KABANATA 2

1807 Words
ELORA / ZELIA P.O.V Pilit kong hinihila ang suot kung palda na subrang ikli. Pababa ako ng hagdanan ngayon dahil sabi nila may klase daw ako. Tangina naman para akong bruskong lalaki na naglalakad tapos nakasuot lang ng palda kulang na lang pag yumuko ako masisilipan na ako sa pwet. Makinis pa naman ang babaing ito. Niluwagan ko ang suot kong necktie habang tinupe ko ang long sleeve na pulo sa dalawang braso ko. Imbis na black shoes pang uniform ang suotin ko ay nagsuot na lang ako ng white rubber shoes na nakita ko sa kwarto ng katawan na ito. "Bye everyone!" kinawayan ko ang mga maids ng makalabas ako. May kotsing black na bunggang bungga ang nag hihintay sa'kin sa labas. At ang driver ay naghihintay sa'kin sa labas ng kotse. "Madam please come in," binuksan niya ang pintuan ng kotse at ang masasabi ko lang ay grabe ang bungga talaga. Nilagay ko sa gilid ko ang bag pack ko at umupo na parang lalaki naka sickling naman ako kaya okay lang. "Manong driver, sa tingin mo maganda ang school ko?" Madaldal na tanong ko kay manong at nasa labas ng kotse ang tingin ko. Hindi ako pamilyar sa lugar eh. "Opo madam," matipid na sagot nito sa'kin. "Kung ganon, marami ba akong kaibigan?" tanong ko pa mukhang hindi ako mauubusan ng mga tanong pero hayaan na nga kaysa naman maging abnormal ako pagdating ko sa school wala akong kaalam alam pa naman sa buhay ng babaing ito. "At mabait ba ako sa school?" Sunod sunod kong tanong kay manong driver. "Madam, hindi ko po alam hinahatid ko lang kayo kaya hindi ko alam kung anong nangyayari duon sa loob ng school mo." Napakamot pa ng ulo si manong driver dahil sa mga tanong ko. "Manong huwag mo na akong tawaging madam matanda kana po ibig sabihin dapat ako ang gumalang sa inyo." Sabi ko rito at pinag laruan ang seatbelt. "Sige hija," hindi ko alam kung pilit lang ba iyon or ano nag kibit balikat na lang ako sa kanya. Sa buong biyahe ay halos marendi na sa'kin si Manong dahil kinantahan ko ito at iba iba ang lyrics ng kanta ko. Hindi lang iyon naging makulit rin ako at halos walang kwentang tanong natanong ko na. Mabuti na lang at nakarating agad kami sa swelahan. Malaking gate ng university ang bumungad sa'min. Hindi ko na pinapasok su manong at nag paiwan na ako sa gate. Para akong siga na naglakad papasok ng gate habang nakasukbit sa kanang kamay ko ang bag pack ko at nakasuksok sa kabilang bulsa ng palda ko ang isa kong kamay. Pagpasok ko ay nagningning ang mga mata ko dahil subrang daming Chickssss, ang puputi ng mga legs nila. Mukhang maganda ang pananatili ko rito. Magana akong nag lakad at kinikindatan ang mga babaing nadadaanan ko. Pero isang ngiwi lang ang natatanggap ko bilang kapalit. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang huminto sa harapan ko ang limang lalaki. Mukhang mga badboy ang dating nako hindi uubra sa'kin ang mga mukha nila. May panyo pa sila sa nuo na parang mga tanga. "Oii! mga pre anong atin?" Tanong ko sa kanila. "Zelia, mabuti naman at pumasok kana. Flowers for you." Hindi ko napansin na may dala pala silang bulaklak. "Pre pasensiya na, di tayo talo, nilagpasan ko sila at tinapik ko pa ang balikat ng nangunguna sa kanila na nag abot sa'kin ng bulaklak. Hindi pa ako nakakalayo ng may biglang nagsisigaw ng pangalan ko. "Baby Zelia!" Paulit ulit iyon kaya napatigil ako sa paglalakad at hinanap ang tumawag sa'kin nu'n. "Saan iyon?" tanong ko sa sarili ko at nilibot ang buong tingin sa palagid hanggang sa tumigil sa isang napaka-gwapong lalaki na tumatakbo paounta sa'kin. Hindi lang iyon dahil kapansin pansin ang dala niya g teddy bear. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinintay na makalapit ito pero dinambahan niya ako ng yakap. "Patay! mapapahiya na naman ang childish na lalaking iyan!" "Nako po! hindi na talaga natuto 'yang si Augustus, isip bata parin, bakit ba naka pag proceed pa iyan sa college," "Mukhang, makakatikim na naman iyan ng sampal kay Zelia the b***h of this university!" "Hay nako!" Ang dami nilang bulongan na kinataka ko. Bakit sinasabi nilang sasampalin ko ang lalaking ito at b***h daw ako ng university. Nako naman mukhang mainit ang tingin nila sa bruhang katawan na ito. "Baby...." hindi ko alam pero biglang lumabas sa bibig ko iyon at subrang lambing ng pagkakasabi ko nu'n narinig ko rin ang pag singhap ng lahat at tela dumaan si lord dahil sa subrang tahimik. Mukhang pina-process pa nila ang narinig nila galing sa'kin. "Narinig niyo iyon?" "Hindi ako bingi, rinig na rinig ko!" "Damn! ang lambing ng boses niya nakaka himatay!" "Wow! ang swerte ni Augustus!" Bulong bulungan nila ng ma-process na nila ang sinabi ko. Ito naman lalaking nakayakap pa sa'kin ay biglang lumayo sa'kin ng kaunti at tiningnan ako ng innocenting mga mata niya habang yakap ang teddy bear nito. Opposite ang outfit niya sa'kin. Kung ako mala astig na outfit kahit naka uniform sa kanya naman ang badoy sayang ang gwapo niyang mukha para siyang bata. Pero hindi ko ipagkakailang ang ganda ng pangangatawan niya dahil pinalandas ko ang mga mata ko sa kanya mula paa hanggang ulo niya. Perpekto ang pagkakagawa ng mukha niya. Mukhang wala naman problema sa kanya kung hindi lang ang pag uugali niya na sinasabi nilang isip bata. "Baby damulag, kumusta ka?" Kahit hindi ko siya kilala ay sinabi ko iyon. Damulag na ang itatawag ko sa kanya dahil mukhang bagay naman sa kanya. "Halika ituro mo sa'kin ang cafeteria, kakain lang si ako." Inakbayan ko pa ito at pinalakad na. "Bakit ata ang tahimik ng baby damulag ko?" Tanong ko pa dahil ang tahimik niya wala na ang masayang aura niya kanina ng tawagin niya ako ng pagkalakas lakas. "H-hindi kana ba galit sa'kin?" Napatigil kaming dalawa sa paglalakad dahil sa tanong niya sa'kin. "Bakit naman ako magagalit?" Malumanay kong tanong sa kanya. "Dahil lagi akong nakadikit sayo..." nakanguso niyang sagot sa'kin na kinatawa ko. Uma-alingawngaw ang tawa ko sa mga studyante rito. Ang iba napapatigil at nakangiting nakatingin sa'kin na para bang ito ang kauna-unahang tumawa ako ng dahil sa maliit na bagay lang. "Baby damulag naman! Walang problema kung dumikit kapa sa'kin o kaya matulog ka katabi ko, hindi kita gagahasain..." natatawang sabi ko rito at inakbayan ulit ito bago naglakad ulit. "Nasaan pala ang cafeteria?" Tanong ko sa kanya hindi siya nagsalita subalit tinuro niya sa'kin ang daan. Nang makarating kami roon ay para akong abnormal na pinagmasdan ang buong paligid ang lawak parang pang korean na style subrang ganda. "Nako kahit dito na lang ako lagi sa school, mukhang mabubuhay naman ako rito," Sabi ko. "Tara duon tayo," pinili ko ang magandang spot para sa'ming dalawa nitung baby damulag ko. "Baby damulag anong gusto mo lebre ko na, ako narin ang oorder," tinaas baba ko pa ang kilay ko habang naka ngiti sa kanya na parang nagmamayabang na mayaman ako kaya kong bayaran lahat. May credit card kasi akong nakita sa wallet ng babaing ito at madami iyon kaya alam kong maraming laman iyon. "Yung paborito ko." Nakanguso niya sabi sa'kin. "Hindi ko naman alam paborito mo eh," sagot ko sa kanya. "Lasagna at gatas," napatango tango naman ako. "Okay noted well!" sumaludo pa ako sa kanya bago tumayo at pumunta sa counter. "Isang lasagna at gatas tapos dalawang cup ng kanin, hotdog, egg at juice." Order ko sa tendira. Para naman siyang nagulat sa order ko pero hindi ko na pinansin iyon. Hindi kasi ako nag breakfast sa bahay kaya dito na lang ako kakain mukhang mas masarap pa ang pagkain nila rito. Hinintay ko ang order ko ng ilang menuto at na serve nila iyon sa'kin. Nagbayad muna ako bago buhatin ang isang tray pabalik sa lamesa namin ng baby damulag ko pero pag tingin ko sa kinaroroonan niya at nakita ko kung paano siya buhusan ng isang inomin at dahil pink ito. Nandilim bigla ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Mabigat ang bawat hakbang ko palapit sa lamesa namin. Pabagsak kong nilapag ang tray na dala ko at mas lalong nag init ang ulo ko ng makita kong nabuhos ang juice ko. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa baby damulag ko huh!" Sigaw ko sa kanilang tatlo. Ang mga babaing ito kahit magaganda pa sila baka mangudngod ko ang mukha nila sa iniduro dahil sa inis ko. "Hey, Zelia bakit tela galit na galit? kaibigan ka naman namin at hindi ba gustong gusto mong nakikita itung isip bata na ito na e bully namin?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko this bitches isali mo narin ang katawan na kinalalagyan ko. b***h nga talaga. "Umalis kayo sa harapan ko at hindi ko kayo kaibigan," nagtitimping sabi ko sa kanila dahil aabut hanggang lagit ang galit ko. Maliit lang ang pasensiya ko madali akong magalit. "Teka, ano bang nangyayari sayo? huwag mong sabihin na nahuhulog kana sa lalaking ito? bumababa ata ang standard na meron ang isang Cojuangco." Nang-aasar na sabi pa ng isa. Masasabi kong para silang galing sa isang club dahil sa mga ikli ng palda nila. Mas maikli pa sa suot kong palda. "Huwag niyo akong ginagalit, hindi niyo gugustuhing magalit ang isang Cojuangco." Puno ng pagbabanta kong sabi sa kanila. Nakita ko kung paano dumaan ang takot sa mga mata nila at ang pag atras nila ng dalawang hakbang. "Lumayas kayo sa harapan ko." Hindi sila sumagot at tahimik na nag unahan umalis. May takot pala sila sa'kin mabuti na lang dahil kung hindi sila umalis makakatikim sila ng tig iisang suntok sa'kin. Nang makaalis sila ay tumabi ako ng upo kay Damulag. At kinuha ang panso ko sa bulsa. "Sinampal mo sana sila isa-isa." Sabi ko sa kanya habang pinunasan ang basa nuyang buhok na mukhang lumagkit dahil sa binuhos sa kanya ng nga bruhang iyon. "Magagalit ka..." bulong niya habang naka yuko. Hinawakan mo ang ulo niya at inangat. "Hindi ako magagalit, promise." Nakita ko ang pamumula ng tenga sa hindi malamang dahilan. "Kain muna tayo tapos maligo ka siguro naman may lockers sa school na ito." Sabi ko pa ng matapos kong punasan ang ulo niya pang samantala. "Sasamahan kita pagkatapos ay sabay tayong papasok sa classroom kahit late na." Tumango tango naman ito na parang bata sa'kin. "Here, nakuha ko na ang favorite mong lasagna." Nolapag ko sa harapan niya ang lasagna niya at ang gatas niya. Mabuti na lang hindi natapon iyon kanina. Kumain narin ako dahil gutom nanga talaga ako. Hindi ata ako mabubuhay kung walang breakfast. Iba kasi ako hindi ako katulad ng iba na nasanay sa hindi pagkain ng breakfast. Nakita kong ganado itung kumakain na nagpangiti sa'kin. This man ang cute niyang pagmasdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD