Chapter 30 Darius Binilisan kong ayusin ang higaan ko. Ang mga unan pinagdugtong-dugtong ko at nilagyan ng makapal na komporter. Nagtago ako sa gilid ng cabinet malapit sa pintuan. Hindi lang isa ang nakita kong anino, kundi dalawa. Ilang saglit pa nawala ang mga anino. May mga yapak akong naririnig at patungo rito sa aking silid. Maya-maya gumalaw ang pintuan at bumukas ito. Lumubog ang mga unan nang pagbabarilin ng mga ito ang kama ko. Nilagyan nila ng silencer ang baril upang hindi marinig ang alingawngaw ng putok. Upang makasigurado na patay na ako nilapitan ng isa ang aking kama habang ang isa nakabantay sa pintuan. “Damn! Mga unan lang pala ito!’’ bigong sabi ng bumaril sa kama ko. “Bobo!” Mabilis akong lumabas sa pinagtaguan ko at hinatak ang nakabantay sa pintuan. Agad ko i