PROLOGUE

1791 Words
“Aray!” Napahiyaw si Tashi nang sumigid sa paa niya ang kirot. Sa pagmamadali niyang maisuot ang sapatos ay aksidenteng bumunggo ang binti niya sa kanto ng mesita sa kanyang harapan. Namimilipit siya sa sakit. Pinaghupa niya muna ang kirot bago nagpatuloy sa ginagawa. Gahol na siya sa oras. Wala nang panahon para indahin ang sakit. Unang araw ng trabaho niya at nangangamba siya na baka ma-late siya. Baka makalikha pa siya ng bad impression sa magiging amo niya. Kaya naman, halo-halo na ang emosyon sa dibdib- kaba, takot, excitement. Hinablot niya ang black tote bag na nakapatong sa sofa. Sinigurado niya munang naka-lock ang pinto at dala niya ang keycard ng condo unit na tinutuluyan at nakipag-unahan na sa paglula sa elevator. Ayaw niya sa pakiramdam na nakukulong sa loob ng elevator, pero kailangan niyang sanayin ang sarili sa magiging bagong pang-araw-araw na routine. Pagbaba niya sa building, naghihintay na si Marie sa kanya. “Masyado ba akong matagal?” nag-aalalang tanong niya sa babae. “You’re just on time. Lika na.” Pinasakay siya nito sa sasakyan at ilang saglit pa ay binaybay na nila ang daan patungo sa magiging bago niyang opisina. “Relax. Hindi istrikto si boss.” Paano ba siya magri-relax kung ni hindi pa niya kilala ang boss niya? Basta ang alam niya, may kalakihan ang kumpanyang papasukan niya dito sa mismong business district ng Makati. Kung gaano kalaki, ‘di na nag-elaborate si Marie. Pero sa naglalakahihan at nagtataasang mga gusaling nakikita niya ngayon, mahirap paniwalaan ang deskripsyon nito. “And besides, hindi mahirap ang maging secretary, ‘no?” Never in her wildest imagination na inasahan niyang magiging sekretarya. Matapos ang pautay-utay niyang pag-aaral sa kolehiyo, naburo na siya sa pagtatrabaho sa isang logistics company hanggang sa magsara ito. This woman seated beside her is a blessing. Kung hindi dahil dito, baka nangangapa pa rin siya hanggang ngayon sa paghahanap ng trabaho sa kanila. “Tashi, relax.” Tinapik pa ni Marie ang braso nya. “You’ll be okay.” Kinampante niya ang sarili, bumuga ng hangin at tumitig ng tuwid sa kalsada. Ilang taon din silang nanirahan dito sa lungsod noon, pero sa pagtira niya ng ilang taon sa probinsya, pakiramdam niya ay mangangapa siya ulit sa mas mabilis na takbo ng buhay na kailangan niyang sabayan ngayon. “The drive between the condo and the office is approximately thirty minutes, pwera na lang kung mabigat ang traffic,” si Marie habang tsinek ang traffic light sa intersection na hinintuan nila. “Hanggang kailan ba ako pwedeng manatili sa condo na ‘yon, Marie?” Natawa na naman si Marie. Marie is free-spirited. Worry niya lang na baka mas hahanap-hanapin ng amo ang pag-uugali ni Marie. Baka hindi siya magustuhan ng boss. Tahimik siya at kadalasang nangangapa sa mga bagong kakilala. “Kasama na ‘yon sa package ng trabaho mo, ‘no.” Ang generous naman pala ng boss. Sana nga mabait ito gaya ng sinabi ni Marie. ‘Yong dati pa naman niyang amo, ubod ng sungit. “Oh, here we are.” Iniliko ni Marie ang sasakyan sa isang kalsada papasok sa isang sa tingin niya ay paikot na driveway na patungo naman sa harapan ng isang matayog at modernong gusali. “Marie, dito talaga?” Tumaas lang ang kilay ni Marie. “What’s wrong kung ito nga ang magiging workplace mo?” Napatingin siya sa façade ng gusali. It was sleek. Modern ang architecture at malaking bahagi ang napapalibutan ng salamin. Malayong-malayo sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Kapansin-pansin ang TPI na nakapaskin sa isang bahagi ng building. It stood for Trans-Pacific Industries. “Ano, ayaw mo nang bumaba?” “Sorry.” Nagmamadali niyang tinanggal ang seatbelt at umibis ng sasakyan. Habang nakatitig ngayon sa mga empleyadong papasok sa building, natanong niya ang sarili kung okay lang ba ang kabuuang ayos niya. “Don’t worry, you look presentable. Modest but presentable.” While long sleeves na isinuksok sa may kaluwangang trousers at one-inch heeled shoes. Ang buhok niya ay nakatali sa nakasaayan niyang pony-tail. Walang anumang tikwas sa tuwid na tuwid niyang maitim at mahabang buhok. Kahit hindi nakasanayan, siniguardo niyang may kulay ang mga labi niya. Sana nga, presentable siya. “By the way, ‘yang ID card mo, siya na ring magsisilbing electronic gate pass mo.” Umagapay siya sa mabilis na paglalakad ni Marie hanggang sa makapasok sila sa revolving door. Kung maganda sa labas ag gusali, mas lalo pa sa loob. May malawak itong waiting area sa lobby. Sa isang bahagi niyon, may isang miniature design ng isang barko na naka-lock sa isang eskaparate. Napahinto siya sa paglalakad at napatitig doon na para bang wala na siyang ibang nakikita. Kasabay niyon ay ang tila pagbabago sa ritmo ng pintig ng puso niya. Bigla na lang sumigid ang kaba. That miniature ship reminded her of something…of someone in her past. “Good morning, Miss Marie!” Ang malakas na boses na bumati kay Marie ang umagaw sa kanyang atensyon. Para siyang nahugot sa malalim na panaginip. Habang nakikipagbatian si Marie sa kausap nito, malaya niya namang inilinga ang paningin sa paligid. Kinakabisado niya ang bawat sulok ng lugar na ito. “Masyado ba akong matabil?” “Sort of.” Nagkatawanan silang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalulan sa elevator. Sa loob ay panay ang bilin ni Marie sa kanya ng lahat ng mga bagay tungkol sa magiging boss niya. Tungkol sa paborito nitong restaurant, sa oras ng pagpasok at pag-uwi. Bits and pieces about her unknown boss na matiyaga niya namang in-input sa maliit niyang notebook. “Don’t bother writing all the notes in there. May iPad na i-issue sa’yo. Mas mabilis ‘yon at mukhang twenty-first century.” “Okay.” Itinago niya sa tote bag ang notebook at ballpen at tahimik na nakinig sa iba pang bilin ni Marie hanggang sa tumunog ang elevator, hudyat na na narating na nila ang destinasyon. Bumukas iyon at unang-unang tumambad sa mga mata niya ang magandang disenyo ng isang pader na kagaya sa lobby ay may naka-display na namang miniature boat. Tuloy ay mas kabado siya. Kapag nakakakita siya ng barko, lumilipad kaagad ang utak niya sa hindi naman masyadong malayong nakaraan. “Hey, halika na.” She was brought back to the present. “Tashi, hindi pwede ang kabado rito ha. Mabait si boss pero ayaw niyon ng tatanga-tanga.” Pigil-pigil ni Marie ang pagsaradong muli ng elevator door. Nakakahiya lang. She composed herself and stepped outside. Sa unang pag-apak niya pa lang sa makintab na sahig ay nalula na siya sa ganda ng paligid. Napahawak siya sa handle ng tote bag. Para yatang nasusuka siya sa kaba. Paano ba ang kumilos sa ganitong paligid? Mali yata talaga si marie, hindi lang basta may kalakihan ang kumpanyang paglilingkuran niya. “Ito ang penthouse. The entire floor is occupied by whoever sits as CEO. Pero si boss, hindi palaging naglalagi rito. In his own words, this place is superficial.” “Mababa ba ang loob niya?” “Kind of. Well, she works anywhere. Pwedeng sa condo niya, sa bahay, sa chopper o sa loob ng barko o jet. Depende kung nasaan siya. He is always on the go kaya dapat, hindi ka babagal-bagal.” Marie toured her to the entire floor. Iisang bahagi na lang ang hindi nila pinasok, ang pribadong silid ng amo. “And this would be your desk.” Tinapik-tapik ni Marie ang ibabaw ng desk na hinintuan nila. Malapit iyon sa private executive office ng boss. Maliis na iyon, wala nang kahit anong gamit ni Marie na naiwan. “Anong oras kaya siya darating, Marie? I mean, ang boss.” “Any minute from now.” Para na siyang maiihi na matatae. Hindi naman siya ganito kanerbyoso pero bakit parang ang buong sistema niya na yata ang naaalog? Para lang kasing iba ang pakiramdam na nakaapak siya sa floor na ito. Parang sinusuntok ng kaba ang dibdib niya. Nagpaalam siya kay Marie na magbanyo muna. Wala naman siyang ibang ginawa sa loob kundi ang bumuga ng hangin at pagkukuskusin ang mga palad. Namumutla na nga ang mga ‘yon. “Relax lang, Tashi. May mas challenging na mga eksena pa ng buhay mo ang nakaya mo kaysa sa humarap sa bago mong amo.” Isang malalim na hugot ng hangin at nagdesisyon siyang lumabas na. “She’s here already, Sir.” Naratnan niyang may kausap si Marie. Isang lalaking nakaupo sa gilid ng magiging desk niya at nakatalikod sa kanya. ‘Ito na ba ang magiging amo ko?’ Sa kabila ng kaba, nagawa niyang pag-aralan ang kabuuan nito mula sa likuran. Bagama’t nakaupo, alam niyang matangkad ito. Nakikita sa haba ng mga biyas. Inaasahan niyang nakasuot ito ng executive outfit pero naka-polo lang ito ng itim na tinupi hanggang siko. This man had a strong, muscular physique. Malinis ang gupit ng buhok at mukhang amoy malinis ito. Bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay nito na nakasuksok sa bulsa ng pants nito at ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya. IWC Portugieser. She wouldn’t forget that brand. Kahit na hindi niya kayang bilhin. “I like this one better than those with gold or silver straps.” Parang naririnig niya sa likod ng kanyang utak ang boses na iyon. Manly with its deep timbre and a subtle hint of playfulness that could charm and captivate everyone around him. Including her. Napatitig siyang lalo sa likuran ng lalaki. Ang paraan ng paghagod nito ng mga daliri sa clean-cut namang buhok. Ang lapad ng mga balikat, ang kisig… ‘No!’ Tinututulan ng utak niya ang hinalang nabuo sa isip. But then that familiar scent. Napatungo siya, napakagat sa labi habang mahigpit na nahawakan ang gilid ng kanyang damit. "Oh, here she is, Sir. My personal recommendation, Nastasha Maria Dizon. Hey, Tashi, come here and meet the boss." Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Napatotohanan ang hinala niya. She was locked eyes with those beautiful pair of eyes staring back at her. ‘Yong titig na parang nanunuot sa kaluluwa na nagpapaligalig sa puso niya. “Nastasha…” The man mumbled her name like it was meant not to be remembered. Nawala ang ngiti sa mukha ng lalaking nakatayo na pala ngayon at nakatitig sa kanya. “Tashi, meet Sir Waldorf Carvajal, your new boss.” Wade. This man used to be a significant part of her life. He wasn't exactly a lover or a friend, but they shared many passionate nights together. Paano ba ang aakto sa harapan nito ng propesyonal? Paano ba ang maging kaswal sa mga oras na kasama ito? Bakit sa lahat ito pa ang magiging amo niya? Of all people. The new boss was once almost her lover.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD