Chapter 2

1759 Words
Chapter 2 Isang kotseng ang humarang sa daan ni Alisa habang naglalakad na ito pauwi sa kanila, wala ng masasakyan kaya no choice ito kundi ang maglakad. Alas dose y medya na ng madaling araw. "Miss? Pauwi ka na ba?" salita ng isang lalaki na dumungaw sa bintana ng kotse. Imbes na sagutin, nagpatuloy lang sa paglakad si Alisa. Halos takbuhin niya na ang daan pauwi sa kanila pero hindi ito nagpahalata. "Miss? Sa'min ka na sasabay ihahatid ka na namin." Salita pa ng isang lalaki at bumaba na ito ng sasakyan. Sa gulat ay bigla nalang kinabahan si Alisa nang hinawakan siya sa braso ng lalaki. "Kuya, ano ba?! Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Alisa. "Aba! Suplada rin pala 'to ah!" bulalas ng lalaking nakahawak sa braso ni Alisa. "Miss! Gusto ka lang namin ihatid ka sa inyo. h'wag ka ng maarte!" usal ng lalaki sa kanya. Nagpupumiglas na si Alisa nang bigla siyang hinila ng lalaki papasok sa kotse. "Ano ba! Bitawan niyo ako! Kaya kong umuwi mag-isa! Hindi ko kailangan magpahatid!" pasigaw ni Alisa sa tatlong kalalakihan. "Hahahaha! Miss, ang kinis naman ng balat mo," sabay amoy kay Alisa. "Woow! Pre! Presko pa ito oh! Pula pa ang hasang. Hahahaha!" Bulalas ng isa pang lalaki sabay haplos sa makinis na balat ni Alisa. "Tulong! Tulungan niyo ako! Ano ba! Bitawan niyo ako! Nanay, Tatay, Huhuhuhu! Tulooooong!!!" halos mawalan na ng boses si Alisa sa kakasigaw nang bigla siyang, sikmurain ng lalaki. "Aahh! Tu—long—" at bigla nalang nawalan ng malay si Alisa. "Madaldal ka kasing babae ka!" bulyaw ng lalaking may nakakalokong tawa. "Sarap niyan, Pre, panigurado. Hahahaha!" Adam's POV While I was on my way home I was coming from a hotel with this woman I just took out of the resto when I noticed something nearby and it was a bit dark road. A woman and a car, then three mens. "Wait! Something is wrong." I said as my car slowed down. And another thing I noticed, a man sneered at the woman. "f**k!" what I really don't like about everyone is the one who hurts the woman. Make the women happy in bed, not scolded and hurt! I couldn't stand it anymore and I went to it immediately . Maya-maya lang ay huminto na ako sa harapan nila at lumabas ng kotse. "Pre, hindi naman ata tama 'yang ginagawa ninyo. Ang babae; ginagalang, nirerespito, at hindi sinasaktan." Salita ko habang naka-pamulsa sa harapan nila. "Yow! At sino ka naman? Taga pag-ligtas ng babaeng 'to? Saka, familiar ang pamumukha mo." Aniya at lumapit siya sa akin. "Tama, ikaw 'yong bilyonaryong negosyante!" dinuro niya ako. Kilala niya pala ako? Buti naman. "Maybe. Kung p'wede lang pakawalan niyo na ang babaeng 'yan." Wika ko sa kanila. "Hindi naman puwede na basta-basta nalang namin ibigay sa'yo ang babaeng 'to! Aba! Dapat may kapalit." Tiningnan ko muna ang babae bago ako nakipag-usap ulit sa mga lalaki. Maganda s'ya, maputi rin, at maano ang mukha. Parang anghel s'ya na bumaba sa lupa. Kakaiba ang dating sa akin ng babaeng 'to. "How much?" maiksi kong tanong sa kanila. Wala na akong magagawa, kahit 'di ko kilala ang babaeng 'to basta mailigtas ko lang siya sa mga ugok na 'to. "Dalawang milyon." Naglakad ako patungo sa aking kotse para kumuha ng tseke. Pagbalik ko, 'agad kong penermihan ang blankong tseke at nilagyan ko ng halaga. "Akin na muna ang babae bago ko ibigay ang tsekeng 'to." Parang binili ko nalang ang babae sa kanila sa halagang dalawang million. "Negosyante ka nga. Hahaha!" at kaagad naman nila binigay sa'kin ang babae. Saka ko rin binigay ang tseke sa kanila. "Umalis na kayo." Tugon ko sa tatlong lalaki at binuhat ko ang walang malay na babae saka ko ito pinasok sa loob ng kotse ko. Aanhin ko ba ang babaeng 'to? Ni hindi ko alam kung saan ko ihahatid ito. "Tutal binili na kita sa mga lalaking 'yon, akin ka na, pag mamay-ari na kita simula ngayon. 'Di kita kilala, di ko rin alam kung taga saan ka. Sa bahay na kita iuuwi." Wika ko sa kanya habang wala pa rin malay ito. Binuhay ko ang makina ng kotse saka pinaharurot ko itong pinatakbo. Mag aala-una na ng madaling araw. Okay lang tutal sabado naman bukas. Wala akong trabaho, maliban sa mga calls na galing sa mga clients. 20 minutes lang at nakarating na kami sa bahay. Agad ko ginarahe ang kotse ko at lumabas, saka tinungo ko ang kabilang pinto para kargahin ang babae, saka pumasok sa loob ng bahay. As usual wala akong madatnan na tao, mag-isa lang ako, at ngayon kasama ko na ang babaeng 'to. Tinungo ko ang guest room para doon ko siya patuluyin. Maingat ko siyang binaba sa kama at saka kinumutan. I watched him first before I finally left the room. She is beautiful, her face is gentle and her lips are red. What is he doing in that place? And why is he still wandering there? I will talk to you tomorrow when I find out your reason. but whatever your reason may be I know only one; you are mine now. I took a deep sigh and then wiped my face. "Sleep well first, tomorrow your life will change because of me, good night." and I carefully left the room . Alisa's POV Napaungol ako nang magising kinabukasan. Nung una ay parang okay lang naman. Subalit doon ko nalang napagtanto ang lahat. Ang nangyari kagabi. "Waah!! Nasaan ako? Bakit wala ako sa bahay? Sinong nagdala sa'kin dito? Anong klaseng bahay ito?" napa-lundag ako sa kama sabay takip ng kumot sa aking katawan. Sandali, ang lambot ng kama, at ang bango pa. "Nasa langit na ba ako? San pedro nasaan ka?" salita ko habang iniikot ng paningin ko ang loob ng kwarto. Check ko muna sarili ko baka may kulang. Wala naman. Kumpleto naman ang damit ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama habang nakatakip pa rin ako sa kumot. "Ang ganda naman ng kwartong 'to sobrang laki para sa akin. Wait!! Ma-text nga si nanay, sigurado nag-aalala na 'yon sa'kin, saka si tatay at bunso," 'agad ko kinuha ang bag pack ko na nasa itaas ng mesa at saka kinuha sa loob ang cellphone ko. "Ite-text ko na si nanay," sambit ko saka nagtipa ng sasabihin. Text Conversation ["Nay, pasensya po kung hindi ako nakauwi. Nandito kasi ako sa bahay ng isang kaibigan ko. Mamaya po uuwi ako. H'wag po kayong magalit sa'kin 'nay. I love you."] Messege sending failed "Anak ng!! Wala na akong load. Waaah! Paktay na this!" mangiyak-ngiyak kong sabi. Alas-nuwebe na ng umaga pala. Ang huli ko lang natatandaan may isang kotse at tatlong lalaki ang humarang sa'kin kagabi. "Baka? Baka gawin nila akong prostitute ng mga 'yon! Huhuhu!" naiiyak na ako sa sobrang takot. Maya-maya ay ma pumihit ng pinto mula sa labas, at iniluwal ang isang; matangkad na lalaki. "Sino ka!? Anong kailangan mo sa'kin? Bakit ako nandito? Hindi ako mayaman para kuhaan mo ng ransom sa pamilya ko. Kaya kung p'wede lang pauwiin mo na ako Mr." Mahaba kong salita sa kanya. Nakaka-kaba dahil papalapit siya sa akin. Medyo madilim pa ang kwarto dahil hindi pa nahiwa ang kurtina ng bintana kaya 'di ko masyadong maaninag ang pagmumukha niya. Maya't-maya pa ay lumiko siya at tinungo ang kurtinang mula sa bintana at roon hinawi niya na ito. Doon nagkaroon ng liwanag na nagmumula sa sikat ng araw sa labas. Isang lalaking; guwapo, seryoso at tahimik. Sabayan mo pa ng katawang matikas dahil sa suot niyang white plain t-shirt at naka white pajama rin. Medyo nakakailang dahil bakat ang ano niya sa pajama nito. "Good morning, Lady, how's your sleep?" mamya ay ngumiti siya. Akala ko pa naman seryoso talaga siya. Guwapo siya, oo, given na 'yo, pero erase-erase, 'di niya ako madadala sa ka-gwapuhan niyay. "Iuwi muna ako parang awa mo na Mr. Nag-aalala na po sa'kin ang pamilya ko." Nanginginig kong sabi sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Ano bang masama sa sinabi ko? Nagpapaalam lang naman na umuwi ah? "I said, Good morning and how's your sleep?" "Ano ba'ng maganda sa morning Mr.? Saka malamang mahimbing ang tulog dahil sa lambot ng kama," wika ko sa kanya sabay irap. "Good! Let's having our breakfast first before you take a shower." Aba! 'Di pinansin ang sinabi ko? Bakit ba kalmado ang lalaking 'to? "Gusto ko ng umuwi Mr. Hinahanap na kasi ako sa amin. Salamat kung ikaw man ang tumulong sa'kin kagabi—sa mga lalaking humarang sa'kin." Wika ko saka tumayo. Gusto ko na talagang umuwi sa'min. Hindi na ako kumportable sa lugar na ito. Masyado mapangahas ang harapan. Hindi ko na siya pinansin, nagpatuloy ako sa aking plano matapos kong kunin ang ilang gamit ko sa ibabaw ng mesa. Hindi man lang ako pinigilan. Nang nasa labas na ako ng kwarto. Nalulula ako sa sobrang laki ng bahay na 'to. Ay hindi pala bahay, kundi mansyon na ata ito. Saan ako dadaan? "Wait! Doon kaya? Ay hindi! Doon! Mali rin! Doon kaya sa kabila. Aaahhh!!" naiinis na ako! Saan ba dapat ako dadaan? Nilingon ko mula sa likod ang lalaki. Naka sandal na siya sa may pinto habang naka-pikit ang mga mata. Ang guwapo niya. Mamya ay dumilat na siya at tumingin sa'kin. "Saan po ang daan palabas?" kagat-labi kong tanong sa kanya. "Hindi ka puwedeng umuwi," ano raw? Ako? Hindi puwedeng umuwi sa bahay? "Aba, Mr, hindi naman po p'wede 'yon! Nag-aalala na 'yong mga magulang ko sa akin, saka may trabaho pa ako mamayang gabi sa resto." Patuloy kong paliwanag. "Starting today, dito ka na titira sa pamamahay na ito. You're my property, at lahat ng gusto ko susundin mo. And for your information Miss—" singit ko para magpakilala sa kanya. "Alisa!" naka-simangot kong tugon. "And for your information miss Alisa, may kapalit ang pagbawi ko sa'yo sa mga lalaking naglakas loob na kidnapin ka. Besides ikaw ang may utang sa'kin. Nasa teretoryo na kita, akin ka na, sa ayaw at sa gusto mo. Kahit hindi kita kilala." Napaawang ang mga labi ko sa mha sinabi niya. Pero mali pa rin ang katwiran niyang, pumerme ako sa bahay niya! " Hoy! Mr.—" agad din siyang sumingit sabay bigkas ng pangalan niya. "Adam." "Hoy! Mr. Adam! Magkano ba ang binayad mo sa mga iyon at nang mabayaran rin kita! Saka hindi mo ako pagmamay-ari!" bulyaw ko sa kanya habang kinuha ko ang wallet ko sa akin bag pack ng bigla itong nagsalita. "Two million pesos lang naman kapalit ang buhay mo Ms. Alisa." What the hell?! Two million?! "T-two million? A-ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Totoo ba? Napa-atras ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Nakakailang ang mga titig niya na para bang lalamunin ka ng buhay. Kahabag-habag. "You're mine and you're my property starting today. Lahat ng gusto at gagawin ko sa'yo ay susundin mo." Bulong niya malapit sa tainga ko sabay ngumiti ng nakakaloko. Ano ba itong pinasok kong gulo? Tadhana na ba ito? O, parte lang ng pagsubok ng buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD