Final Chapter

2701 Words
"Ang hirap kasi sa karamihan sa'tin, pag nagka boyfriend tayo, nagdedemand tayo ng sobrang atensyon." Napatuwid sya ng pagkakaupo sa bench ng marinig ang sinabi ni Mabel. 'Hmm.. Sigurado may bago na naman itong libro.. Ano na naman kayang pamagat? Ahh.. Baka 'Demanding Girlfriend' hahaha..' "Hindi ka lang itext ng ilang oras, galit tayo kaagad. Hindi ka lang masabihan na may gagawin siya, sa tingin natin gumagawa siya agad ng mali. Hindi lang makapagparamdam ng ilang araw, feeling kaagad natin naagrabyado tayo, brokenhearted tayo, sobrang nasasaktan na tayo. Kung makapagdrama tayo, daig pa natin ang namatayan. Kung makapagpost ng drama sa twitter o f*******:, akala mo break na o kinaliwa kana." 'Kitam! Demanding Girlfriend nga!' Tiningnan nya isa isa ang kanyang mga katropa. Mula kay Roselia at Rowena na nagsusubuan ng popcorn. Napapangiti na lang sya. 'Ang sweet ng b***h at Hooker' bumaling sya sa gawing kanan kung saan nakaupo sa isapang bench sila R'joy at Ashley, as usual nagyoyosi na naman ang dalawa, pero ang buong atensyon ay sa Besty nyang si Mabel na tuloy lang ang pagsasalita habang palipat lipat ang tingin sa kanilang lima. "Ang hirap kasi gumalaw sa isang relasyong alam mong pag ginawa mo ‘to, may bantay ka. 'Pag ginawa mo 'to, may magagalit. Ang hirap gumalaw sa isang relasyong tila kinandaduhan yung pagkatao mo. Ang hirap pag nasasakal ka. Kaya minsan, bago tayo magsabi ng “Ayaw niya ako pansinin. Niloloko niya na ako.” Isipin mo muna, kung masarap ka ba kasama, kung napapasaya mo ba siya at hindi nasasakal, kung pagmamahal pa ba 'yan o obsession na. Dapat kasi bigyan natin ang sarili natin ng time, space at privacy, at syempre, maging sa mga boyfriend din natin. Hindi madaling i-gain ang maturity Pero hindi masamang subukan maging “mature” at maintindihin sa partner natin. Mahalin niyo siya. At kasama na dun siyempre ang hobbies niya, gawain niya, mga kaibigan niya, pamilya niya, at lahat ng pumapa-ikot sa buhay niya." 'The best talaga 'tong si Besty! Lahat ng sinasabi malaman, may sense. Galing ng Nerd na ito.. Nakakabilib ang dedekasyon sa pagbabasa ng mga libro. At nakakatulong pa samin ang pagse share nya ng kaalaman.. Big time, kumbaga.' "Ang sarap sa feeling kapag alam mong may taong nandyan palagi para sa'yo. ‘Yung tipong kada may problema ka, may mapagsasabihan ka. May dadamay sa'yo. Papasayahin ka niya hangga’t kaya niya. Papangitiin ka niya hangga’t meron siyang tiyansa. Ang sarap talaga sa pakiramdam pag nakikita mong mahal ka ng taong mahal mo. Hindi niya na kailangang magsabi ng “I love you” araw-araw, o magtext ng sweet long messages para maramdaman mo. Dahil pagtitig at pagngiti niya lang pag nandyan ka, ramdam mo ng mahal ka niya." Napalitan ng ngiti ang seryosong mukha ni Mabel, matapos magsalita. "Pero hindi lahat ng relasyon perpekto. Magkakaroon kayo ng panahon kung saan hindi niyo alam ang nangyayari, pero tila binabato ang relasyon niyo ng mga problema. Na kaunting bagay nalang, gigiba na kayong dalawa. 'Yun naman ang importante sa relasyon e, hindi yung mga halik at yakap. Kundi kung paano niyo ba na-oovercome ang bawat problemang dumadating sa inyong dalawa." Aniya. "Yeah may point ka rin naman dyan Claire, kasi, minsan dapat din nating maintindihan na hindi lahat madadaan sa galit. Nagagalit ka kapag nagmo mobile legends siya. Pero ‘di mo ba narerealize na mas mainam maglaro kesa mambabae siya? Nagagalit ka kapag 'di nakakapagreply agad. Bakit sa tingin mo sayo lang ba umiikot ang oras niya? Nagagalit ka kapag may kausap siyang ibang babae. Bakit sa tingin mo lahat ba ng makakasama niya mamahalin niya agad-agad? Nagagalit ka kasi hindi ka niya maisama sa mga lakad nila ng barkada niya. Hindi mo ba naisip na kailangan din niya ng oras para mag-enjoy ng wala ka? Nagagalit ka kapag nagagalit siya. Bakit ikaw lang ba may karapatang magalit at masabihan ng salitang “SORRY”? Nagagalit ka kasi hindi ka niya sinasabihan ng “I love you”. Bakit hindi pa ba sapat ang mga ginagawa niyang kilos para maramdaman mo yun?" May pakumpas kumpas pa ng kamay si Roselia na ikinangiti nya. "Abah! Hugot much ka ngayon b***h ah! Anong nakain mo't nagka sense yang mga salita mo?" Pataas taas pang kilay na tanong ni Rowena sa katabi. "Nakain ko? Sperm! Haha." "Wooh.. Nyemas! Parehas lang pala tayo ng paboritong kainin.. Hahahh!" Pati sila nahawa na rin sa klase ng pagtawa nung dalawa. "Tama ng kalokohan.. Balik tayo sa seryosong usapan!" Tinampal ni Roselia ang katabi na tumatawa pa rin. "So, simple lang naman ang solusyon diyan. Kung 'di mo kayang tanggapin kung sino siya, kung anong mga ginagawa niya, kung anong kulang sa kanya. Itigil mo. Ibreak mo. Kung 'di mo matiis na hindi ka niya nilalambing, odi iwan mo siya. Maghanap ka ng taong iintindi sa pagkatao mo. Kung hindi mo kayang mahalin ang mga bagay na nakasanayan niya ng gawin, 'wag mong pahirapan ang sarili mo. Ganun lang 'yun. Darating din naman siya sa puntong magsasawa na siya sa mga ginagawa niya at siya na mismo ang gagawa ng paraan para sa relasyon niyong dalawa. Pero kung 'di mo maintay yun. Humanap ka nalang ng taong sasabay sa topak ng utak mo. Wala ka sa fairytale. Hindi lahat ng bagay gagawin niya para sa'yo. Gumising ka sa pananaginip ng kasiyahan. Hindi lahat kayang magbago. Tanggapin mo lang kung ano siya, kung sino siya, ganon ang tunay na pagmamahal. Hindi naghahangad. "Seryosong sabi ni Roselia.. Nakita pa ni Claire ang lihim na pagsulyap nito sa katabing si Rowena. Tumaas ang sulok ng labi nito ng sunod sunod ang paglunok ni Rowena. "Punyeta!" Naibulalas bigla ni Rowena." "Minumura mo ako, b***h?" Taas kilay na baling ni Roselia sa katabing umiinom ng milky melon s**o nito. "Narinig mong binanggit kong pangalan mo?" Mataray nitong sagot. "Hindi!" "So, bakit ka nagre react dyan?" "Wala lang! Trip ko lang.." Saka napa halakhak ng tawa si Roselia. "Gagang 'to! Taas ng amatz eh! Kalorka." Hinila pa ni Rowena ang buhok ni Roselia na naluluha na sa kakatawa. 'Hay! Ayan na naman ang aso't pusa, nag uumpisa na naman!' Napapailing na lang si Claire, Madalas kasing pagtripan ni Roselia ang kaibigan nila. kasi alam nitong sa kanilang lima si Rowena ang pinaka pikon sa lahat. Kaya ikinasisiya nito kapag lumalabas ng pagka b***h side ng kaibigan nila. "Hindi mo mapipili ang mamahalin ng puso mo. Na try mo naba subukan ang tiwala mo para sa pagmamahal? Na try mo naba sumugal kahit hindi mo alam kung matatalo ka lalo na sa pagibig? Lalo na’t nasaktan kana dati? Na try mo naba magtiwala sa dating gago? Na try mo naba magtiwala sa dating manloloko? Na try mo na din bang magmahal ng taong hindi mo pa nakikita?" "Hindi!" Sabay pa silang dalawa ni Mabel sa pagsagot sa tanong ni Rowena. "Ako kasi nasubukan ko na, at alam nyo? sobrang thankful ako at sobrang saya. Hindi ko rin naman inaasahan na magmamahal ako ng dating Barumbado, na akala niya din sa sarili niya hindi na siya magbabago, pero eto kami ngayon masaya at walang pag dududa sa lahat ng ginagawa niya. Bakit? Kasi simple lang, pinatunayan niya lahat sa akin, na kaya niyang magbago para sa akin, para sa pagmamahal. Na kahit anong mangyari hinding hindi niya sisirain ang tiwala na binigay ko sa kanya. Minahal ko lahat sa kanya, yung nakaraan niya na binabahagi niya sa akin na puro kalokohan at ngayon na nagbago siya para maging better person. Mahal ko buo niyang pagkatao at hinding hindi ko siya huhusgahan dahil lang sa nakaraan niya, dahil ang mahalaga yung kami ngayon at yung magiging future namin. Kahit malayo kami sa isa’t isa mas pinapatunayan niya na hindi dapat ako magduda, dahil ang isang siya ay mahal na mahal ako at may isang siya na pipilitin magbago para maging karapatdapat sa pagmamahal ko. Salamat kay Banana ko, dahil ginagawa nya ang lahat. Mahal ko sya, at tanggap ko lahat ng buo nyang pagkatao." Tila naglalakbay pang diwa ni Rowena habang nagkukwento sa kanila. "Congrats b***h! Ito seryoso na'to.. Masayang masaya ako, dahil nakatagpo ka ng isang lalaking tunay na nagmamahal sayo!" Niyakap pa ni Roselia ang katabi, na malapad ang pagkakangiti sa kanila. "Happy happy lang tayong anim.. Dahil, dina tayo magsasabi ng 'Sana all' kasi, lahat tayo ay may forever na.. May ka destiny na!!" Pumapalakpak pang sabi ni Mabel. "Yeah! Mula ngayon The Bad Girls will be The Good Girls na! Kaya dapat nating I celebrate ang blessing na ito!" Ani Ashley. "Let's go! Good Girls! sa Boyzone tayo!" Tumayo saka tinapon na ni Queen ang sigarilyong hawak. "Yeah! Party party na naman tayo!" Tuwang tuwa na napapatalon pa sa galak si Rowena, syempre libre eh! Kaya energetic na naman ito ngayon. BOYZONE "Queen!" Sabay sabay pa silang napalingon sa isang sulok ng marinig ang boses ni Mc. Napaawang ang labi ni Claire ng makita ang anim na kalalakihang nakangiti't kumakaway sa kanila pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa entrance ng Boyzone. "Ryle!" Tila di makapaniwalang naibulalas nya. "Neil?" Kunot nuong sabi ni Mabel. "Paolo!" Mahinang sambit ni Rowena. "Ym?" Nagtatakang napabaling ng tingin si Roselia kay Queen. "Oh! Yeah! Pinasundo kong mga jowa nyo kila Reighn at Mc, para magkasama sama tayong mag celebrate sa special day natin ngayon." Kumindat sa kanilang apat, saka nauna ng naglakad si Queen patungo sa anim na naggagwapuhang kalalakihan na nag aantay sa vip room ng Boyzone. "O, tara na kayo! Libre ni Queen kaya magdamagan na naman ito!" Sabi pa ni Ashley sa kanila, saka naglakad na ito pasunod kay R'joy. "Ang swerte swerte ko talaga na naging ka myembro ako ng Bad Girls!" Si Mabel. "Di lang Happy happy all the time, kundi Happy happy forever!" Si Roselia. "This is the best day of my life!" Si Rowena. Nakangiting sumabay sa paglalakad ng kanyang mga kaibigan si Claire. Kapag kasama nyang mga ito, walang puwang ang kalungkutan.. Dahil puro kasiyahan at kaligayahan ang kanyang nararamdaman kapag kasa kasama nyang barkada. 'Thank you Lord! Sa maraming biyaya na ibinigay mo sakin.. Sa mga kaibigang masasandalan at mapagkakatiwalaan.. Sa aking mga magulang na mapagmahal, masasabi kong walang katulad, At syemre sa lalaking ipinagkaloob mo saking buhay.' Inabot ni Ryle ang kanyang kamay ng makalapit na sya sa kinauupuan nito. Masuyo syang hinila at pinaupo sa tabi nito saka niyakap ng mahigpit. "Creamy, mahal na mahal kita ng higit pa sa buhay ko!" Bulong ni Ryle sa kanyang tenga, saka hinalikan sya nito sa leeg. "Hmm.. Ang bango bango talaga palagi ng creamy ko!" Tinampal nya ito sa braso, saka pasimpleng tiningnan ang kanyang mga kaibigan, napangiti na lang sya ng makitang masaya, naghaharutan , naglalambingan ang mga ito sa kani kanilang mga syota.. Sa lagay ba eh! Magpapatalo sya sa mga ito? 'Syempre hindi!' "Hoy! Creamy, sabi ko, mahal na mahal kita!" Nakasimangot ng mukha ni Ryle na nakatingin sa kanya. "Narinig ko!" Pinisil nyang ilong nito, saka tinampal tampal pang pisngi ng binata. "Mahal na mahal din kita, Cookies! Ikaw lang wala ng iba!" Unti unting nagliwanag ang mukha ng binata, sumilay ang ngiti sa labi nito. At sa kanyang paningin mas lalo pa itong pomogi.. 'Hay! Buhay nga naman.. Puno ng surpresa! Isipin mo yun? dati dati kandahaba lang ang leeg ko kakatanaw sa mokong na'to. Pero ngayon, heto parang linta kung makadikit sakin.. haha.. Grabeh! Yung dati Crush ko lang sya pero ngayon Lover ko na! Oh, diba napaka bonggacious ng love story namin..?' ♥? Sa isang relasyon may pagkakataon talaga na magkakaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan at ang pag-aaway minsan. May kalsada bang ni minsan hindi nabasa? Hindi naputikan? Hindi nadaanan? Hindi sa lahat ng panahon ito ay tuyo. Hindi sa lahat ng panahon masaya ang isang relasyon. Dadating talaga na minsan magkakaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan. Pero lahat naman ito maaayos kung aayusin. Kung may hindi man kayo pagkakaunawaan mas magandang habang maaga palang ay ayusin niyo na ang gulo. Dahil baka lumaki at lumalim lamang ito. Lahat nadadaan sa maayos na usapan kung bukal sa puso ang magkaayos. It's okay to admit that you're having a hard time on your relationship. Kahit anong klaseng relationship pa yan, may ups and downs talaga. Yung sakit, yung pakiramdam na parang nakakapagod na, yung pakiramdam na gusto mo nalang bumitaw, nangyayari talaga yan. Isa ang mga yan sa mga obstacles na pareho nyong pagdadaanan. May iba na hindi nagtatagumpay at pinipili nalang tapusin ang nasimulan kesa ipaglaban pa ang namamagitan sa isa't-isa dahil palagay nila yun nalang ang solusyon. Pero meron pa rin naman na napagtatagumpayan ang ganitong pagsubok. Yun ang mga taong talagang kayang ipaglaban ang naipundar na pagmamahalan para sa isa't-isa at pursigido pa na ayusin ang mga bagay at ginagamit ang mga problemang ito para lalo pang tumatag ang relasyon. Importante, parehong may tiwala. Wala namang perpektong relasyon. Kaya ang lagi nalang dapat isipin ay kung gaano nyo mamahalin ang bawat isa, walang kahit ano pang problema ang makakasira sa inyo. ?♥ Ryle & Claire ♥? Heart heart mga ka Bad Girls! Ending na ng aming mga Love Stories.. Kung noon Bad Girls ang tawag saming Anim Ngayon.. New Reborn na kaming Anim... Kami na ang Good Girls ngayon.. Na pinangungunahan ng Astig na si R'joy Queen na naging sobrang galante simula ng maging sila ni Mc Rabella. Ashley Arsones, na naglaho ang pagka Playgirl simula ng magtagpo ang landas nila ng Cardiologist Doctor na si Reighn Sebastian. Ang b***h na si Roselia Delsy, na bumait mula ng maging Miss Perfect Writer, at ang tumulong lang naman sa pagtupad ng kanyang pangarap ay ang Mr. Perfect Writer ng La Eternity University na si Yury Xian Dryke. Si Rowena Arisgada, na hinusgahan at binansagang Hooker ng karamihan, sa gitna ng panganib ay may isang Barumbado at Burdadong lalaki na sumagip sa kanyang buhay mula sa kamay ng mga masasamang tao na may galit mula sa kanyang nakaraan. Knight and shining armor ang naging papel ni Paolo Viena Andrade sa muling pagtatagpo ng landas nila ni Miss Boombastic, the woman that he desire. At syempre! ang kanyang Besty, ang Nerd na si Mabel Takeda.. Ang kanyang sanggang dikit sa lahat ng bagay at sitwasyon.. Na sa wakas nakatagpo na rin ang lalaking nagbibigay ng kaligayahan at higit ng pamilya dito. si Attorney Neil Cuenca, ang tagapag tanggol kapag may nangbu bully sa buhay nya. And lastly ay ako.. Claire Reynolds po, ang Nice Girl ng tropang Bad Girls, ang magtatapos ng masalimuot, magulo, at madrama man ang bawat kabanata ng aming mga kasaysayan.. Nais lang naming ipaalam at patunayan.. Na sa likod ng tatak naming ito ay doon nakatago ang tunay na buhay ng bawat isa samin. Alam naman naming hindi namin mapi please ang mga taong nakapaligid samin.. Gustuhin nyo man kami o hindi, dina mahalaga yun samin. Dahil sa totoo lang, wala naman kaming obligasyon na magpaliwanag sa inyo. 'Don't judge our choices if you don't understand our reasons' ♥? 'We are able to judge because we are not in their place. We are not the ones who are struggling. We don’t know what they are going through. We only notice their actions but not the reason why they move like that. We see their physical appearance but not the story behind every wound and criticism we see in them. We are able to judge because we do not understand them. We don’t even try to ask questions and try to understand them... Stop judging others based on appearance. A guy being a cheerleader does not make him gay. A girl wearing black doesn’t make her goth. A girl who never talks doesn’t make her shy. A guy who cries doesn’t make him weak. A girl who is on the chess team isn’t a nerd. A guy who listens to rock doesn’t do drugs or cuts himself. A girl with no guy friends isn’t always a lesbian. A girl who is popular doesn’t make her preppy. Let’s stop judging others and get to know the real them. Making assumptions based on appearances is a terrible thing to do. ?♥ 'Be a badass with a big heart' - THE END - ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD