SIMULA.

1681 Words
“Malayo pa ba tayo?” Naiinip na tanong ni Giovanni sa kanyang mga magulang. Ang sabi sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang ay pupunta raw sila sa isang isla upang magbakasyon. Sumilip si Gio sa bintana ng kanilang van at napakunot ang kanyang noo. Napapansin niya na ang pagsikat ng araw. “Nasa Pilipinas pa ba tayo?” Natawa naman ang kanyang ama at ina sa narinig mula sa anak na lalaki. “Oo naman. Malapit na tayo, Gio. Huwag kang mainip.” Sabi ni Santiago na siyang pangalan ng ama ni Gio. “Sleep, Gio.” Nilingon siya ng kanyang ina na nakaupo sa shotgun seat. “Pagkagising mo ay naandoon na tayo sa pupuntahan natin.” Napangiwi si Gio sa kanyang narinig. “Kanina niyo pa iyan sinasabi sa akin. Nakailang tulog na rin ako pero wala pa rin tayo sa pupuntahan natin. Baka sunod na pagmulat ko sa mga mata ko dahil sa susunod na pagtulog ko ay nasa langit na ako.” Pagbibiro ni Gio. Kunot noo naman siyang tiningnan ng ina habang natatawa ang kanyang ama na nagda-drive ng kanilang kotse. “You’re noisy, Gio! Sana pala ay nakapagdala ng tape para ipangtapal diyan sa bibig mo.” Naiinis na sabi ng kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Seraphine. Katabi niya kasi ito kaya naririnig nito ang bawat pag angal at pagrereklamo ng binata. “Nakikinig ka na nga lang sa boses ko ay nagrereklamo ka pa.” Tiningnan ni Gio ang kapatid at inasar ito. Agad namang napikon si Sera dahil sa ginagawang pang aasar sa kanya ng kapatid. Parang aso’t pusa si Sera at Gio. Kagaya ng ibang magkapatid ay lagi silang nagtatalo dahil sa maliit na bagay, kahit na madalas ay si Gio ang nananalo sa pagtatalo nila dahil unang napipikon si Sera. “Hey, stop fighting! Laging nalang kayong nag aaway na dalawa. Kahit mga walang katuturan na bagay ay pinagtatalunan niyo.” Suway sa kanila ng kanilang ina. Napailing ito bago muling tumingin sa harapan. Dumila si Gio sa kapatid at umirap lamang naman si Sera dahil dito. Tinawanan ni Gio ang reaksyon ng kanyang nakatatandang kapatid dahil alam niya na napikon na naman niya ito. Para kay Gio ay normal lang naman din ang mag away sila. Ang mahalaga ay hindi sila nagkakasakitan. “But seriously, Mom, saan ba tayo pupunta talaga? Saan sa Quezon Province? And why Quezon of all places?” Tanong ni Sera sa kanyang ina. “Umalis tayo ng bahay ay madilim pa at mukhang darating tayo kung saan mang parte ng mundo iyon ay tapos na ang long weekend.” Natatawang sabi ni Gio. Nagplano ang pamilya nila na magbakasyon, wala kasi silang pasok sa opisina at sa school dahil na rin sa long weekend. “Why Quezon? Dahil doon kami nagkakilala ng dad niyo. Isa pa, taga Quezon ako, remember? Ang tagal na rin simula nang huling beses akong nakauwi roon. Para ngang hindi ko pa kayo nadadala sa lugar kung saan ako lumaki.” Sambit ng kanilang ina. Tumingin ito sa kanyang mga anak bago muling ngumiti. “Isa pa, malapit na ang aming wedding anniversary. Gusto naming mag-celebrate.” Masayang dagdag pa ng kanilang ina. Napaismid naman si Gio dahil sa narinig. Para bang nandidiri siyang makarinig ng mga ganoong bagay. Si Sera naman ay napapalakpak sa tuwa. “How sweet!” Tila kinikilig na sabi ni Sera. “And dreamy, too. Sana ako rin ay makita ko na ang prince charming ko.” Nangangarap na sabi ni Sera na dahilan upang makakita na naman ng pagkakataon si Gio na asarin ang kapatid. “Prince charming? Walang prinsipe sa Pilipinas. Wala namang hari at reyna rito.” Alam ni Gio na irrelevant ang sinabi niya ngunit gusto niyang asarin lang ulit ang kapatid. Napawi ang ngiti ni Sera sa kanyang labi dahil sa narinig mula sa kapatid na lalaki. Tiningnan niya ng masama si Gio na ngayon ay may mapang asar nang ekspresyon sa mukha. “Alam mo ikaw—” hindi na natapos ang sasabihin ni Sera nang may magsalita sa likod nila. “Ang ingay niyo naman. Abot sa panaginip ko ang mga boses niyo. Nagising tuloy ako.” Nilingon nila Sera at Gio iyon at nakita nila ang kakagising lang nilang bunsong kapatid na si Sahara. Dahil doon ay natapos na rin ang pagtatalo ng magkapatid. Umayos nalang ng upo si Gio at nilapitan ang kanyang ama upang magtanong dito. “Dad, sigurado ka bang maraming chicks doon? Baka hindi ako mag enjoy, ha?” “Nako anak, marami. Magsawa ka sa kanila.” Natatawang sabi sa kanya ng kanyang ama. Natawa rin naman si Gio at bakas dito ang matinding kasiyahan. Tiningnan silang dalawa ng kanyang ina dahil sa pagbibiruan ng mag-ama. “Ikaw talaga, Santi! Tinuturuan mo iyang anak mo kaya lumalaking babaero.” Pagsuway niya sa kanyang mag-ama. Muling tumawa ang ama ni Gio. “Hayaan mo na hangga’t binata pa. Kaysa naman kung kailan kasal ay tsaka siya mambabae, hindi ba?” Nakangising sabi ni Santiago, ang ama nila Gio. “Oh my god! I can’t believe I’m hearing this from you, Dad. Your reason is so unacceptable, still. Kahit kailan hindi tama ang pambababae.” Reklamo ni Sera nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Natatawa nalang naman si Gio sa mga naririnig habang napapaisip na wala naman siyang balak magpakasal dahil hindi naman siya magkakagusto o magkakaroon ng seryosong relasyon “Ilang oras na tayong nagbabyahe?” Tanong ni Hara. Mukhang hindi kagaya kanina ay maayos na ang kondisyon nito, hindi na mainit ang ulo. “Almost two hours na. Traffic kasi sa Los Baños at Calamba kanina.” Sagot ng kanyang ama. “Nasa SLEX palang tayo.” Dagdag nito. Nanlaki ang mga mata ng tatlong magkakapatid at napataas ang kilay sa narinig. Dalawang oras na silang nagbabyahe pero nasa SLEX palang sila at bakit sila nasa SLEX? “SLEX? Bakit tayo nasa SLEX? Ang sabi niyo ay sa Quezon Province tayo pupunta? Bakit mukhang Quezon City pa ata?” Naguguluhang tanong ni Gio sa kanyang mga magulang “Oo nga, Dad. Hindi ba dapat ay Quezon Province? Why do we need to take SLEX?” Kagaya ni Gio ay naguguluhan din si Sera. Si Hara naman ay nanatiling tahimik sa likod at nag aabang nalang ng sagot “Yes. I forgot to mention that we need to go to Manila first. We will go to the island via jet.” Pagpapaliwanag ng kanilang ama na nagbigay kasagutan sa mga katanungan nila. “Huh? Why Manila?” Tanong ni Hara habang bahagyang nakakunot ang noo. “May kailangan tayong kitain sa Manila. May mga kasama tayong business partners. The Ibarra will be there, too.” Sabi ng kanilang ama bago tumingin saglit kay Gio. “Son, I want you to entertain Arturo Ibarra’s daughter. Ikaw na ang bahala sa kanya, okay?” Nagkibit balikat nalang si Gio sa sinabi ng kanyang ama. “Akala ko ay family vacation. May mga kasama palang iba.” Umirap si Sera sa hangin at nakahalukipkip na tiningnan ang bintana. “Gusto nilang pumunta ng island. Majority of them are members and the rest have recommendations from us kaya hindi na sila mahihirapan at napagdesisyunang magsabay-sabay nalang pagpunta sa isla.” Dagdag na paliwanag ng kanilang ama. Tumango nalang si Sera at hindi na nagsalita pa. Nang makalagpas sila sa traffic ay mabilis na ang naging byahe nila papuntang Manila. Dumiretso na sila sa lugar kung saan ang napag usapang lugar ng pagkikita-kita. Agad na binati nila Santiago at ng kanyang asawa ang mga kakilala. Si Gio at ang mga kapatid niya naman ay nakasunod lang sa kanilang mga magulang. Pasakay na sila ngayon sa pribadong jet na magdadala sa kanila sa pribadong isla na pupuntahan nila. Bakas sa mukha ni Sera ang kaligayahan habang si Hara naman ay excited man ngunit hindi niya masyadong ipinapahalata. Si Gio naman ay nakipag usap na rin sa mga kakilala niyang tao roon. Dahil sa siya na ang namamahala ng negosyo ay halos kakilala niya ang ibang kasama nila. Habang naghihintay sila Gio na makasakay sa jet ay napansin niya ang isang babae na katabi ng isang lalaking kausap ng kanyang ama. Tinawag siya ni Santiago at agad naman siyang pumunta roon. “This is Arturo Ibarra. Arturo, this is my son, Giovanni Benavidez.” Pagpapakilala ni Santiago sa anak. Nakipagkamay naman si Gio kay Arturo. Pinalapit ni Arturo iyong babae at ipinakilala rin sa kanila. “This is my daughter. Selina Araceli Ibarra. I hope that you two get along well.” Humalakhak pa si Arturo at si Santiago nang ipakilala ni Arturo ang kanyang anak. Nakipagkamay naman si Gio rito at ngumiti. “Nice meeting you, Selina.” Magalang na pagbati ni Gio bago halikan ang likod ng kamay ni Selina. Nakaramdam naman si Selina ng pag init ng kanyang pisngi. “N-Nice meeting you, Giovanni.” Nahihiyang sabi ng dalaga. Ngumiti si Gio kay Selina na siyang mas nagpapula at nagpainit ng kanyang pisngi. “Call me Gio.” Natulala si Selina sa narinig at tumango rin nang mabawi ang sarili mula sa pagkagulat. Matapos ang batian ay oras na upang sumakay sila sa jet. Naupo si Selina sa tabi ni Gio. Hindi naman iyon pinansin pa ni Gio. Nagsimula na ang kanilang byahe patungo sa naturang islang kanilang pupuntahan. Nakakausap ni Gio minsan si Selina. Dahil lamang sa maigsing paguusap na nagkaroon sa pagitan nila, nakakasigurado na siyang hindi niya tipo si Selina. Magkasing-edaran lang sila pero hindi si Selina iyong tipo niyang ide-date. Parang kapatid lang ang tingin niya rito na ibe-babysit niya sa isla. “Welcome to Balesin Island!” Sabay sabay na pagbati sa kanila nang makarating na sila sa isla at makalabas ng jet. Sa pag apak ni Gio sa buhangin ng isla na iyon, hindi niya inaakala na iyon na pala ang hudyat ng pagkasira at ang rason ng pagkabasag ng mga paniniwalang mayroon siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD