Friends

1823 Words
I used to shame these kind of people.. Ang mga nag-iwan ng mga kaibigan nang sa wakas ay nakahanap na sila ng ibang tao. Yung may bago na sa buhay nila and the ones who would just put me an option after I stood by their side and fought for them when no one else believed. Dati ayaw ko sa mga kaibigang tinatalikuran ako, because they have to be with their partners when they are supposed to be with me. Hanggang sa nangyari sa akin. Napagtanto ko na ako ang naging makasarili sa oras at pagmamahal ng aking mga kaibigan. Marami akong narinig na "Nagbago ka na." mga salita mula sa mga taong akala ko ay magiging pinakamasaya kapag nalaman nilang nakahanap na ako ng taong kayang suklian ang lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay. But that doesn’t seem to be the case. Hindi ako nagbago. The only thing that had really changed about me was, I let this new person came and invade my life. Nagbago lang talaga ang relationship status ko. I was caught between the life I had and the life behind the life I've known. It's not me who has changed, it was my priorities — he was it, he became part of it. Oo siguro, nagbago ako. My smile is not fake anymore. It became bigger. Mas lumakas pa ang tawa ko and everytime I say “l’m happy” I actually mean it, when in the past, I was good at fake it. Not all people will understand how someone so independent and used to took care of herself suddenly had prioritized some guy. Ngunit ang totoo, I am still the same person just with someone I consider my other half. He made me a better version of myself and I am so proud of it. Sa totoo lang, l didn’t owe an explanation or have to apologize this shift to people.. Oo, deserve din ng mga kaibigan ang lahat ng pagmamahal na maibibigay mo. I truly believe friends are those people who will help you when you stumble and guide you until someone proves that they are worthy of taking their place. At ang totoo, I will always be that friend. I will always answer your call at 3AM, I will still be that friend who will pray for you. Ako ang unang magcocomfort sayo at bumili ng ice cream kapag may nanakit sayo. Ayaw kong makita kang umiiyak but I'm always glad I'll be the first to wipe away your tears. The friend in me hasn’t change. It’s just a love that gets shared when you finally found the right one for you. "Creamy, Ber months ka ba?" "Ha! Bakit?" Napahinto ako sa pagsusulat saking journal ng marinig kong kakaibang tanong sakin ni Ryle. "Kasi di lang kita mamahalin sa septemBer, octoBer, novemBer at decemBer, kasi I LOVE YOU FOREVER.." Kindat sabay halik sa kanyang labi na sabi ni Ryle. "Nyemas! Hahaha.. Ang corny mo! Cookies.. San mo ba napupulot yang mga banat mo ha?" "Basta! Oh, ito pang banat ko sayo, Creamy.. Gusto ko sa agahan, ikaw. Gusto ko sa tanghalian, ikaw. Gusto ko sa hapunan, ikaw. Sa isip ko panay laging ikaw. Sana'y lagi kong kasama, ikaw. Gusto ko'y ikaw, ay hindi! Mahal ko'y ikaw." "Kuu.. Ikaw talaga! Lalo mong pinapataba ang puso ko eh! Mahal din kita, Cookies hmm.." Nangingiting pinisil nyang pisngi ng binata. "Mahirap mabuhay sa mundo ng mag isa, kaya nga pinanganak ako para samahan ka." Kumindat na naman ito sa kanya. 'Anubang nakain ng lalaking ito, ba't kakaiba yata sya ngayon? Cheesy overload eh!' "Ang babae dapat pinoprotektahan na parang anak mo, minamahal na parang asawa mo, at nirerespeto na parang nanay mo." "Tama! Eh, ganyan ka ba?" Taas kilay nyang tanong kay Ryle. "Oo naman, Creamy! Ganyan ako!" "Talaga lang ha!" "Yeah! Talagang talaga! Ang puso ko parang salamin ilang beses mo man basagin, try mong tumingin andun kapa rin." "Hay naku! Tama na nga yang mga hugot mo dyan, tara pasyal tayo sa Bravos." Napasimangot si Ryle pagkarinig ng Bravos.. Ayaw nyang magpupunta dun at tiyak nyang maiilang lang sya sa mga ka barkada ni Claire. "Pasyal na lang tayo, pero wag dun sa Bravos!" "Bakit naman?" Nagtatakang tanong nito sa kanya. "Nakakailang kasi ang mga kabarkada mo, feeling ko, para akong nakakahawang sakit na kinatatakutan nilang madikit sa kanila." Napapailing nyang sabi. "Hoy! Hindi naman.. Ba't kaba nag iisip ng ganyan? Mababait sila, mukha lang mga demonyeta pero kapag nakasundo mo masaya silang kasama." "Hindi ako naniniwala!" Hinila nyang patayo si Claire mula sa pagkakaupo nito sa swing. "Tara! Libre na lang kita ng taho, diba gusto mo.yun?" Nagdududang tinitigan ni Claire ang nobyo. "Dito na lang ako, ikaw na lang ang bumili sa kanto" "Nagtatampo kaba sakin, dahil ayaw kong pumunta ng Bravos?" Kunot nuo nyang tanong, ng makitang matamlay ito. "Hindi!" "Hmm.. labas sa ilong ang sagot!" "Eh, kasi ikaw eh! Ang kj mo! Masaya kaya dun, saka game na game naman ang mga friends ko!" Nakasimangot nitong sagot sa kanya. "Mga mabisyo yung mga friends mo, kamu! Parang mga kabayong pinakawalan sa kwadra, matatanda na pero mga asal bata pa rin. Mga pasaway.. Tsk!" "Hoy! Grabeh ka naman makahusga! Masama bang enjoyin naman namin ang pagiging teenagers namin ha? Minsan ka lang kaya dumaan sa edad na 16, kaya dapat sulitin. Saka ang high school life ang pinaka memorable sa lahat!" Naiinis nyang sabi kay Ryle na napatampal pa ng nuo nito. "Hindi ko naman sinabi na masamang mag enjoy kayo, ang sa akin lang naman, ‘wag nyong kalimutan yung values na natutunan nyo nung mga bata pa kayo. Normal lang naman ang pag-inom, basta ba hindi dadating sa puntong mas maraming beses ka pa uminom kesa mag-aral. Normal lang din ang pagbabar, pero hindi naman yung mas madalas ka pang makita sa bar kesa sa school mo. Normal lang din magyosi, basta may matitira ka paring pera magpaphotocopy. Hindi puro pangyosi ang pera. Sa panahon ngayon, normal nalang ang bisyo. Pero hindi dahilan para magloko sa pagkakaroon ng maluwag na pamamalakad ng magulang. Hindi dahilan para magloko sa pagpasok sa tunay na buhay. Dapat nating tandaan na kaya tayo tinuruan nung bata pa tayo, dahil gusto nilang madala natin ang mga aral na 'yon hanggang sa tumanda tayo." Natahimik saglit si Claire, may point naman kasi ang mga sinasabi ni Ryle sa kanya. Masyado lang kasi syang sensitive, dinaramdam kung anong hindi maganda sa kanyang pandinig. Masyado kasi syang benebaby ng kanyang mga magulang na halos lahat ng gustuhin at hilingin nya sa mga ito ay sinusunod at pinagbibigyan sya palagi. "Hindi ko kayang nahihirapan ka katulad ng paghihirap na nararamdaman ko. Hayaan mong ako nalang makaramdam ng ganito." Sabi pa nya ng makitang tila nahihirapang mag isip si Claire. 'Naku! Baka ibang pagkakaintindi nya sa mga sinabi ko ah! Baka hiwalayan ako nituu...' "Ahm.. Creamy, wag mong kakalimutang mahal na mahal kita... habang buhay." Samantalang iba naman ang nasa isipan ng dalaga. Kabaliktan sa mga iniisip at pinangangambahan ni Ryle. 