THIRD PERSON P.O.V Sa isang ospital na tahimik maliban sa mga tunog ng mga makina at banayad na hakbang ng mga nars, isang babae ang nagising mula sa isang buwang pagkakahimlay. Bumukas ang mga mata ni Zelia, ngunit agad siyang nalito. Hindi ito ang kanyang kwarto. Sa paglingon niya sa kanyang katawan, nakita niya ang iba't ibang mga tattoo na bumabalot dito—isang bagay na hindi kailanman magagawa ng totoong Zelia, na kilalang maarte at brat. Napansin ni Zelia ang isang babae na naroon sa loob ng ospital, na tila nag-aalaga sa katawan na kanyang sinilungan ngayon. Bago pa man siya makapagtanong, narinig niya ang sigaw ng babae. “Oii gising ka na, Elora!” sabi ng kaibigan na may halong tuwa at gulat. Nagulat si Zelia. Sino si Elora? Bakit tinatawag siyang Elora? Hinawakan niya ang kanya