Chapter 1
Philippines, 2017
Five (5) years later
"Ali, gising na! Anong oras na't may trabaho ka pa!" pasigaw ngunit may malambing na tono sa boses nang aking pinaka-mamahal na nanay—na nasa paanan ko habang hinihila niya ang kumot na naka-pulupot sa aking katawan.
"Anong oras na ba 'nay?" paos ang boses na nagtanong sa kanya. "Inaantok pa po ako." Mahina kong sabi sabay balik sa tulog.
"Ali, anak, alas-sais na nang gabi. Hindi ba alas-syete ang trabaho mo sa resto bar kina Fatty? Saka, anong oras ka na ba umuwi kaninang madaling araw? Hindi mo man lang sinabi kay nanay." Kahit kailan ang turing parin sa'kin ni nanay ay bata.
"Sensiya na po 'nay niyaya po kasi ako nina Tricia at Fatty na kumain pagkatapos ng trabaho ko, saka 'nay libre naman nila." Paliwanag ko sa butihing ina ng bahay.
"Oh siya, lalabas na ako ng kwarto mo. 'Yong pagkain mo anak hinanda ko na." Ang bait talaga ng nanay ko.
"Salamat nanay, the best po talaga kayo!" masigla kong sabi sa kanya nang makabango. "Nga po pala 'nay, ito po 'yong sahod ko ngayong buwan. Pagpasensyahan niyo nalang po muna 'yan 'nay." Inabot ko ang pera sa kanya, sabay kamot sa likod ng batok.
"Anak, maraming salamat. Malaking tulong na rin ito sa gastusin sa loob ng bahay, saka dapat mag-ipon ka rin para sa sarili mo. Para balang araw may dudukutin ka sa oras ng kagipitan." Wika ng nanay ko saka niya hinawakan ang akin kamay at ngumiti.
Napayakap naman ako dahil sa sinabi niya. Sobrang bait talaga niya simula pa noon.
"H'wag po kayong mag-alala 'nay makakaraos rin po tayo balang araw." Ngiting tugon ko sa kanya.
"Sige na anak magligpit ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho mo. Maraming salamat ulit sa perang binigay mo." At saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Sige 'nay susunod na po ako sa inyo maliligo lang ako saka magbihis."
15 minutes lang ay tapos na ako, Okay na 'yong; nagsabon, shampoo, at toothbrush. Sabayan mo lang ng maraming buhos ng tubig, ayooos!!!
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto, at saka tinungo ang kusina para kumain ng hapunan. Hindi pa pala ako nakapag-suklay ng buhok ko. Bahala na nga! Mamya na.
"Anak, hinay-hinay sa pagsubo, at baka pati kutsara malunok mo. Hahahaha!" Sita sa akin ni tatay, at saka sinabayan pa ng malakas na tawa.
"Hehehehe! Pasensya na po tatay, nagmamadali po kasi ako. Kain po tayo 'tay." Ngumiti lang si tatay sakin. Maya-maya ay tumayo ako at niligpit ang pinag-kainan saka nilagay sa lababo.
"Tubig mo anak. Aalis ka na naman na 'di umiinom ng tubig."
"Salamat 'tay. Sige po lalayas na po ako. I love you 'tay." Sabay mano sa kanya. "Nay!!! Lalayas na po ako!! I love you 'nay." Sigaw ko naman. Nasa kwarto na kasi si nanay.
"Mag-iingat ka Alisa." Tugon sa 'kin ni tatay, sumaludo naman akong naka-ngiti
"Ate Ali, pasalubong ko po hah? 'Yong barbie doll na pink ang damit." Sumingit pa itong makulit kong kapatid, pero mahal na mahal ko.
"Opo mahal na prensesa. Bibili po si Ate ng maraming barbie doll para sa'yo. Sa ngayon aalis na muna si ate para mag-trabaho ha?" mahabang paliwanag ko sa kanya sabay halik sa pisngi sabay ginulo ang maganda niyang buhok.
"Ate naman e!" reklamu niya. Natawa ako sa reaksyon ng mukha ng bata. Ang cute.
"I love you," matatawang sabi ko saka tuluyan ko nang nilisan ang bahay.
Napapangiti nalang ako dahil—kahit papaano ay masaya ako na sila ang; aking pamilya, na sila ang mga taong binigay sakin ng Diyos. Mahal ko sila at hindi sila puwedeng talikdan.
Malaki ang ipinagbago ko simula no'ng napunta ako sa kanila. Ang dami kong natutunan dahil sa pamilyang itinuring ko, naging masaya ako kahit papaano, at pinapasalamatan ko iyon sa Diyos. Naka-ngiti akong umalis ng bahay. Ang gaan sa pakiramdam ang ganitong buhay.
Adam's POV
"Sir, I'll go ahead." My secretary Evelyn lends to me, and has a charming voice. I nodded my head then I looked at her. Her clothes that will almost go out of her soul. I know that she likes me, but does not feel like that.
For a few minutes I was also clean up my staff at the top of table. I turn off the light then lumabas na nga ako office at saka ni lock ang door.
As I walk down the hallway of the building to the parking lot,
I can still hear some voices to the right of an employee's office. I stop walking then I come to do that and listen to the voice .
"Ump!" Isang ungol ng babae ang kumawala. "Ssshh... Siena h'wag kang maingay, mamaya may makarinig sa'tin dito." I know that voice. I was just distracted by what Cyrus and his girlfriend Siena were doing. He is my barkada since college until now. He is a witness to the successful ones I enjoy today, and his girlfriend Siena.
I was not disturbed anymore and I just continued walking towards the parking lot.
It only took me a few minutes to reach my car. I opened it then went inside.
I let out a deep sigh before I looked at my watch. "8 o'clock." 'I immediately closed my eyes and rested for a moment. I have started the car engine. I left that place in just a few minutes, and then I thought of chillaxing for a while. I'm very stressed at my work all day .
Masakit sa ulo ang ganitong trabaho, pero kailanga magporsige para sa ika-uunlad ng negosyo.
Naisipan ko nalang na pumunta sa isang resto bar sa makati para naman makapag-relax saglit. May music band ata doon. Rinig ko lang 'yan sa mga empleyado ko—kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na doon dumiretso. Hindi ko alam kunc saan, pero hahanapin ko iyon.
Alisa's POV
["Woooaahh... more!more! Ang galing mo talaga kumanta!]
'Yan ang palagi kong naririnig sa mga audience dito sa loob ng restu bar nina Fatty.
"Maraming salamat po." Salita ko sa kanila habang nasa maliit na stage ako, naka-ngiti.
"Isang request naman diyan na kanta miss." Wika sa akin ng isang lalaki. Katabi niya ang kanyang girlfriend
"Sige po, request lang po kayo habang mahaba pa ang oras ko." Sagot ko naman sa kanila.
"Miss p'wede, request ng song?"
Salita ng isang babae at tumaas pa ito ng kamay.
"Sige po ma'am, anong song po?" naka-ngiti kong tugon sa kanya.
"Tadhana miss, one of my favorite song ko kasi 'yan. Hehehe!" pareho pala kami ng paboritong kanta.
"Sige po ma'am paborito ko rin po ang song na 'yan kakantahin ko po ng maayos!" masayang tugon ko sa kanya sabay tawa.
["Woooaaahh.... Go idol!"]
napapa-ngiti nalang ako sa hiyawan nila kaya naman suminyas na ako sa akin guitarista na magsimula na kami. Tumango naman siya.
"This song is dedicated po sa nag request, at saka sa inyo na rin pong lahat."A tiningnan ko sila isa-isa sabay ngiti ulit.
"Tadhana"
Nagsimula din kaagad ang ka-banda.
?"Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta."?
Ang saya nilang tingnan. Habang nasa itaas ako ng maliit na stage sinasabayan nila ang kanta ko.
?"Ba't 'di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo."?
Ramdam ko 'yong bawat linya ng kanta.
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Nang matapos kong kantahin ang 'tadhana', umingay ang loob. Napuno ng palaklakan at hiyaw nila. Malaking bahagi sa akin ang trabaho kong ito. Kung hindi dahil dito, hindi ko matatapos ang pag-aaral ko sa koliheyo.
Naka-ngiti akong umalis ng stage, niyakap pa ako ni Tricia bago tuluyan tumungo ng backstage. 5 minutes before 12 midnight, off ko na pala maya-maya. Ang bilis ng oras.
Adam's POV
I sat at the end of the bantinder counter while drinking wine, while listening to the woman singing on the small stage of this restaurant.
The coldness of her voice. I am not familiar with the song, because I am purely work.
I can't see her face because she's wearing a cap then her long hair is still covered by it. What a kind of singer she is? Hiding behind her beautiful voice. Tss!
Maya-maya natapos na siyang kumanta. At lahat ng nasa loob ng resto ay humanga sa boses niya. Even me na amaze ako sa boses niyang mala-anghel.
Tumayo na ito at bumaba ng stage saka niyakap siya ng isang babaeng sumalubong sa kanya. I guess kaibigan niya iyon. Sunundan ko siya ng tingin subalit bigla nalang siya pumunta ng backstage. Napapaisip tuloy ako sa kanya. Iba kasi ang dating niya sakin, parang ma kung anong humihigop sa akin na sundan siya.
"Uuwi na ba siya?" tanong sa sarili.
Bakit ba ako naging interisado sa babaeng 'yan? Ni ngayon ko lang siya nakita at sa malayuan pa.
Napa-hilamos nalang ako sa akin mukha. Mamya ay may babaeng tumabi sa 'kin.
"Hi handsome," naka-ngiti niyang sabi sa 'kin sabay haplos ng hita ko. "Wanna have fun?" Pabulong niya sabi sabay kagat ng tainga ko dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko.