RAY ISANG malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang sulyapan ko sa huling beses ang malamig na nitsong pinag-alayan ko ng isang basket na bulaklak. Hinintay ko muna na maupos ang kandila bago ako nagdesisyon na umalis na. “Huwag kang mag-alala… Gaya ng ipinangako ko sa’yo noon, ako ang bahala sa kanila. Hinding-hindi ko sila pababayaan kahit ano man ang mangyari.” Pagkasabi niyon ay umalis na ako palabas nang sementeryo. Pasakay na ako sa lumang pick-up truck na dala ko nang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng aking bulsa. Inilabas ko ito at tiningnan ang screen. My mom’s calling. Saglit pa akong nag-alangan kung sasagutin ko ba ito o hindi. Dahil alam ko na ang sasabihin niya. But I know my mother very well. Wala siyang kasing kulit pagdating sa akin. Baka puntahan pa ako