After Three Years...
"Welcome home, Jet hijo! Naku mas lalo kang gumuwapo. Hiyang na hiyang sa States!" Masayang bungad ni Manang Loring sa alaga. Tatlong taon din itong naglagi sa California para ipagpatuloy ang pag-aaral. Ngayon ay bumalik at handa na para pamahalaan ang naiwang kompanya ng namayapang nitong amang si Don Geronimo.
"Kumusta po kayo, Yaya? Hindi ba kayo nahirapan dito sa mansion?" Magiliw na bati ni Jethro sa butihing tagapag-alaga.
"Naku, hindi naman, hijo. Nakakuha rin naman ako kaagad ng kapalit ni Melba noon. Kuh, mas mabait pa nga iyong pumalit sa kaniya, hijo."
" Lola! Lola! Dumating na ba si big boss?!"
Isang batang lalaki ang humahangos na lumabas ng mansion at agad kumapit sa laylayan ng saya ng matanda. Gulat ang mukha ni Jethro nang matitigan ang batang lalaki. Pero bago pa siya makapagsalita ay naagaw na ang pansin niya sa babaeng mabilis na lumabas din ng mansion.
"Tate! Ano ka ba naman, anak, sabi kong huwag kang..."
On a sunny dress, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kaniya. Paano niya ba makakalimutan ang magandang babaeng minsan lang niyang nakasama pero pinaiinit nito ang kaniyang pakiramdam sa tuwing maalala niya ang gabi bago siya tumuloy sa airport? At ngayong nakita na niya itong muli, lalong sumidhi ang damdaming nagpahirap sa kaniya ng tatlong taon.
But the boy...
Muli niyang tinitigan ang bata. His eyes were emerald color. Like...like him! Hindi lang ang kulay ng mata ang kawangis niya kundi lahat. His eyes, his nose, his lips and his skin color. Damn it! He is a Montreal blood. Walang duda. This lad is his.
Nanlaki ang mga mata ni Pamela nang masilayan ang mukha ng lalaking bagong dating. Wala sa hinagap na magkukrus pang muli ang mga landas nila. At lalong hindi niya akalaing ito ang mag-ari ng mansion na pinagtatrabahuan niya.
Pagkatapos niyang bayaran ang utang sa tiyahin noon at umalis siya sa poder nito at naghanap ng mapapasukang trabaho. Two hundred thousand pesos ang isinulat niya sa tseke at nilabas sa bangko noon. Ang tira sa pinambayad sa utang ay ipinadala niyang lahat sa pamilya.
Tinanggap siya ni Manang Loring bilang katulong sa mansion at ang sabi noo'y nasa America ang amo. Magdadalawang buwan siya sa mansion nang malaman niyang buntis siya. Imbes na pauwiin sa kanila ay kinupkop siya ng matanda. Tinulungan hanggang maipanganak niya si Tate.
"Oh, Pamela, halika at ipapakilala kita kay Jet."
Atubili siyang lumapit. Ang totoo'y gusto niyang maglaho muna sa harap ng lalaki.
"Jet hijo, siya ang sinasabi kong pumalit kay Melba at ito ang anak niya, si Tate."
Matiim siyang tinitigan ni Jet, sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagrigudon ang puso niya. Kapwa walang namutawing salita sa kanila ng lalaki.
Pagkatapos ay lumuhod ito at kinarga si Tate.
"How are you, 'lil guy? I'm Jethro Miguel Montreal. Ikaw?" Kapansin-pansin ang pag-ulap ng kaniyang mga mata. Parang nagpipigil ng matinding emosyon.
"Ako si Tate Miguel Mendoza. Mommy ko si Pamela Mendoza. Hardinero ninyo ako rito, big boss." Tantiya niya'y nasa tatlong taong gulang na ito pero matatas nang magsalita.
Oh, no, baby. You're the second master in this mansion. Ngumiti siya sa bata at hinalikan sa pisngi. Mahigpit niya itong niyakap, puno ng panababik.
"You are not just a gardener here, 'lil guy. You're the boss."
"'lil boss? Opo. Ako ang naging boss habang wala kayo, big boss. Ngayon handa na akong ibalik sa inyo ang puwesto."
He chuckled. His eyes watered. Ibinaba niya ito at hinarap si Pamela.
"We need to talk, Lady."
Napasinghap si Pamela pero wala na siyang nagawa nang hilain siya ni Jet papasok sa mansion.
"Yaya, paki-bantayan muna si Tate." paki-usap nito sa nalilitong matanda bago pa sila makapanhik.
Nanlamig siya nang makapasok sa loob ng silid ng binata. Sa tagal niya sa mansio'y ngayon pa lamang siya mapadpad sa loob ng silid na ito. Si manang Loring lang ang naglilinis dito at hindi raw gusto ng mag-ari na may basta papasok sa silid.
Saka pa lamang nito binitiwan ang kamay niya nang mai-lock ang pinto.
"What a small world, Pamela." Muli siya nitong sinuyod ng malagkit na tingin. Ginapangan siya ng isang pamilyar na init sa ginawa nito. Three years ago nang maramdaman niya ang init na iyon. Sa maling Mr. Tanaka. Sa lalaking nakauna sa kaniya---ang lalaking nasa harapan niya mismo ngayon.
Hindi niya matagpuan ang kaniyang boses. Paano ba niya ito haharapin ngayon? Hindi niya napaghandaan ang oras na ito.
"The high class w***e I paid for a night three years ago is now my housemaid and a mother."
Whore?
Nagpanting ang tainga niya sa marinig. Gusto niyang itama iyon pero para saan? Hindi ba't iyon naman talaga siya nang gabing iyon? Ang mali lang ay hindi ang talagang target ang napagbentahan ng sarili.
"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin, Jethro? Hindi ako dapat narito sa silid mo." I'm not what you think. Iyon ang gusto niyang sabihin pero iba ang lumabas sa kaniyang bibig.
"I'm giving you permission to come in my room, Lady."
"Pamela ang pangalan ko."
He smirked. Pagkuwa'y sumeryoso. Pinakatitigan siya. "Si Tate. He is mine, right?"
Napaurong siya. Pinanlambutan ng mga tuhod at pinanlamigan ng mga palad. Mas lalong ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mangyayari ito. If she'll deny Tate, paano kung maghamon itong ipa-DNA? And what's the point of lying kung si Tate ang younger version ni Jethro? Mula hibla ng buhok hanggang dulo ng kuko ng anak, hindi niya puwedeng ikailang kaniya ito.
"N-nagkamali ako ng silid na pinasukan. I was drugged at hindi ko sinasadyang magbunga ang gabing iyon." Nakumpirma niyang nilagayan ng tiyahin ng drugs ang ibinigay nito sa kaniyang inumin nang araw na umalis siya sa pamamahay nito. Nagalit ito at nadulas ang dila.
"So I was the wrong target, huh." He estated.
Tumango siya.
"I want a custody on my son, Pamela.
Napasinghap siya. Afraid of what he'll do. Hindi niya kayang mawala sa kaniya si Tate.
"Hindi ko siya kukunin sa iyo. Pero hindi mo rin siya puwedeng ilayo sa akin. And I want him to carry my name."
Para siyang de remote na naging sunod-sunuran sa gusto ni Jethro. Alang-alang sa anak, gagawin niya ang lahat.
Ipinakilala niya si Jethro kay Tate na ito ang ama niya. Lukso ng dugo, mabilis na nagkasundo ang dalawa.