Chapter 3
(Ren Derik Orienza, point of view)
---
Ang cute niya! ang cute talaga ng chen chen ko! oo! chen chen tawag ko sakanya, kasi chen chen ang sinabi niya sakin na pangalan niya nung una naming pagkikita.
At oo! hindi eto ang una naming pagkikita o pag kakakilala, 1 yr. ago, mahigit isang taon na ang lumipas simula nang magkakilala kami. At siya ang gumawa ng pangalan ko na Drigs. kasi daw masyadong common ang pangalan kung Ren o derick, at masyado din daw mahaba ang Ren Derik, keya pinangalanan niya akung Drigs, at siya at ako lang ang nakaka alam nun,. Ay! hindi pala. Sila nung mga kaibigan niya. Makadalaw nga minsan sa kanila.
Nagpakilala akung Drigs sakanya, pero mukhang hindi niya ako kilala, kasi nahirapan pa ako na makipag kaibigan sakanya. Hindi ko alam din kung ano nangyari sakanya pagkatapos ng mahigit isang taong lumipas, Kasi hindi siya ganyan dati, hindi siya ganyan nung una kaming mag kakilala.
Isang masayahing Maesy ang nakilala ko nun, palaban, walang kinakatakutan. Pala kaibigan, madaldal, at mahilig mag kwento, kahit mag joke pa na napaka corney, tatawa kana din dahil sa tawa niya. Napaka masayahing tao ang nakilala kung Maesy. Keya hinding hindi ko kinalimutan ang magaganda niyang mukha, at nakaka aliw na ngiti ni Maesy.
Nagtataka kayo pano ko siya nakilala, well! malalaman niyo rin. Ang importante ngayon, nagkita na ulit kami, babalik pa ba yung Maesy dati? hindi ko alam qung anong nangyari sakanya, pero kung ano man iyon, gagawin ko munang maibalik si Maesy sa dating siya, gagawin ko ang lahat para maibalik siya at ipapaalala ko sakanya ang lahat kung sakaling nawala man siya nang ala-ala.
Nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin at naghihintay sa guro namin, pero kanina ko pa kinakausap si Maesy pero mukhang hindi niya ako naririnig, nakatingin siya sa labas sa may bintana at nakita ko din dun yung tinaguriang crush campus sa school na eto, dun pala siya nakatitig! tsk! feeling gwapo! hindi naman siya gwapo! di hamak na mas gwapo ako ng ilang paligo sakanya !
Hhmm!! Oo na! nag seselos na ako! ok na?! takte namam. May gusto na ako kay Maesy dati pa. At sana maalala niya yun,.
Nabigla ako nang bangitin niya ang pangalan ko, nang tawagin niya ako. Natutuwa ako dahil unti unti niya siyang nakikipag usap sakin, pero mas masaya sana kung Drigs ang itawag niya sakin tulad ng dati.
"bakit chen chen ko?" sagot ko sabay ngiti sakanya.
"kapal ng mukha mo, abot hanggang dito" sagot niya, sabay lapat sa pisngi ko at isinunod niya na ilpat ang kamay niya sa mukha niya, na mukhang idinidistansya niya. Na tawa ako sa ginagawa niya.
Ang cute niya talaga pag naiinis. Keya gustong gusto ko siyang naiinis para maslalo siyang gumaganda sa paningin ko.
Napatitig ako sa mukha niya, mukhang unti unti na din na nawawala ang lungkot sa mga mata niya, masaya ako kung ganun. Ano ba nangyari sayo Maesy? anong nangyari sayo makalipas ng mahigit dalawang taon. Anong nayari sayo simula nung huli nating pagkikita.
Pero, hindi parin kumukupas ang simpleng kagandang taglay niya. Ganun parin siya mag ayos, napaka simple parin.
Titig na titig ako sa pag mumukha niya, hanggang sa bumalik ang ulirat ko ng magsalita siya, at sabihing...
"Grabi ka namng makatitig sakin! hmpft! inlove kana niyan sakin noh!?! may gusto kana sakin?!"
Ngumiti eto pero mayat maya, tinakpan niya ang bibig niya at tumalikod sakin.
Dun ko narealize na narealize niya seguro na hindi niya dapat sinabi yun. Natawa ako. Natawa ako sa inasta niya. Ang cute niya talaga. Nakaka gigil siya pag ganyan siya.
Tinukso ko eto, at mas iniinis pa lalo.
"oyyy! si chen chen ko! may nalalaman na siyang paganyan ganyan." sabi ko, pero hindi parin niya ako hinaharap at kinakausap, nakatalikod parin eto sakin, keya tinusok tusok ko ang braso niya ng ballpen na hawak ko at kinukulit.
Pero kung ano ang sumagi sa isip ko inilapit ko ang mukha ko sa may taynga niya, pero hindi ko inaasahan na bigla siyang lilingon, na kadahilanan na muntikang maglapat ang mga labi naming dalawa.
Nabigla ako sa nangyari, keya hindi ako makagalaw. Oo! ilang beses kong sinubok na ilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, pero biro lang yun ey! iniinis ko lamang siya, kaya nagagawa kung gumalaw. Pero, ngayon, Takte! ano to? bat pigil ako sa paghinga. Bat di ako maka kilos, bat di ako makagalaw, bat ang lakas lakas ng kabog ng puso ko.
------------
(Maesy Chean, point of view)
---
Ang kulit! sobrang kulit. Naiinis na ako sa kakulitan ni Ren, at ang ewan ko din bat ko pa kasi nasabi yun sakanya! nahihiya tuloy ako. Ano ba kasi pumasok sa utak ko at naki pag biruan ako sakanya, tapos heto ako ngayon tinatakpan ang mukha sa kakahiyan. Pero etong si Ren, tinutukso ako at tinutusok tusok din niya ang braso ko ng ballpen na hawak niya! walang hiya siya talaga!. Napipikon na ako sakanya, at para matigil narin siya haharaoin ko na nga lang siya.
Pero, hindi ko naman alam na sa pag harap ko sakanya siya din netong paglapit sa mukha ko.
My gosh!! bat parang bigla ata uminit sa loob ng classroom namin, hininaan ba nila ang aircon?!
Grabi! diko inaasahan na ganito kalapit ang mukha namin sa isat isa, ilang beses na din niyang ginawa eto pero hindi eto masyadong malapit na malapit. Pero ngayon grabi! as in! grabing lapit na lapit ang pag mumukha naming dalwa, na konteng maling galaw lang na kahit sino saming dalwa ay maglalapat na ang labi namin sa isat isa.
Grabi! as in! ano to?! bakit ganito? bat ang lakas ng kabog ng puso ko. Bat hindi ako makagalaw. Bat parang hindi ako makahinga! pleassse... some one's help me? everybody help me!! hindi talaga ako makahinga.. Measy! galaw ano ba! Hooyy! Maesy! wake up!!
"hello student, good afternoon class" bigla ko nalang narinig, at dun na din bumalik ang ulirat ko ng dumating ang aming guro.
Hayy! thank you lord! nakahinga din ako sa wakas.
Sa pag tayo ng mga kaklase ko ay siya ding pag tayo ko at lumipat sa ibang upuan. Nahihiya kasi ako kay Ren, Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sakanya dahil sa nangyaring eksena kanina..
Maesy! ano ba naman niyan.
Nag simula na ding mag cheak ng attendance ang aming guro, at isa isa niya kaming tinawag sa apleyedo namin.
"Orienza?" tawag ng aming guro.
"ma'am im here?!" sagot namam ni Ren, at kumaway kaway pa eto.
"oh!" tanging sambit na aming guro. Nag simula ulit siya mag cheak ng attendance sa hindi pa niya natatawag. At binangit niya ang apleyedo ko.
"Abad?"
"ma'am. present!" sagot ko.
"oh! i see! mukhang M.U ata kayo ngaun ni Mr. Orienza, himalang hindi kayo magkatabi? anong problema?" sabi ni ma'am, hala si ma'am! my pagka chesmosa lng din ang peg?!
"maam, mukhang fan din ata kayo ng loveteam nila." singit nung isa kung classmate. Napa ngiti nalang ang aming guro at sabay sabay ang aming kaklase na nag, "ooohhhhyyyy!!! aaayyyhhhiiieee"
Hala sila! anong meron, bat sila ganyan?! Ang tahimik nila dati auh! kahit nga anong pinag gagawa namin ni Ren na kakulitan hindi nila kami pinapansin. May kanya kanya din silang trip. Tapos ngayon! para silang bubuyog kung maka "aaayyyhheeii!!"
"baka hiwalay na sila, diba?! walang forever?!" sagot naman nung isa kung kaklaseng napaka bitter!
"mag aayos din niyan mamaya maya. Konteng tampuhan lang yan." sabi pa ng isa kung kaklase at tumawa pa.
My gosh! napapahiya na talaga ako. At etong si mokong na to ngiting ngiti. Nakikisabay din sa pagtawa. Aba! talagang gustong gusto niya na iniinis ako. gggrrr!!.
----------
Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos sa eksenang iyon,. Ayoko pa sanang magpakiya kay Ren, pero napaka imposible yun kasi nga diba kaklase ko siya, Kahit iwasan siya diko din magagawa kasi kukulitin at kukulitin parin niya ako, keya no choise ako kundi ang harapin siya.
Pagkalipas ng ilang linggo, simula ng magka eksena, seguro sa loob ng isang linggo my araw na lagi kaming napag titripan ni Ren ng aming kaklase at yung guro naming fans ata namin. Hinding trip na pag bubully auh! trip na yung pag "aayyyhheeii" nila, hay! nako naman. Basta ganun. Pag ganoong eksena na, yumuyuko ako, kasi nahihiya ako. Pero sa mga lumilipas na araw, nasasanay na din ako, sa mga fan namin, hihi.. fan talaga???!! minsan napapa ngiti nalang ako ng palihim. Ewan ba! pero nagiging komporyable ako pag kasama ko si Ren,. Hhmmm- pero minsan natatawag ko din siya sa pangalan niyang Drigs! Ewan, pero sa tuwing Drigs ang itawag ko sakanya, Ang lapad lapad ng ngiti. Ang werd kasi na Drigs ang nake name niya, ibang iba sa true name niyang Ren Derik,.
Nasanay na ako na siya ang kasakasama ko sa eskwelahan.
Ngunit, darating ang araw na hindi ko inaasahan.
Mag dadalawang linggo na kasing hindi pumapasok si Ren, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ayos lang siya, kung may nangyari ba sakanya na masama. Nahihiya din ako na magtanong sa mga kaklase ko lalo na sa nga malapit na kaibigan niya. Baka kung ano na naman kasi isipin nila.
Hanggang ngayon nag aantay parin ako na baka may biglang mag sabi sakib kung ano ang nangyari kay Ren kung bakit siya absent.
Dahil nga sa mag dadalawang linggo ng hindi pumapasok si Ren, mag isa ako lagi sa classroom namin. Walang katabi walang kasa kasama. As in mag isa ulit ako.
Nasaan kaya si Ren, ano keya nang yari sakanya. Bakit hindi siya pumapasok.
----------