CHAPTER ONE WHO IS MARICAR?

1028 Words
"PANDESAL KAYO D'YANNNNNNN!" sigaw ng batang nagtitinda ng pandesal ang gumising kay Maricar. Mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napabalikwas siya ng bangon sa kabila ng antok at puyat na nararamdaman. Hihikab hikab siyang sumilip sa giwang ng bintana sa tabi ng papag niyang higaan. "Tanghali na pala kaya pala ang mga tsismosa nasa labas na." Gigil na bulong ni Maricar sa sarili. Sa nakitang tanawin sa labas ng munti niyang bahay sa masikip na bahagi ng Tondo,Manila. Pupungas pungas siyang naglakad papunta sa maliit niyang kusina na tanging dilaw na kurtina lang ang nakatabing mula sa maliit niyang sala. "Naglasing ka na naman pala Maricar." Patuloy na pakikipag-usap ni Maricar sa sarili. Sa nakitang ilang bote ng Red horse sa ibabaw ng plastic niyang lamesita. Napataas kilay siya ng matuon ang pansin sa pagkain niyang walang takip ng kahit na ano sa may lababo niya. Napabuntong hininga siya sa naalala. 'Oo nga pala.' Aniya sa isip. Sa sobra niya sigurong kalasingan nakalimutan niya ng iligpit ang dalang adobong pusit nagdaang gabi mula sa raket na pinagtratrabahuhan niya. Wala sa sariling inamoy niya ang sarili. Amoy yosi pa pala siya ni hindi niya na nagawang magpalit pagkauwi. Napaismid siya sa naisip. "You're so gross, Maricar." May halong pandidiring bulong niya sa sarili. Matapos muling pakawalan ang mahabang buntong hininga. Nagsimula na siyang mag-ayos ng bahay niya mula sa mga bote na nakakalat na nilagay niya sa isang plastik at tinabi sa gilid. Agad niyang pinunasan ang lamiseta niya. Pagkatapos binigyang pansin ang marumi niyang lababo na iilang araw na yatang hindi niya nalinis dahil sa mga tuyong kanin na nasa pinggan pa. "Hay naku! Wala ka na kasing inintindi kundi maglasing at kong ano ano pa." Kastigo niya sa sarili ng magsimulang hugasan ang mga plato niya. Napangiwi siya ng maalala ang raket nagdaang gabi lalo na ng sumagi sa isip niya ang nag-alok sa kaniya ng hotel service. "Akala niya sa akin p****k?" galit niyang angil habang sa isip niya pinagsampal sampal niya ang mukha ng lalaking nag alok sa kaniya ng hindi naman sakop ng trabaho niya sa isang Bar sa kahabaan ng Pasay. Muli siyang napabuntong hininga pinagpatuloy ang ginagawa matapos itapon ang adobong pusit na sobra niyang pinanghihiyangan. PASADO alas onse na ng matapos ni Maricar linisin ang paligid niya. Muli siyang pumasok sa munti niyang silid na ang tanging laman ang siyang maliit na tokador na nilalagyan niya ng mga damit niyang pambahay at panlakad. "This life is miserable." Atungal niya sa sarili. Ngunit ang inis niya ay biglang napawi ng napatingin siya sa maliit na salamin na lagi niyang dala kahit saan man siya magpunta. "Mabuti nalang napakaganda mo Maricar." Nakangiti niyang kausap sa sariling repleksyon niya sa salamin. Ngunit ang malaki niyang ngiti agad napawi ng maalala sa t'wina ang totoo niyang pangalan Maricar Sawimpalad na walang pinagkaiba sa buhay na mayroon siya sa tadhanang nakatadhana sa kaniya ang pagiging sawim palad na tunay. Inis niyang binalik sa maliit na pouch niya ang salamin. Pagod na hiniga niya ang sarili. Natuon ang buong pansin sa kisame na tanging ilaw lamang na mumurahin ang siyang naging palamuti. "Bakit ba pinanganak akong mahirap? Bakit hindi nalang ako naging mayaman?" Malungkot niyang tanong sa sarili na 'di namalayan ang ilang butil ng luhang kumuwala sa mga mata niya sa naisip na sitwasyon ng buhay na mayroon siya. Pumikit siyang mariin sunod-sunod na napalunok. Pinahid ng sariling palad ang mga luhang pasaway na nagbagsakan. Humigit siya ng sariling hininga muling bumangon binalingan ng tingin ang pink na tuwalya nagpasyang maligo. Kailangan niyang kumilos at hindi pweding magsenti may mga raket pa siyang kailangan siputin kabilang na ang maging eskort sa isang prestigious golf club na tinanggap niyang trabaho sa isang matandang mayaman na sasamahan niya sa laro nito. ILANG beses ng napabuntong hininga si Don Joaquin Esteban dahil sa wala pa rin ang babaeng inaasahan niyang makakasama sa laro niya ng hapong 'yon. Ilang beses na rin siyang napatingin sa mamahaling Rolex na relong pambisig. Halos isang oras na itong huli sa usapan nila mula ng tinanggap nito ang trabaho sa isang baklang agent sa isang escort agency. "Don nandito na po siya," bulong ng isa sa mga security guard ni Don Joaquin na ang tinutukoy ay ang babaeng napili niyang makasama ng araw na 'yon. Lihim na pinagmasdan ng Don ang babaeng pinalibutan ng ilang mga tauhan niya. Sinipat niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Maganda ito may mapupungay na mga mata, matangos na ilong at may manipis na labi kasama pa ang mahabang tuwid na hanggang balikat na buhok nito na nagbigay ng kakaibang ganda sa dalagang sa unang tingin hindi mo aakalain na sa ganoong trabaho. "Magandang araw sir, sorry traffic." Maiksing paliwanang nito ng tingnan ito ng Don na nagtatanong. Sinipat niya ang suot nitong naka white plain shirt fitted jeans na tinernuhan ng itim na boots. "Forgiven," maiksing tugon ni Don Joaquin sa dalagang kanina lang hinihintay niya ng matagal. Hinawakan niya ang mamahalin niyang baston sabay taas ito at tinuro ang kanang bahagi ng isang lugar kong saan sinasabi nitong umalis na ang mga tauhan niya at iwan sila ng dalagang kailangan niya ng araw na 'yon. "Joaquin Esteban, and you are?" Maagap na tiningnan ng dalaga ang palad nitong nakalahad sa harap niya ng Ginoong may kakaibang ngiti pinagkaloob sa kaniya. Inikot niya ang tingin sa paligid. Mamahalin ang mga kotseng kanina lang nakita niya sa labas pagkababa sa isang Grab car na nagdala sa kaniya doon. Natuon ang pansin niya sa mamahaling Rolex nitong suot. 'Bigtime' sigaw ng isip niya. Muli niyang tinaas ang tingin sa mukha ng Ginoo sa kabila ng edad nito kapansin pansin pa rin ang tindig at gwapong mukha nito "Marie, Marie Antonio." Pagpapakilala niya sabay tanggap sa palad ng Ginoong nanatiling nakalahad sa harap niya. Naramdaman niya ang pagpisil ng Don sa palad niya. Sa uri ng trabahong meron siya alam na alam niya na ang ibig nitong ipahiwatig. Ang nais nitong mangyari ay alam na alam na ni Maricar na nagpapanggap na Marie sa mababaw na uring trabaho niya ang pagiging eskorte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD