CHAPTER 2

1813 Words
CHAPTER 2: Accident CALLE'S P.O.V "I think you're the new butler right?" napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko habang nakatayo ako sa tinuro sakin ni Raiden na magiging kwarto ko habang nananatili ako dito sa kastilyo ng mga Vigor. "Yeah," maikling tugon ko lang sa kanya at nakita ko naman ang pagtango niya. "I'm Magnus Edric Ellio, Prince Raizen butler." sabi ng lalaki kaya naman tumango ako nakalimutan kong madalas nga palang nag e-english ang mga tao dito dahil hindi naman talaga sila Royal family sa pinas kundi sa Britain at kaya sila nandito sa pinas dahil nanganib ang buhay nang kambal dahil sa dami ng banta nang pamilya nila. "I'm Calle, Prince Raiden new butler." Matapos kong sabihin yun ay ngumiti lang siya sakin. "I hope we became a good friends." aniya kaya naman tumango nalang ako habang nakangiti saka ako pumasok sa loob ng silid ko at halos mahulog ang panga ko dahil sa lawak ng kwarto ko, dahil yung buong lawak ng bahay namin ay parang kwarto ko lang ngayon. "Calle our masters need us because they have a place to go and we need to be there for their safety." sabi ni Magnus nung silipin niya ako sa loob ng silid ko kaya naman agad kong nilagay ang gamit ko sa kama at saka inayos ang sarili ko bago ako lumabas ng silid ko at sinara iyon bago kami lumakad. At nang makarating kami sa isang silid ay nakita kong may pinindot si Magnus at ang bookshelves ay umatikong tumaas at naging pintuan sa isang pribadong silid at nanlaki ang mga mata ko nang may mga makita akong iba't - ibang klase nang baril. "This is the Beretta 92 FS right?" turo ko sa isang pistol na alam na alam ko dahil iyon ang baril na ginagamit ni papa dati sa tuwing tuturuan niya akong bumaril. "Yes and if you're interested to use that gun I will give it to you because Master Raiden gave you permission to use any of that guns." sabi ni Magnus kaya naman hindi ko alam kung paano ko ipapakita ang kasiyahan ko. Agad akong lumapit sa stall nang mga pistol at kinuha ko ang Beretta 92 FS at ang Colt M1911A1. "I see now that's what you like am I right?" nakangiting turan ni Magnus kaya naman tumango-tango ako sa sinabi niya. "T-this is what I want to use." sabi ko at napatango naman si Magnus sa sinabi ko. "Alright then, that's all yours." nakangiting turan niya sakin kaya napangiti ako. "Thank you!" sabi ko lang at nawala ang ngiti ko nang makita ko ang pagpasok nang kambal sa silid kung nasaan kami ni Magnus. "I think he has already chosen a gun." nakangiting turan ni Raiden kaya naman tumango si Magnus. "Yes Prince Raiden, he chooses to use Beretta 92 FS and a Colt M1911A1." tugon ni Magnus. At napansin ko ang pagsulyap sakin ni Raizen nang seryoso at nakita kong agad din siyang tumingin kay Magnus. "Magnus are you ready?" tanong ni Raizen at nakita ko namang tumango si Magnus saka sumenyas si Raizen na sumunod ito sa kanya na agad namang ginawa ni Magnus. "Good choice, Calle." sabi ni Raiden saka ako inakbayan palabas ng silid habang hawak ko yung baril at nagulat ako nang kumuha siya nang belt kung saan mailalagay ko ang dalawang baril na hawak ko at may mga bala nang nakasabit. "Wear that," utos sakin ni Raiden na agad ko namang tinugon. Matapos yun ay nakita kong papalabas na kami nang kastilyo at nakita ko ang isang van na Lexus LM Minivan. "You look amazed." natatawang turan ni Raiden sakin kaya naman napalunok at saka sumunod sa kanyang sumakay sa loob nang sasakyan. Nasa likurang banda kami ng sasakyan habang nasa harapan namin sila Raizen at Magnus na may pinag-uusapan sa ibang lenggwahe. "Ano kayang pinag-uusapan nila?" napabulong nalang ako sa sarili ko nang makita kong lumingon sakin si Raiden na nasa tabi ko. "What did you say? Sorry I can't hear it." Umiling lang ako sa kanya saka ngumiti bago napabuga sa hangin. At nang magsimula nang umandar ang sinasakyan namin ay nakaramdam ako nang antok kaya naman naipikit ko ang mata ko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong parang huminto ang sinasakyan naming sasakyan kaya naman napamulat ako nang makita kong busy ang mga tao sa paligid ko kaya naman agad kong kinuha ang panyo ko at saka pinunasan ang mukha kong pawisan kahit na naka-aircon na kami sa loob nang sasakyan. "You're awake..." napalingon ako sa nagsalita at nakita ko namang busy padin si Raiden sa laptop niya kaya naman napakunot ang noo ko at nang mapatingin ako sa harapan at nakita ko sa front mirror na nakatingin sakin si Raizen at gaya nang nangyari sakin kanina ay naramdaman ko na naman ang pagbilis nang t***k ng puso ko kaya naman agad akong nag-iwas nang tingin saka tumingin sa labas. "Masters we arrived at our destination." sabi nang driver kaya naman nakita kong umayos na ang mga kasama ko at saka kami lumabas sa sasakyan at nakita kong nakarating kami sa isang pribadong lugar at mukhang bodega. "Uhm... Master Raiden may I ask what are we doing here?" mahinang tanong ko kay Raiden at nakita ko namang sa harapan padin siya nakatingin. "We're going to meet one of the most dangerous mafia