Chapter 18 Angela “Saan ka pupunta, Angela? Bakit ka tumatakbo?’’ tanong ni Manang Ester sa akin nang makasalubong ko siya sa labas. “Wala, Manang!’’ tipid kung sagot at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Kahit masakit ang buo kong katawan at masama ang aking pakiramdam, tiniis ko iyon makalayo lang sa bahay na iyon. Hanggang sa nakarating ako sa baybayin. Mula sa kinatatayuan ko bumaba ako sa tabi ng dagat saka sumigaw. “I hate you, Daddy!’’ Sa sobrang inis ko napaluhod ako sa buhanginan. Parang gusto kong saktan ang aking sarili dahil sa katangahan ko. Hindi ko alam na may cctv pala sa silid na iyon at nakaconnect pa sa cellphone ni Darius. Bakit kasi isinuko ko pa ang katawan ko sa Berdugong iyon? Subalit kahit anong hagilap ko sa aking puso walang pagsisisi man lang akong nararamdaman