Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siyang ibalita sa akin kung ano iyong nakalap niya. “Your stepfather, he’s on the run,” sabi ni Gio na siyang ikinagulat ko. Napakurap-kurap pa ako habang nanlalaki ang aking mga mata. “B-Bakit?” nagtatakang tanong ko. Bakit siya nagtatago? Kanino siya nagtatago? “He sold you to Benedicto Daza, right? He paid half the price as down p*****t. Pero nang araw na kukunin ka na ni Benedicto at babayaran ang kulang pa nitong bayad sa stepfather mo, nalaman niya na nawawala ka. Tumakas ka sa stepfather mo, hindi ba? Kaya ka nga naandito,” nakangising pagbabalita ni Gio. Kakaiba ang ngisi niyang iyon, para bang natutuwa siya sa mga nangyayari. “Benedicto Daza was so f*****g mad he wants to kill your stepfather. Nagmakaawa lang ang stepfather mo na bigyan