HAPPY SIMULA nang alukin ako ni Ray ng deal at tinanggihan ko, nag-lie low muna ako sa pakikipaglapit sa kaniya. Though, hindi ko naman totally na iniiwasan talaga. Ayaw ko kasing magtaka si Kaycee at maapektuhan pati ang closeness nilang dalawa. Katulad ngayon, tinuruan niyang mag-bike ang anak ko. Hindi kasi ako kampante kapag ako ang nagtuturo at natatakot ako na baka masaktan lang. “Gaano ba kapangit ‘yang kapitbahay mo at tinanggihan mo ang deal niya?” usisa sa akin ni Babe. Kanina pa kami magka-video call na tatlo ni Always habang nagluluto ako ng fried chicken. "Akala ko ba in good terms kayo niyan?" Naikuwento ko na sa kanila noon pa man na may kapitbahay akong binata. Pero kahit sa kanila, never ko munang sinabi ang totoo tungkol kay Ray. Ni hindi nga nila alam na may naka-one