"Pag-iisipan ko iyang mga sinabi mo, Grey," tugon niya kay Grey sabay lagok sa natitirang alak sa kanyang kopita. Medyo hard ang alak kaya parang tinamaan na siya, hindi na lang siya nagpahalata kay Grey. "Good thing, pareho naman tayong makikinabang pag hindi natuloy ang kasal na ito. Magkakaayos kayo ni Angelo at magiging malaya ako," Grey said. Tumango siya rito. Since first meet naman ni Grey hindi na nito tinago sa kanya na ayaw siya nitong pakasalan. Na sumusunod lang din ito sa mga magulang nito, dahil sa takot na mawalan ng mana at maitakwil bilang isang Saavedra. "Hindi mo ba ko maihahatid ngayong gabi?" Tanong niya kay Grey. Iniling nito ang ulo. "Malalim na ang gabi at marami na rin akong nainom. Ikaw rin marami na rin ang nainom mo, much better na magpahinga ka na muna dito