-M.C P.O.V- Nakatingin lang ako ngayon sa kisame ng kwarto na kinalalagyan ko ngayon,mag iisamg oras na yata simula ng lumabas si Travis at hanggang ngayon ay hindi pa sya bumabalik. Napailing ako at dahan-dahang umupo sa pagkakahiga.Secretary lang naman ako ni Travis kaya hindi nya responsibilidad na alagaan ako o bantayan ako. "Hindi nya kailangang manatili dito dahil lang sa nangyari sa akin.Alam kong naawa lang sya at nag aalala bilang Boss ko." Isa pa,ayokong maging abala sa kanya dahil lang sa nangyari sa kanang paa ko.Iniisip ko din si Mickey dahil im sure nag aalala na yun sa akin at baka hinahanap na ako ni Eiji.Nasa bag ko ang phone ko at nasa kotse ito ni Travis na naiwan sa bundok.Alam kong nangako ako kay Travis na mananatili ako sa Ospital na ito pero ayokong maging alal