CHAPTER 1

1674 Words
CHAPTER 1: Meeting again CALLE'S P.O.V "The Royal Vigor family is looking for new butlers for their twin princes and the contest for those who want to become participants for those who want to become a butler of the royal family will take place this Saturday at the Vigor headquarters stadium." sabi ni Maisy habang binabasa ang article na hawak niya. "T-teka saan mo ba nakuha iyang article na 'yan?" naguguluhang tanong ko kay Maisy at nakita ko namang napangiti siya sakin. "Diba alam mo naman na may pinsan akong triplets yung Dickson brothers sila Summer, Storm at Spring? Sa kanila galing 'to dahil kilala din nila yung Vigor twins baka nakakalimutan mo na sis may dugong Dickson 'to noh para saan pa at naging Dickson ako kung hindi kita matutulungan sa gusto mo na malapit sa crush mo!" nakangising turan ni Maisy sakin kaya naman napailing nalang ako habang nakangiti dahil hindi ko inakala na hihingiin niya talaga nang tulong ang tatlong lalaking pinsan niya na 'yun. "Saka alam ko ito na ang sulusyon para lagi mo nang nakikita si Raiden kasi una sa lahat marunong ka naman humawak ng baril at may alam ka pag dating sa martial arts kasi naging black belter ka nga dati nung mga bata pa tayo diba? Saka nagtrain ka din kasama si Tito Rapha na bumaril dati right?" wika ni Maisy kaya naman muli akong nakaramdam ng lungkot ng ipaalala niya sakin si Papa. "Oh... sorry sis, hindi ko na pala dapat binanggit yung papa mo." Nangilid ang luha ko sa sinabi niya at muling nagpaunahan ang mga luha ko sa pagbagsak ng maalala ko yung trahedya noong bata pa ako. Namatay ang papa ko noong 11 years old palang ako at nangyari yun dahil sa nanay kong walang kwenta na iniwan kami para sa lalaki niya kaya naman hanggang ngayon ay may sama padin ako nang loob sa sarili kong ina dahil hindi sana mamamatay ang papa ko kung hindi niya sana niloko si papa noon. Kaya nga lumaki ako noon na ang kasa-kasama ko lang ay si Maisy at si Lola Lucia. "Raine wag kana umiyak..." sabi ni Maisy sakin saka ako niyakap at saka ko pinunasan ang mga luha ko. "S-so ano bang gagawin ko?" sabi ko nang humarap na sakin si Maisy. "Okay ito kasi ang sabi sakin nang mga pinsan ko kung desidido kang makapasok sa trabahong 'yun kailangan mong magpanggap na lalaki kasi di ka tatanggapin kapag babae ka at kahit mga pinsan ko hindi alam kung bakit bawal ang tagapagsilbi sa royal family na babae kaya kailangan ihanda na natin yung mga bagong damit na susuotin mo dun dahil baka dun kana tumira sa kastilyo ng Vigor family so kailangan nating gawin ngayon ay bumili nang mga bago mong damit na panlalaki at wig mo na matibay at siguradong hindi basta-basta mahuhulog sa ulo mo." sabi ni Maisy kaya naman tumango nalang ako. *** Inabot na rin kami nang gabi ni Maisy sa pagso-shopping sa mall nang mga gamit na ka-kailanganin ko pag pumunta na ako sa headquarters. "Apo, saan ka galing? Anong oras na ah..." wika ni Lola Lucia sakin kaya naman agad akong nagmano at saka humalik sa pisngi niya saka ako napabuntong-hininga. "La, balak ko po kasing pumasok bilang butler sa royal family... alam ko po di kayo papayag kasi delikado pero 'yun lang po kasi ang pinakaalam kong paraan para mas makatulong ako sa inyo para hindi na kayo mag tinda nang mga gulang sa palengke saka nasa wastong gulang naman po ako para tulungan kayo kaya sana La pumayag kayo..." mahabang paliwanag ko kay Lola at nakita ko namang napaluha siya saka ako niyakap. "Ah... ang apo ko talagang dalaga kana nga, para ka talagang si Raphael... wala kayong ibang iniisip kundi kung paano niyo ako matutulungan, apo alam ko namang nasa tamang pag-iisip kana at maraming salamat dahil kumukunsulta ka padin sakin kapag gagawa ka nang desisyon na alam mong mag-aalala ako ng lubos at dahil dun kaya hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin. Basta ipangako mo lang sakin na mag-iingat ka at wag mo kakalimutang bisitahin ako dito kapag may libreng araw ka ha?" nakangiting turan ni Lola sakin kaya naman muli akong tumango at saka siya niyakap nang mahigpit. --- PAGDATING nang sabado ay maaga akong bumangon at saka ako mabilis na naligo at saka naman dumating si Maisy sa bahay para turuan ako kung paano ko ilalagay ang wig ko parati at paano ko kikilos kapag nandun na ako kaya naman lahat ng instructions niya sakin ay tinandaan ko saka ako nagbihis at saka nilagay ang wig ko at saka isa-isang binitbit ang bag at maleta ko bago ako sumakay sa taxi ay nagpaalam na muna ako kay Lola at Maisy. "Maisy ikaw na munang bahala kay Lola ha?" bilin ko sa kaibigan ko at nakita ko namang tumango siya. "Ikaw din sis, mag-iingat ka dun ha?" sabi niya kaya naman tumango muna ako bago tuluyang sumakay sa taxi at saka pinaandar ng driver ang sasakyan. Ilang oras lang din ay nakarating din ako sa headquartes nang royal family kaya naman nagmamadali akong pumila papasok at dahil malaki ang mga ari-arian ng Vigor family ay mabilis lang kaming nakapasok lahat sa stadium at saka kami pinagbibigyan nang number na ididikit namin sa damit at saka kami binigyan ng uniform. "Attention boys! Hindi lahat nang nandito ngayon ay matatanggap bilang isang butler ng Vigor twins kung hindi kayo marunong humawak ng baril at hindi rin kayo marunong makipaglaban ng manu-mano kaya naman sa mga libong tao na nandito ngayon na nagparticipate sa contest na 'to goodluck dahil dalawa lang ang matatanggap bilang butler nang kambal at ang iba sa inyo ay babalik sa mga pinanggalingan niyo." sabi nang matandang lalaki na sa palagay ko ay butler din ng Vigor family. Matapos 'yun ay agad kaming pinapasok sa stadium at saka kami pinapuwesto kung saan may kanya-kanya kaming kalaban na isa rin sa mga kalahok. "Magpaalam kana ngayon palang dahil sinsasabi ko na sayo na ako ang mananalo at hindi ako titigil hangga't hindi ako nagiging butler nang Vigor twins," sabi nang lalaking kaharap ko na inirapan ko lang kaya naman natawa ito. "Okay intstructions... kailangan niyong maglaban ng manu-mano at ang mananalo ay ihaharap sa bago niyong makakalaban." sabi nang referee samin kaya di na ako umimik pa. "One... two... three... fight!" sabi ng referee. Kaya naman agad akong bumwelo at saka sinipa sa tagiliran ang kalaban ko at saka siya tinira sa leeg dahilan para maluhod siya at ng subukan niyang tumayo ulit ay agad kong hinila ang braso niya saka siya binuhat sa likuran ko dahilan para tuluyan siyang bumagsak sa sahig at nang makita kong iniinda niya ang likod niya ay napailing nalang ako at nang i-declaire na ako ang nanalo ay pumunta na ako sa susunod kong makakatapat. --- Habol ko ang hininga ko nang mapatingin ako sa huling lalaking nakalaban ko kaya naman nang marinig kong inanunsyo ang pagkapanalo ko ay nawala ang pagod ko at napatingin ako sa lalaking katabi ko na siya ring nanalo. "At dahil kayong dalawa ang nanalo sa patimpalak na 'to ay susukatin naman ang galing nyong pareho sa pagbaril sa firearms shooting training center." sabi nang referee samin kaya tumango nalang ako saka ako umupo sa isang bench matapos sabihin samin ang susunod naming gagawin. At kagaya nga nang sabi samin kanina ay dinala nga kami sa isang private room matapos kong ayusin ang mga gamit ko kanina. Binigyan kami nang iba't - ibang klase nang baril mapa pistol hanggang sa mapunta sa smg, rifle at sa snipe. At dahil magaling magturo ang papa ko ay naiapply ko lahat nang tinuro niya sakin kaya naman kada tira ko nang baril ay puro sentro ang tama at nagulat nalang ako nang makarinig ako nang may pumalakpak sa likuran ko at napangiti ako ng marahan nang makita ko si Raiden. "This guy is really something... I think he passed right? Maybe he can be my butler now?" sabi ni Raiden sa referee na kasama namin at nakita ko namang tumango ito kaya naman naramdaman kong lumapit siya sakin at nakita ko ang mga berdeng mata niya. "I hope you will work for me with all your heart," nakangiting turan nito sakin kaya naman di ko mapigilang kiligin sa loob-loob ko dahil hindi ko rin ineexpect na mapapansin niya ako kahit pa na nakapang lalaki ako na disguise ngayon. Agad nawala ang atensiyon sakin ni Raiden nang marinig namin ang pagpasok nang isa pang lalaki at sa di malamang dahilan ay naramdaman ko ang pagdagundong nang puso ko sa bilis nang t***k nito dahil nakita ko ang isa pang kamukha ni Raiden na may mga asul na mata at nakita ko ang seryosong pagtingin nito sakin kaya naman napalunok ako nang paulit-ulit at napahawak ako sa dibdib ko na mas bumibilis pa ang t***k ng puso ko. "Hey twin look, this guy will be my new butler because he is good at using any kind of guns!" nakangiting turan ni Raiden at nakita ko namang tumango lang ang kambal niya na bagong dating lang na di parin inaalis ang tingin sakin kaya naman ako na ang nag-iwas nang tingin sa kanya. "Good for you then, Raiden." sabi nito sa katabi ko kaya naman narinig ko ang pagtawa ni Raiden. Muli kong binalik ang tingin ko sa kambal ni Raiden na sa pagkakaalam ko ay ang pangalan ay Raizen na ngayon ay kinakausap naman ang lalaking kasama ko na nanalo din kanina at kinakausap niya ito. "Raiden this other guy didn't pass here so from now on Magnus will be my new butler." seryosong sabi ni Raizen kaya naman tumango lang si Raiden at matapos yun ay agad ding lumabas ng private room si Raizen. Napabuntong-hininga nalang ako dahil naramdaman ko na parang may mali kasi sobra kong kinakabahan kanina sa kambal ni Raiden. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD