K 2 Sino si Sebatian at Santiago?

1129 Words
"BASTARD!" Sigaw ni Santi ang pumailanlang sa buong kabahayan matapos makausap ang asawa sa kabilang linya. Kasalukuyan itong nakabase sa Japan. Dalawang taon na silang kasal ng asawa niyang si Leah. Ngunit hindi pa rin sila napagbibigyan ng anak. Kong kaya't mas pinili nitong tumira sa Japan, magtrabaho sa isang sikat na Magazine na kilala sa buong mundo. Nagpasyang lumabas ng silid niya si Santiago or kilala bilang si Santi. Sa labas o sa loob ng Villa Enriquez sa Pampanga. Napatingin siya s relong pambisig pasado ala una na ng madaling araw. Pagtataka ang naramdaman niya ng napadaan siya sa silid ng kapatid niyang si Sebastian. Tila may naulinigan siyang himig sa sariling silid nito. "Nagdala na naman ng babae ang gago!" Galit na bulong ni Santi sa sarili para sa nakababatang kapatid na si Baste. Bumaba siya sa unang palapag ng bahay nila. Balak niyang maglunoy sa malaking bahagi ng swimming pool nila. Kailangan niyang lumamig ang ulo niya sa init na ulong nararamdaman kay Leah maging kay Sebastian. Idagdag pa ang inis na nararamdaman sa ama nilang si Don Joaquin na magdamag na naman itong hindi umuwi. Napabuntong hininga siya para sa mga taong nagbibigay sakit ng ulo sa kaniya. "ANG SARAP MO JESSICA!" bulong ni Sebastian sa babaeng dinala niya sa bahay nila habang nasa Amerika ang tunay na asawa. "Hey! Hindi Jessica ang pangalan ko. I'm Crystal!" Galit na bulyaw nito sa kaniya. Tinanggal sa pagkakayakap ang bisig ng lasing na lalaking nakayapos sa kaniya. Matapos magkamali sa pangalan na binanggit nito. "I don't care about your name, baby! Basta you did great. Thankyou." Suminghap ng hangin ang babaeng nangangalang Crystal habang pinagmamasdan ang lalaking tuluyan ng ginupo ng antok matapos nila pagsaluhan ang isang hiram na sandali. "Mabuti nalang gwapo ka kaya pwedi na," nakangiting bulong ni Crystal sa sarili. Tumayo siya't nagpasyang ayusin ang sarili. Tumuloy siya sa magarang banyo ng lalaking kasalo niya buong magdamag. "Mabuti nalang nauna ako kay Maricar!" Natatawang bulong nito sa sarili. Tukoy sa kaibigan niyang sumama sa mayamang Don sa serbisyong kailangan nito kay Maricar. "Kailangan ko ng umalis sapat na 'tong sampong libo para ipagamot ang anak ko," kausap ng babae sa sarili habang pinagmamasdan ang natutulog na si Sebastian. Wala sa sariling napatingin siya sa singsing nito sa unan kong saan pinatong nito kanina matapos tanggalin ng may nangyari sa kanilang dalawa. Napalingon siya sa paligid sinisigurong walang kahit na sinong tao ang nandoon. Napalunok siya may kabang dinampot ang kumikinang na singsing. Malakas ang loob niyang wedding ring ito ng lalaki. Napalunok si Crystal. "Kahit marumi 'tong trabaho natin. Tandaan mo h'wag na huwag kang magdadagdag ng kasalanan." Sa t'wina narinig ni Crystal na mahigpit na bilin sa kaniya noon ni Maricar. Muli niyang binalik ang singsing sa unan nito. Kinapkap niya ang bulsa ng pantalon niyang maong kinuha ang Cellphone niya. Napangiti siya sa naisip na kunan ng larawan ang lalaki para ipakita niya kay Maricar, na alam niyang matutuwa kong gaano kagandang lalaki ang nagsalba sa pagpapagamot niya sa anak niya. "Maraming salamat, Sebastian. Hanggang sa huling pagkikita natin." Huling bulong ni Crystal sa sarili bago tuluyang iwan ang silid nito makaalis na sa bahay nito tulad ng usapan nila. "MARICAR! MARICAR!" Pupungas-pungas na gumising si Maricar sa boses na nagmumula sa tabi niya. "Ang aga mo naman," reklamo ni Maricar sa kaibigang si Crystal. Base sa suot nito alam niyang wala pang bihis ang dalaga mula sa raket nito nagdaang gabi. "Kamusta lakad mo?" narinig niyang tanong ni Crystal nang tuluyan ng nagisiv si Maricar habang nanatiling nakahiga sa maliit nitong higaan na sapat lang para sa iisang tao. "O-okey naman. Ikaw? Kamusta lakad mo?" balik tanong Maricar sa kaibigan. Tumayo ito inayos ang damit niyang nasa lapag na 'di niya na nakuhang iligpit sa pagod na naramdaman sa raket niya kay Don Joaquin. "Magkwento ka naman." Aniya nito sa kaniya. Umayos siya ng pagkakaupo binato nito sa kaniya ang tuwalya niya ng makitang naka bra at panty lang siya ng tanggalin niya ang kumot na nagsilbing tabon niya sa katawan. "Hindi naman siya D.O.M," maikling tugon ni Maricar kay Crystal habang nakaupo na ito sa tabi niya paharap sa kaniya. "Tiba tiba ba?" tanong nitong nakangiti. Tinutukoy ang kinita niyang binayad ni Don Joaquin sa kaniya. "Sapat na para ipambayad kay aleng mimamg ngayong buwan." Tipid niyang sagot sa kaibigan. Ngumiti ito sa kaniya ganoon din siya dito. Ilang sandali may nilabas itong dalawang libo sa maliit na bag nitong bigay niya nagdaang pasko. "Para sa'yo," Abot ni Crystal kay Maricar. Napatingin si Maricar dito nagtatanong ang mga mata. "Ano 'to?" Tukoy niya sa perang inabot nito sa kaniya. Muling ngumiti si Crystal sa harap niya. "Sinewerte ako kagabi naka kinse mil rin." Pagsisinungaling ni Crystal sa kaibigan dahil ang totoo dyes mil lang ang nakuha niyang bayad mula sa lalaking si Sebastian nagdaang gabi. Ngunit kailangan niyang magsinungaling sa kaibigan dahil malamang hindi nito tatanggapin ang perang binibigay niya dito pag sinabi niya ang totoo. "Crystal mas kailangan mo 'to para kay Chabby." May pag aalalang sabi ni Maricar sa kaibigan niya. Muling binigay ni Crystal ang pera dito nilagay sa palad nito pinakuom. "Kailangan mo rin 'to. Dagdag sa perang tinatabi mo para makaalis ka na sa lugar na 'to, Maricar." Pagpipilitan ni Crystal sa kaibigang si Maricar. Humigit ito ng sariling hininga muling napangiti sa harap ng kaibigan. Bukod sa sarili niya si Crystal lang ang nag-iisang taong naiwan sa kaniya. "Gwapo ba?" biro niyang tanong sa kaibigan. Nakitaan niya ito ng kilig ng may hinahanap sa Cellphone nito. "Bukod sa galante siya. Ang yummy at ang hot niya prend," sagot ni Crystal kay Maricar. Sabay pakita ng picture ni Sebastian na lihim niyang kinunan. Napakunot-nuo si Maricar. Hindi siya pweding magkamali pamilyar sa kaniya ang lalaking nakasama ni Crystal nagdaang gabi. "Ano pangalan niya?" tanong ni Maricar dito. "Si Baste, Si Sebastian Enriquez." sagot ni Crystal sa kaniya. Lihim siyang napalunok ng tuyong laway ng makumpirmang ang lalaki nga ang nakita niyang may malaking potray sa bahay ng Ginoong nagdala sa kaniya nagdaang gabi. Muli niyang sinulyapan ang larawan nitong natutulog. Ang tadhana nga naman ang lalaking kasama ni Crystal ay siyang anak ni Don Joaquin na nakasama niya kagabi. Ang Don na hindi siya pinakialaman dahil sa respeto nitong binigay sa kaniya sa kabila ng trabahong meron siya. Trabahong binibenta ang dangal para mabuhay sa mundong mapaglaro at tadhanang mapait sa kanila ni Crystal. Muling natuon ang tingin niya sa mukha ng lalaking mahimbing na natutulog hindi mawaring nakasama ng kaibigan niyang si Crystal na malamang may ginawa ito sa kaibigan niya sa perang tinanggap nito mula dito. Comment naman po kong may nagbabasa kay Maricar..Thankyou po. Hehehe.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD