-M.C P.O.V- Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iakto sa harapan ni Travis matapos ang mga nangyari.Dahil sa kagustuhan kong makauwi at di na maabala si Travis ay nadamay si Hans.Hindi ko alam kung anong nangyari kay Hans matapos namin syang iwan sa may kalsada,sana naman may makakita sa kanya doon dahil nawalan talaga sya ng malay ng bigla syang suntukin ni Travis. Hindi ko akalain na kayang patulugin ni Travis si Hans sa isang suntok lang.Naawa tuloy ako at nakukonsensya dahil dinamay ko sya.Isa pa, alam kong hindi nagustuhan ni Travis ang ginawa ko dahil sinuway ko ang kagustuhan nyang manatili ako dito sa Ospital,kita ko yun sa mga mata at kilos nya ngayon. Matapos akong kunin ni Travis kay Hans ay ibinalik nya ako dito sa Ospital,at hindi ako makapaniwala sa mga inakto ni Travis