lord and he named himself Biff and that name means fighting playfully and we're here because he stole our mother's crown but no one must know that because she is the queen and crown is the most important thing in the royal family." sabi ni Raiden sakin kaya naman nagulat ako sa sinabi niya at napabaling ang atensyon ko nang makita kong may mga kalalakihang naglalakihan ang katawan na lumapit samin. "Look who's here boss!" sabi nang lalaking may tattoo sa mukha kaya naman napabaling ang atensyon ko sa taas nang may lalaking naglalakad doon. "Oooh... Vigor twins are here what a piece of great news!" sabi nang lalaking may edad na at tattoo din sa braso at saka ito tumawa na mala-demonyo. "You're here for the queen's crown right?" sabi nang lalaki kaya naman naikuyom ko ang kamao ko. "Biff we didn't come here to look for trouble, we just want you to bring back the crown that's all." sabi ni Raizen kaya naman nakita kong mas natawa ang lalaki. "Fine, I will give you what you are looking for but you need to defeat my men first." nakangising turan nito at nakita ko nanggigigil na si Raiden. "f**k you Biff!" sigaw ni Raiden at nakita ko namang mas napahalakhak ang lalaki. "Easy Raiden, I am man of my word." sabi ni Biff kaya naman pagtapos niyang sabihin iyon ay kumaway lang siya samin saka kami tinalikuran at naglakad na ito palayo. "f**k that guy!" gigil na turan ni Raiden kaya naman napabuntong-hininga ako. "Master I know that I'm new here but I promise that I will never give up fighting these guys so that we can get the crown." sabi ko kay Raiden at nakita ko namang sumeryoso ang mukha niya. At nang makita namin naming may kanya-kanya nang hawak ang mga lalaki na baseball bat ay agad kong hinawakan ang baril ko saka pinaputukan ang mga ito sa mga binti dahilan para makita ko kung gaano karami ang mga lalaking papasugod samin at ang mga katawan ay doble pa sa katawan ko! Kaya naman nakaramdam nako nang kaba at naisip kong hindi pala madali ang maging butler ng isang royal prince." "Get ready guys they're going near!" sabi ni Raiden kaya naman matapos niyang sabihin yun ay kanya-kanya na din sila sa pagbaril sa mga lalaki at nang may makalapit samin at akmang hahampasin kami nang baseball bat na hawak nila ay agad kong sinipa ang lalaki sa likuran namin at saka pinagsusuntok ang iba pang nakakalapit samin saka ko binaril sa tiyan ang isang lalaking lumapit samin. At sa mga sandaling iyon ay hindi parin ako makapaniwalang totoong tao na ang binabaril ko kaya naman nang marealize ko yon ay napahinto ako bigla at natauhan nalang ako nang makarinig ako ng putok ng baril at nakita kong nabaril si Raizen at napahiga ito sa sahig. "M-master Raizen a-are you okay?!" dagling tanong ko nang makalapit ako sa kanya at saka siya pinahiga sa bisig ko. "S-s**t!" napadaing siya at kinabahan ako ng makita kong tinamaan siya sa tiyan. "I'm f-fine..." sabi niya at nakita kong napaubo siya nang dugo kaya naman nagpanic na ako at saka ko pinunit ang damit ko dahil meron pa naman akong dobleng damit at saka iyon tinali sa tiyan niya para mapigilan ang pagdudugo saka ko sya inalalayan sa braso para makaupo sya sa isang sulok. "I'll be back please don't close your eyes!" sabi ko sa kanya at tumango naman siya kaya naman agad kong nilabas ang dalawa kong baril at saka pinag babaril ang mga lalaking papalapit samin. Nakita ko namang patuloy padin sa pakikipaglaban sila Raiden at Magnus kaya naman sunod-sunod ko din pinagsasapak ang mga lalaki na papalapit samin saka ko pinagsisipa ang mga ito at kahit na hinihingal na ako ay patuloy lang ako sa pakikipaglaban kaya naman nang mapatumba na namin ang mga tauhan ni Biff ay pare-pareho kaming lahat na naghahabol nang hininga. At nang makita naming may mga bagong lalaki na naman ang papalapit samin na mas doble na ang bilang sa mga kinalaban namin kanina ay napamura si Raiden. "s**t! We're not gonna win this! We need to get out of here now!" sabi niya kaya naman tinakbo namin ni Magnus si Raizen kung saan ko siya iniwan saka namin siya inalalayan sa magkabilaang braso saka kami nagmamadaling lumabas sa lugar na iyon. At nang makalapit na kami sa Van ay agad kaming pumasok sa loob at sumakay sa loob nang sasakyan at dahil ako ang naunang pumasok ay katabi ko na ngayon si Raizen habang si Magnus naman ngayon ang katabi ni Raiden at nang tingnan ko si Raizen ay namumutla na ang mukha nito. "M-master don't close your eyes..." nag-aalalang turan ko nang makita kong nakapikit na si Raizen na agad din namang nagmulat nang mga mata. Muli ay napaubo siya pero hindi na gaya kanina na naubo siya ng dugo. Kaya naman napapikit ako para mag-isip pero agad akong napamulat nang maramdaman kong hawakan ni Raizen ang kamay ko ng mariin saka ito sumandal sa balikat ko dahilan para lalong kumabog ang puso ko. "Thank you for h-helping me..." nahihirapang sabi niya kaya naman nang marinig ko iyon ay pakiramdam ko lalabas na ang puso ko. Ano bang meron kay Raizen at ganito mag react ang puso ko?! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD