Chapter 3
Nahihilo na ako sa ginagawa ng babaeng 'to.
"Hey! What are you doing? Have your breakfast first." Wika ko sa kanya habang siya naman ay pinipilit buksan ang main door.
"Uuwi na sabi ako! Babayaran ko 'yang dalawang milyon mo na pinang-tubos mo sa'kin sa mga hayupna 'yon! Pagagalitan na ako ng nanay at tatay ko. Saka may trabaho pa ako sa bar!"
Bar?
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka lumapit sa kanya. Nagtanong.
"Bar?" kunot ang noong sinalubong ang mga titig ko.
"Oo, bar! Kumakanta ako do'n, saka 'yon lang trabaho ko para buhayin ko ang pamilya ko. Kaya kung p'wde lang— pauwiin mo na ako." Malumanay niyang sabi na para bang nagmamakaawa.
Siya pala 'yong babae na kumakanta sa restong 'yon?
"Can you please, stand up? Pauuwiin kita but in one condition," kalmado kong sabi sa kanya dahilan para magulat siya. "Ano? Deal?" dagdag ko nang lumapit ako sa kanya.
"Lumayo ka nga! Sisigaw ako dito."
I laugh. "Do you think may makakarinig sa'yo?" bulong ko sa kanya. "Kahit lakasan mo pa ang boses mo, no one can hear you." Dagdag ko sabay ngisi ng nakakaloko. Nakakabilib siya.
Hindi kasi s'ya 'yong tipo ng babae na easy to get. Sa kilos n'ya halatang walang karanasan.
"Kahit anong kondisyon papayag na ako, basta i-uwi mo na ako sa bahay." Sambit n'ya dahilan para mas lalo pa akong ngumisi.
"Talaga? Kahit ano?" wikang tanong ko na para bang umaasa na tutugon siya kaagad.
"Hoy! Anong iniisip mo?" mamya ay namilog ang magagandang mata niya dahil sa gulat.
"Walang bawian, Alisa. As you said, kahit ano. Right?" mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Mga isang pulgada na halos mahahalikan ko na siya. Pero dahil maligalig ako, tutuksuin ko muna siya. "Now, kiss me," bigla ay napa-atras ang mukha niya.
"Ano!?"
"I said kiss me. Iyan ang kondisyon para makauwi ka at saka sa ayaw mo o sa gusto gagawin mo 'yan dahil pagmamay-ari kita. Now, kiss me." Let see kung kakagat ba siya sa sinabi ko.
"P-pero—" yumuko siya bago nagsalita ulit "Hindi ako marunong." Kagat-labi niyang iwas ng tingin sa akin. Really, huh?
Hindi nga nasayang ang dalawang milyon ko sa babaeng 'to. Tumikhim ako saglit bago nagsalita ulit.
"I have some question," magkalapit pa rin ang mukha namin.
"A-ano 'yon?"
Iniangat ko muna ang mukha niya bago ulit nagsalita. Ang amo talaga ng mukha.
"Still virgin?" nanlaki ang mga mata sa rektang tanong ko. Hindi siya kaagad naka-sagot. "Silent means, yes."
Is it true that she really does not know? I approached my face to claim the reddened lips. I squeezed her waist to balance her body. I stared into innocent eyes. Nice view. Later I came even closer cause she closed her eyes. I began to act to claim the remains.
"Ump! Tangina ka—umm..." I heard her low growl because my kisses with her deepened even more. Take twenty seconds, until—I speak. "Now, you know how to kiss?" malambing kong wika at saka n'ya ako tinulak papalayo. Isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya. Ang sakit. Ugh!
"Bastos!! Pucha! Bakit mo ako hinalikan!?" natawa ako kunte sa reaksyon niya. "Alam mo bang wala pang may nakahalik sa'kin kundi ikaw palang tapos hindi ko pa kilala?!" Really? Ang swerte ko kung ganun.
"Oh come on! Are you kidding me? Hindi mo kilala kung sino ang nasa harapan mo? Halos lahat ng tao kilala ako, and for your information babae, ikaw lang ang babaeng dumampi ang kamay sa mukha ko."
"Wala akong pakialam kung sino ka man! Kahit ikaw pa 'yong pinaka-mayamang tao sa buong mundo! Dapat lang sa'yo 'yon! Hinalikan mo ako ng hindi ka nagpaalam! Kaya dapat lang na masampal ka."
Bakit ba hindi ko matibag ang babae na'to? Pero tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang niya. Unang araw mo palang sa bahay ko, at talagang hindi mo kilala ang nasa harapan mo.
"Bakit tumahimik ka?! Bakit hindi mo ako masagot?!"
pagtataray niya. Naka halukipkip siyang harapin ko.
Dahil sa sobrang ingay ng bunganga niya, hinila ko siya at walang abesong sinunggaban s'ya ng halik. Pilit n'yang kumawala sa mga braso ko subalit hindi ako nagpatalo.
"Adam—umm" My kisses deepened.
Dahil malakas ako kisa sa kanya, bihunat ko siya habang hindi ko binibitawan ang labi niya.
Damn! Ang lambot talaga ng labi n'ya.
Habang nilalasap ko ang malambot niyang mga labi—ang kanina na pilit kumawala sa bisig ko at halik ko, ay napalitan ng pagganti rin ng halik sa akin.
"That's right, Sweety." Wika ko sa kanya, at binuksan ko ang pinto ng kwarto ko, at saka ko tinungo ang malambot kong kama at inihiga ko s'ya.
Alisa's POV
Natauhan nalang ako ng inihiga ako ni Adam sa malambot niyang kama.
Ngayon lang ako nahalikan ng ganun ka sarap, at sa kanya ko pa talaga natikman. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ako. Never been touch, and never been kiss. Pero ano 'to? Bakit nakuha niya ang labi ko ng ganung kadali?
Sa aaminin ko, sobrang gwapo n'ya talaga, at 'yong kulay ng mga mata; asul. Ang mapupulang mga labi niya ay nakakaakit. Kahit sinong babae makukuha n'ya. Kahabag-habag ka Adam.
Ang tanong, ano naman ang nakita nya sa'kin?
"Sandali!!" bulalas ko.
"f**k! Anong kalokohan na naman ba? Why? What happen?"
langyang Adamsot na 'to! 'Di porket gwapo s'ya e, makukuha n'ya na kaagad ang babae na gusto niya!
"Hoy! Adamsot! Akala mo makukuha mo na ako? Ngek-ngek mo oi! Uuwi na ako! Ihatid mo nalang ako sa labas ng bahay mo! May pamasahe pa naman akong pauwi." Nakakainis! Bakit nagpadala ako sa karisma niya? Nahalikan at nagpahalik naman ako.
Maya-maya pa ay naglakad siya papalayo sa'kin na hindi man lang nagsalita, at saka naghubad ng shirt niya.
Hala! Bakit ang sexy ng katawan n'ya? Likod pa lang ang nakikita ko—paano pa kaya kung nakaharap na?
May six pack abs siguro s'ya.
"Stay there, I will take my shower first before kita iuuwi sa inyo."
Buti naman at makakauwi na ako. Hihintayin ko nalang na matapos ang lalaki na 'yon.
Bigla naman ako napa-ngiti at hinawakan ko ang labi ko.
Ganun ba talaga ang unang halik? Sa edad kong bente-syete ngayon lang ako nahalikan ng isang lalaki.
Sa sobrang lutang ko hindi ko na napansin na lumabas na pala si Adam sa banyo. Napatanga akong nakatitig sa kanya.
Ang sarap niyang titigan, nakakagutom ang katawan.
"L-labas na muna ako." Wika ko sa kanya, at akma ng bubuksan and pinto, ng bigla nya ako pinigilan.
"Stay," natigilan naman ako sa sanabi n'ya.
Naramdaman ko nalang papunta ito sa kinatatayuan ko. Ang bango niya. Amoy na amoy ko 'yong mabangong shower gel niya, at maging ang shampoo.
"Saan ka pupunta? Sinabi ko ba na lalabas ka?" problema ng lalaking 'to?
"Malamang lalabas ng kwarto mo, baka mamaya ano pang gagawin mo sa'kin." Sagot ko sa kanya habang iniiwasan kong tingnan ang nakakagutom n'yang abs.
"Gusto mo rin pala na may gagawin ako sa'yo?" pangungutya niya na naman sakin habang papalapit na lugar ko.
"L-lumayo ka Adam! H'wag na h'wag kang lalapit sa'kin. Sisigaw ulit ako. H'wag kang manyak!" bulyaw ko.
Imbes na maasar ay ningitian n'ya lang ako ng nakakaloko.
Uuwi na ako at baka ano pa'ng gagawin sa'kin ng lalaking 'to.
"Hahahaha! Nanginginig ka? Bakit? First time?"
Bakit ganun nalang ka bilis ang kilos niya? Subrang lapit niya na sakin. Hindi ko na naman namalayan. Nakakalutang ang isa Adam.
"Magbihis ka na kaya?" ilag kong tingin sa kanya.
Buti naman kaagad siyang sumunod, kaya naka-hinga rin ako ng maluwag.
After 20 minutes na paghihintay, Sa wakas gwapong-gwapo na talaga sya.
Sinabi ko ba talaga 'yon?
Well, totoo naman e,
Sa outfit niyang; blue shirt na fit sa katawan n'ya at makikita mo talaga 'yong kisig ng katawan n'ya, at 'yong pants niyang mapapansin mo agad 'yong bakat sa harapan niya. Ewan! Nagkakasala na ako sa lalaking 'to at kung anu-ano nalang ang nakikita ko sa kanya. Halata naman na marami ng babaeng naikama. Sa gwapo, at mapang-akit pa naman. First kiss ko nga nakuha niya.
"Hey!! Stop staring at me, alam kong gwapung-gwapo ka sa akin." Wika nito at nag-wink pa ito sa'kin.
"Asa ka naman!" bulyaw ko sabay irap. Hindi na ako naghintay na magsalita siya. Lumabas na ako ng kwarto niya dahilan para mawala ang kaba ko sa dibdib.
Adam's POV
"Ready?" I asked her as I adjusted the seatbelt on my body. She nodded quietly and looked away. "Uuwi ka na, bakit naka- simangot ka pa? Ma mimiss mo siguro ako 'no?" she didn't bother to answer me. She quiet. Ang lalim ng iniisip niya ngayon. Hindi siya madaldal . Nakakapanibago
"Just tell me your residence address, okay?" she just nodded again.
I have a plan with her.
"Doon sa Quezon ferview."
"Okay." Maiksi kong tugon.
Habang nasa byahe kami tahimik lang s'ya habang naka-tingin sa daan.
"How old are you? Alisa, right?" sa nakalimutan ko eh!
"27." Sagot niya.
"Boyfriend?" Am just curcious.
"NBSB." Alisa.
"NBSB? What?!" Ano raw? Business lang ang alam ko.
"No boyfriend since birth." Sa ganda niyang 'yan? She never had a boyfriend? Kaya pala 'di man lang marunong humalik, but she learned.
"Ikaw? Bakit nag-iisa ka lang sa malaking bahay mo? Saan ang pamilya mo? Saka, sino ka ba talaga?" seriously? Hindi n'ya talaga ako kilala?
"Don't ask me ayaw kong sagutin 'yang tanong mo. If you asking me, who Iam? Hindi kaba nagbabasa ng mga magazine? Nagbabasa ng dyaryo? Or, Nanonood man lang ng tv?"
Tumingin muna siya sa akin bago nagsalita.
""No. My night shift is my job. After I go to the music bar I don't stay there anymore. I just go to sleep when I get home, and wake up in the afternoon to get myself ready for work again. That's how my life has been since — nevermind . "
I was stunned for a moment. Wait! why does he speak English so long?
Nang mapagtanto niya ang lahat, bigla nalang siyang napatakip ng bibig niya. May tinatago ba sa akin ang babaeng 'to? O, baka naman ganun lang talaga kapag may maisasagot kang matino? I clear my throat
"So, hindi mo talaga ako kilala?" ibinalik ko ang usapan namin. Kunot-noo niya akong binalingan.
"Hindi nga! Kulit mo!" she insist. May magagawa pa ba ako? Tahimik nalang akong namaneho hanggang sa makarating kami ng Quezon.
"Liko ka diyan sa kaliwa, tapos liko ka naman sa kanan, may puno ng mangga sa may kanto e-liko mo, tapos 'yong bahay na may kahoy ang bakod, 'yan ang bahay namin," malinaw sa pa tubig batis ang pagkakasabi niya. I just follow what she say.
Bakit ang daming nagkukumpulan sa labas? Makakita lang na may kotseng paparating, pag-uusapan. May kasama lang na lalaki, isyu kaagad! Pilipinas lang malakas! Problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong may kotse? O, sadyang mga tsismoso't tsimosa lang talaga ang mga ito? Pareho!
"We're here." Wika ko sa kanya.
Maya-maya pa ay binuksan niya ang pinto ng kotse at saka lumabas.
"Hindi mo man lang ba ako imbitahin sa bahay ninyo?" ngiting sabi ko.
"Tara na nga!" naka-busangot niyang sabi. Napa-ngiti ako sa reaksyon ng pagmumukha niya.
"Ali! Ang gwapo naman 'yang lalaki mo, ma-datong pa." Tsismosa no.1. Hindi man lang pinansin ni Alisa.
"Sir, familiar ang mukha mo." Lumapit sa'kin ang isang babae na 'di naman katandaan.
"Adam, pasok ka," tawag sa'kin ni Alisa.
Nakasunod lang ako sa kanyang likuran habang rinig ko ang mga bulungan sa daan. Iba talaga kapag nasa Pilipinas ka.
"Nay? 'Tay? Cha-cha? Nandito na po ako." Tawag ni Alisa sa kanyang pamilya. Ang saya siguro kapag kumpleto ang pamilya mo.
Mayamaya pa ay may lumabas na batang babae sa isang kwarto, at halatang kakatapos lang umiyak.
"Ate Ali! bakit ngayon ka lang umuwi? "
Ang cute naman ng batang 'to.
"Sorry na bunso naghanap pa kasi si Ate ng maraming barbie dolls, kasi naubusan ng stock eh. Hayaan mo hahanap ulit ako mamaya. Okay? Tahan na, andito na si Ate, h'wag ka ng umiyak." Salita nya dito at tumingin sa akin.
"Maupo ka muna. Pag-pasensyahan mo na ang bahay namin," naka-tingin lang ako sa kanya.
"Ate Ali? Sino po s'ya? Boyfriend mo ba 'yan? Nagsasama na po ba kayo, Ate?" Napa-ngiti nalang ako sa mga tanong ng batang inosente. Binalingan ko si Alisa na gulat na gulat sa mga tanong.
"Come here, Little Princess," I smiled. "Hello, I'm Adam Eliseo, but you can call me Adam."
"Po? Hindi ko po naintindihan ang sinabi ninyo." She pouted.
"Hahaha! Sorry Little Princess, ako nga pala si Adam Eliseo, tawagin mo nalang ako sa pangalan Adam. Kuha mo na?"
"Ah okay po, Adam. Kuya Adam." Ngiting bigkas niya.
"Pagpasensyahan mo na 'yang kapatid ko makulit lang talaga." Singit ni Alisa habang nagtitimpla ito ng kape.
Mayamaya pa ay may pumasok na isang babae, at isang lalaki. Hindi pa masyadong matanda.
"Nay? 'Tay?" nilapag muna ni Alisa ang kape sa itaas ng mesa, saka niya nilapitan ang mga magulang niya.
"Diyos ko! Ali, bakit ngayon ka lang?! Alam mo bang nag-aalala na kami ng tatay mo sa'yo? Baka napano ka na. kaya naman humingi na kami ng tulong sa kaibigan mong si Tricia!" mahigpit ang yakap na sinalubong sa anak.
She's right. Her family are worried about her. I'm so jealous to be honest. I hope I had a family too, but they're already passed away.
"Good afternoon, Ma'am, Sir." Bati ko sa kanila. Una, kinikilala pa nila ako, at nang mapagtanto, doon nalang sila nagsalita.
"Sino ka? Boyfriend ka ba ng anak ko? Bakit hindi namin alam ang tungkol sa'yo?" sunod-sunod ang tanong ng ginang.
"Anong ginawa mo sa anak ko?! Sa'yo pala ang kotseng naka-parada sa harapan ng bahay namin?!" hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Parang nag-aalinlangan pa nga.
''Nay, 'Tay, hindi ko po 'yan boyfriend." Singit ni Alisa.
"Sino ka? Anong kailangan mo?"
Pagtatanong ulit ng nanay ni Alisa.
"By the way, I'm Adam Eliseo Tesoro. Patawad po kung ngayon ko lang inuwi ang anak ninyo."
Natulala ata sila sa'kin.
"Adam Eliseo Tesoro?" mahinang salita ng ginoo sabay tingin sa dyaryo na hawak niya. Palipat-lipat ang tingin sa 'kin at sa dyaryo na hawak niya.
"Bakit, Tatay?" tanong ni Alisa. Inabot ng ginoo ang dyaryo kay Alisa.
"Adam Eliseo Tesoro is a multibillionaire's man in the world." Mahinang binasa ni Alisa sabay paling sa'kin.
"Ikaw?" hindi ko nakikita ang pagkakagulat sa reaksyon ni Alisa, bagaman parang nagtataka pa.
"Ma'am? Sir? Humihingi po ako ng abeso sa inyo na kung p'wde po ba dadalhin ko na po si Alisa sa bahay. Kung maaari lang po sana?" ito talaga ang plano ko, ang i-bahay na si Alisa.
"Ano!!" Sigaw ni Alisa
"Hah? Sige, hijo," Agad na tugon ng dalawa. "Pero i-ingatan mo 'yang Aisa namin, ha? Napaka-importante at mahal na mahal namin iyan." Naka-ngiti pang sabi ng ginoo.
"Nanay! Tatay!" protesta ni Alisa. Sinamaan ako ng tingin. "Anong kalokohan 'to? Ha?!" salubong ang magkabilang kilay, pero maganda pa rin.
"Maraming salamat po sir, ma'am makakaasa po kayo na 'di ko po siya pababayaan. Makakaasa po kayo."
Hindi ko talaga maisip na gagawin ko ang bagay na ito. Napapa-ngiti ako sa kadahilanan magkakaroon na ako ng kasama sa bahay.