Chapter 15 Darius Akala ko kung ano ang nangyari sa anak ni Lucio, ‘yon lang pala takot sa gagamba at butiki. Natataranta itong tumatakbo patungo sa akin nang may butiking kumakapit sa kaniyang buhok. At walang ano man bigla na lang siyang tumalon ng yakap sa akin dahil nasa sahig na ang butiki. “Waahhh… Tanggalin mo ‘yong butiki! Ayaw ko ng butiki!’’ pagtatalak pa nito na akala mo kinakatay. “Hindi ako makahinga bitawan mo ang leeg ko!’’ nahihirapan kong sabi sa kaniya dahil nakapulupot ang mga kamay niya sa aking leeg at ang kaniyang leeg nakasampa sa aking balikat. Dahan-dahan siyang umangat, kaya nagtama ang mga mata namin. Pareho kaming nakatitig sa sa isa’t isa. Una naaaliw ako sa taglay niyang ganda, subalit hindi kalaunan nakikita ko ang mga mata ni Lucio sa kaniyang mga mata