'Napapaisip ako, marahil masyadong mababaw ang pananaw ko noon sa mga salitang akala ko e alam ko na. Siguro masasabi ko na kahit ipinagpupumilit ko dati na matanda na ko mag-isip at alam ko na ang mga ginagawa ko, hindi ko ikakait na totoo na nagmamagaling lang ako. Iba rin pala talaga ang pakiramdam kapag nalalaman mo na mali ka. Lalo na’t ikaw pa sa sarili mo ang nagsasabi na mali ka.. maling mali. Yung bagay na hindi mo talaga malalaman hangga’t sa may magpapa intindi nito sayo. Ang katotohanan na makapagpangiti sayo, makakapawi ng pagod mo, makakapagbigay sayo ng kakayahang magbiro at sumaya sa maliliit na mga bagay. Hindi ko naman kasi alam na may iba pa palang kahulugan ang mga salitang “mahal kita” at “habang buhay”. At oo nga, meron nga. ‘Yon ay... si Ryle Martins.' Malapad syang napangiti. "Hangga't may pinanghahawakan akong saya, pagpapahalaga at pagmamahal, patuloy pa rin akong kakapit at aasa." "Anong sinabi mo Creamy? Pakilakas nga! Diko masyadong narinig eh!" "Sabi ko, tara na mag taho na tayo!" Natatawang hinawakan nya sa braso ang nobyo saka hinila palabas ng bakuran nila. 'Tsk! Lakas talaga ng topak nitong Creamy ko! Bilis magbago ng mood!' Kakamot kamot ng kanyang batok, napasunod na lang sya sa mabilis na paglalakad ni Claire. Totoo nga, ang pag-ibig, naibubuhos lamang sa kasalukuyan. Gayun din ang saya, hindi ka maaaring makadama ng saya sa kinabukasan, iba ang "masaya ka para sa kinabukasan" sa "magiging masaya ka sa kinabukasan", dahil ang buhay ay tuloy tuloy sa paglalakad. Paglakad lamang, hindi tumatakbo ang buhay para magmadali sa lahat ng sagot, kahit gaano pa naiinip ang tao, tuloy parin ang buhay. Kaya't bakit hindi na lang sabayan ang kasalukuyan sa pagdama ng tunay mong nararamdaman? Kung masaya ka, wag kang matakot na aminin ito sa sarili mo. Tanggapin mong tunay kang masaya kahit na taliwas ang opinyon ng mga nasa paligid. Tanggapin mo kung anong nararamdaman mo sa kasalukuyan, at lalago ka bilang tao sa paraang hindi mo inaasahan. Kung nasasaktan ka, aminin mo ito sa sarili mo na nasaktan ka talaga. Pero tanggapin mo rin na ang nadarama mong sakit ay parte sa buhay upang matuto't mas maging maalam sa karanasang posibleng maulit. Kaya't tanggapin mo, dahil kung hindi, uusad ang buhay nang napag-iiwanan ka, maraming beses na mauulit ang mga sitwasyong napagdaanan, bakit hindi mo hasain ang sarili? Totoo, ang buhay ay tunay na digmaan, ngunit hindi ito digmaan sa mga taong handang matuto sa bawat pagkakataon na maaaring matuto. At palagi mong tatandaan, na kapag nasaktan ka, pagkakataon din ito para matuto. At kung nagmamahal ka, magmahal ka ng totoo, hindi totoo ang pagmamahalan na pinaplano sa kinabukasan. Ito'y isang imahinasyon at gabay sa kung anong nadarama mo ngayon. Kung ramdam mo naman ang pag-alab ng damdamin niyo sa bawat isa, ibuhos mo na sa kasalukuyan, wag kang matakot magbitaw ng mga salitang magbubunga ng mas malalim na pagmamahalan sa kinabukasan. Dahil ano pa't nagmamahal ka ngayon kung aatras ka rin lang naman pala balang araw? Ano pa't binubuo mo ang sarili mo ngayon sa mga bagay na nasa paligid mo, ngunit hindi naman pala kongkreto ang paniniwala mo sa sarili mo? Totoong posible na wala nang pagkakataon bukas, o sa isang linggo. Dahil hindi kaylanman nasusukat ang pakikipaglaro ng tadhana sa buhay. Maaaring ngayon, mayaman ka. Bukas, mahirap ka. Ngayon, malungkot ka. Bukas, masaya ka. Hindi kailangang mainip, hindi kailangang nagsawa o mainis sa buhay. Dahil tao ka, kaya mo nadarama at nararanasan ang lahat ng ito. Kaya't aminin mo palagi sa sarili mo, ano ba ang tunay mong nararamdaman? Ikaw ba'y masaya, natatakot, nasasaktan, nagmamahal? Ano pa 'man ang tunay mong nadarama, aminin mo ito sa sarili mo. Isaisip at isapuso, na ang buhay ay patuloy na uusad, kahit gaano pa kababaw o kabigat. Ang buhay ay patuloy na uusad. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD