ako ng malalim bago lumabas sa kabubukas lang na elevator at lakad takbong pumunta sa unit ni Boss.Pagkarating ko sa tapat ng pinto nito ay kakatapok palang ako ng may mapansin akong isang note na nakadikit sa pintuan ng unit nya. Ano ito? Agad kong kinuha ang note na yun at binasa na syang nagpainit sa tuktok ng bunbunan ko. URGGGHHH!!Bwisit ang lakas talaga ng radar ng isang yun!!Paano nya nalaman na suaugurin ko sya sa condo nya.Sayang ang pamasahe ko sa pagpunta dito hindi ko man lang sya naabutan!! "TRAVIS LANCELLOT AMADEUS!!SUMOSOBRA KA NA TALAGA!!" naiinis na angal ko at muli kong binasa ang bwisit na note nya. To my dearest secretary,kung nakadating ka na sa condo ko at di mo naabutan ibig sabihin napagalaman kong pupunta ka para puntahan ako.Pasensya na M.C ha!Wala ako sa mood magtrabaho kaya galingan mo.Keep it up! Your Handsome Boss!! Pasandal akong dumausdos paupo sa sahig katapat ng pintuan ng condo ng lalaking yun at doon nagmaktol! Bakit ang lakas makaramdam ng isang yun na hinahunting ko sya?Saang lupalop ng pilipinas ko hahanapin ang tamad na lalaking yun?Bakit ba kasi ang tamad ng Boss ko!!Bwisit!! "Miss ok ka lang ba?" Dahan-dahan akong napalingon sa isang lalaking nakatayo di kalayuan sa akin na nagtataka kung bakit nakaupo ako sa sahig.Nakakahiya!Kasalanan ito ng lalaking yun eh! Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang sarili ko. "May kailangan ka sa nakatira sa unit na yan?" tanong nya na ikinatango ko. Gwapo din ang isang ito,neat hair cut,matangos ang ilong kaya lang mukhang hindi nito matatalo ang kagwapuhan meron ang Boss ko.Nakakainis,dahil hindi ko alam kung bakit gwapong-gwapo ako sa tamad kong Boss! "Meron sana." nahihiyang sagot ko na ikinangiti nya at ikinalapit sa akin. "Nakita kong nagmamadaling umalis ang nakatira sa unit na yan.Sa may hagdanan nga sya dumaan at hindi sumakay sa elevator eh.Mukhang may iniiwasan." sabi nito na ikinasimangot ko. Talagang pinagtataguan ako ng Boss kong yun,sa hagdanan talaga dumaan para hindi ko makita huh!Mautak talaga ang isang yun. "Girlfriend ka ba nya?" tanong nito na ikinatawa ko sa sinabi nya na mukhang ikinataka nya. "Hahaha!Sorry ha!Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi mo.Ako girlfriend ng isang yun.Huh!Never!Boss ko ang lalaking nakatira dito at kailangan ko syang makita dahil kailangan na sya sa kumpanya nya." naiinis na reklamo ko Bakit ba sa lalaking ito ko nilalabas ang inis ko kay Boss.! "So secretary ka nya?" "Unfortunately Oo!"  Napangiti sya sa sagot ko at ako naman ang nagtaas ng kilay ng ilahad nya sa harapan ko ang kamay nya. "Ako nga pala si Hans Fernandez,sa may pangatlong unit lang ako sa floor na ito." pagpapakilala nya na ikinatitig ko lang sa kamay nyang nakalahad sa akin. "M.C Soriano." matipid na sagot ko pero hindi ako nakioag kamay sa kanya na ikinangiti nya lang.Binaba nya ang kamay nya at nakangiti lang na nakaharap sa akin. "M.C lang talaga ang buo mong pangalan?" tanong nya Feeling close na din ang isang ito eh!Pero mukhang mabait naman at harmless. "Maria Claire ang totoo kong pangalan." sagot ko na ikinatango nya. Minsan ko lang sabihin sa iba ang buong pangalan ko.Nung nabasa ni Boss ang buo kong pangalan sa resume ko,tinawaan nya po ako.Masyado daw makaluma ang Maria at kung hindi ko lang kailangan ng trabaho nun baka sinupalpal ko sa mukha nya ang resume ko. "Maria bagay sayo ang pangalan mo." sabi nya sa akin. Bolero din isang ito eh!Halata namang babaero ang isang ito.Bakit ba nagkalat ang mga babaero sa pilipinas? "Sinabi din yan ng nanay ko." sarkastikong sabi ko na bahagya nyang ikinatawa "Sa tingin ko malayo pa ang pinanggalingan mo dahil mukhang napagod ka sa pagpunta mo sa condo ng Boss mo." puna nya na peke kong ikinangiti Kung alam mo lang. "May ice cream parlor malapit dito gusto mo?" aya nya na ikinalingon ko sa kanya Seryoso ba sya?Pero mukhang kailangan ko ngang magpalamig dahil sa pagtakas na ginawa ni Boss.Isa pa kahit mukhang babaero ang isang ito mukha namang hindi sya gagawa ng masama,subukan nya lang "Libre mo?" taas kilay na tanong ko na ikinangiti nya. "Yeah sure!Ako nag aya eh!" sabi nya na ikinapayag ko na. Pababayaan ko muna ngayong maglagalag si Boss dahil Pag nahuli ko sya talagang gagawin ko ang payo ni Sir Balance sa akin.Itatali ko na talaga sya swear. Sa ngayon,kailangan ko ng ice cream ngayon at dahil libre lulubusin ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD