CHAPTER 11: LET'S HAVE A DEAL

2801 Words
“Brie, naubusan pala tayo ng patis. Makikisuyo naman diyan sa tindahan sa labas,” sabi sa akin ni Manang. Tumango ako sa kanya at kinuha iyon inaabot niyang pera. “Nako, Manang mamaya pala ay kailangan nating mag-grocery.” Iyon ang huling narinig kong pag-uusap sa kusina dahil umalis na ako roon. Nakaupo si Gio sa sofa nila sa living room. Napadaan ako roon kaya’t napatingin siya sa akin. Hindi ko naman siya pinansin kahit na napatingin siya sa akin nang mapadaan ako. Bakit ba niya ako tinitingnan? Akala ko talaga ay hindi niya ako guguluhin dahil iyon ang sinabi niya sa akin noong unang gabing umuwi siya rito at nadatnan niya ako sa guest room nila tapos ganito siya lagi? Lumabas na ako ng bahay at naglakad patungo sa malaki nilang gate. Ngumiti ako sa guard na nagbabantay dito nang pagbuksan niya ako. Naglakad naman ako patungong tindahan. Kinakabahan akong lumabas ng bahay dahil sa mga Daza. Natatakot ako na baka matunton na lang ako ni Don Benedicto rito at ni Tiyo Alfonso. Bumili ako ng patis kagaya ng ipinag-utos ni Manang. Hinintay ko lang naman iyong ibigay sa akin ng tindera. Habang naghihintay ay napatingin ako sa kung saan namin nakita nina Ella noon ang sasakyan ng mga Daza na ngayon ay may maluwag na daan dahil walang nakaparadang magagarang sasakyan. “Anong tinitingnan mo riyan?” Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Nilingon ko agad siya at binati siya ng kunot kong noo. Bakit ba siya naririto? “Anong ginagawa mo rito, Sir Gio?” Gusto ko man siyang sakalin dahil pakiramdam ko ay naandito siya para lamang sirain ang araw ko ay hindi ko magawa. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko na amo ko ang kaharap ko at hindi lamang kung sino. Nagkibit balikat si Gio at hindi sinagot ang aking katanungan. Inirapan ko na lang siya at hinayaan doon. Kinuha ko na iyong patis na ibinibigay sa akin ng tindera. Paalis na sana ako nang may dumaan na magagarang sasakyan sa harapan namin. Sinundan ko iyon ng tingin at napansin ko na tumigil iyon sa tapat ng lupain ng mga Daza. Para akong natuyuan ng laway sa lalamunan dahil sa kabang nararamdaman ko. Kaya’t hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at umalis na roon. Muntikan pa nga akong mabangga ng tricycle dahil sa pagmamadali kong bumalik sa loob ng bahay. Humingi ako ng paumanhin at tumakbo papasok sa malaking gate ng bahay ng mga Benavidez. Niluluwagan ko ang suot kong uniporme sa bandang leeg dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako ng kabang nararamdaman ko. Kailan ba ito matatapos? Kailan ba ako makakahinga nang maluwag? Alam ko sa oras na malaman ni Benedicto Daza o ng aking ama-amahan ang kinaroroonan ko ay hindi sila magdadalawang-isip na puntahan ako. “Manang, ito na po.” Pag-aabot ko kay Manang ng patis na binili ko. Ngumiti siya sa akin nang tiningnan niya ako ngunit agad din iyong naglaho. “Oh, anong nangayari sa ‘yo? Pawis na pawis ka, ah? Tsaka bakit namumutla ka? Okay ka lang ba?” sunod-sunod na tanong niya sa akin, may halong pag-aalala. Tinangka kong ngunit kahit na mukha lamang akong napipilitan sa ginawa kong iyon. “Okay lang po ako.” Tumalikod na ako sa kanya matapos iyon. Alam kong kapag nagtagal pa kami sa pag-uusap ni Manang ay malalaman niya talagang hindi maayos ang aking nararamdaman. Nanginginig ako. Just the thought of those two disgusting men knowing my location is enough to make me sick. Ayoko na lang isipin. Hangga’t maaari ay gusto kong kalimutan silang dalawa. Alam ko naman na kaya ako gusto ni Don Benedicto ay hindi dahil may nararamdaman itong sa akin. That’s bullshit. Kaya niya ako gustong makuha ay dahil gusto niya lamang akong maikama. Iniisip niya siguro na kapag naging pagmamay-ari na niya ako o ikinasal kami ay mawawalan na ako ng karapatang tumanggi sa kanya—which is also bullshit! Kahit pagmag-asawa kayo, kung ayaw ng isa na galawin mo siya, hindi mo dapat siya galawin. Isa pa, hindi ako magpapakasal sa hindi ko naman gusto. Kung hindi ko man makita ang lalaking para sa akin, e ‘di mamamatay akong dalaga! Nang matapos ako sa trabaho ko ay nagpaalam na muna ako kay Manang na magpapahinga lang kahit sandali. Pumayag naman siya. Nagtungo ako sa pangalawang palapag ng bahay at dumiretso sa aking kwarto. Panay ang buntong hininga ko habang nakaupo sa gilid ng aking kama at nakapatong sa magkabilang gilid ang aking mga kamay. Sa ngayon naman ay ligtas pa ako pero paano kung maisipan din ni Don Benedicto na pumunta rito para bisitahin ang lupa nila? Baka sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkrus ang landas namin. Kaya sa tingin ko dapat ay mahanap ko na agad si Inay. Kaya lamang, wala pa rin atang balita. Wala pang sinasabi sa akin si Ma’am Leonor, eh. “Penny for your thoughts.” Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Awtomatikong kumunot ang aking noo nang makita ko si Gio na nakahilig sa aking pinto. Ano na naman bang kailangan niya at naririto siya ngayon? “I knocked on your door but you didn’t answer, kaya binuksan ko na ang pinto ng kwarto mo.” May kung ano talaga sa tono ng pananalita niya na nakakainis. “Bakit ka naririto, Sir Gio?” Hindi naman kasi kami close na dalawa. Kung may madalas pa akong makausap noong nasa isla sila ay sina Hara at Sera iyon at hindi siya. Minsan na nga lang kami nagkausap noon ay sinigawan ko pa siya at pinagsalitaan ng masakit. Tapos ngayon ay nanggugulo na naman siya. “Nothing.” Humalukipkip siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang pagporma ng isang ngisi at paglalaro niya sa kanyang labi matapos niya akong obserbahan. “Napansin ko lang ang biglaang pagbabago sa kilos mo kanina nang makita mo ang sasakyan ng mga Daza. Why? Do you know them?” Kumuyom ang aking kamay. Halos malukot ko ang gilid ng aking kama dahil sa ginagawang pagkuyom ng aking kamay ngayon. “That’s not a surprise, you know? I mean, they are originated from Polilio. Taga roon ka, hindi ba?” patuloy sa pagtatanong sa akin si Gio. Hindi ko sinagot ang kahit na anong katanungan niya. Hindi naman ako obligadong sumagot doon. Hindi naman ako binabayaran para sumagot sa tanong niyang iyon. “You’re keeping a secret. I wonder, what is it?” Gio licked his lower lips and give me this scheming smile. Pakiramdam ko ay may alam na siya. Malakas ang pakiramdam ko na may pinaplano siya. “What do you want?” matapang na tanong ko sa kanya. Hindi niya ako madadaan sa pananakot niya kung pananakot nga bang ituturing itong ginagawa niya. Masyado nang maraming nangyari sa akin para katakutan ko pa siya. “Hmm, I just want you to answer my questions. Bakit parang takot ka sa mga Daza? Out of curiosity lang.” Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya na siyang nagpapakulo ng aking dugo. Katawa-tawa ba ito sa kanya? Does he think this is entertaining, itong ginagawa niya? “At bakit gusto mong malaman?” Alam ko na tinatanong niya ito sa akin dahil may binabalak siya. Malakas din ang kutob ko na hindi ko man siya sagutin ay may alam na siya sa kung anong rason ng pagpunta ko rito sa kanila. Sinabi kaya nina Ma’am Leonor sa kanya? I don’t think so. Nagkibit balikat siya at naglakad papalapit sa akin. Tumigil si Gio sa harapan ko. Hindi pa rin nawawala ang ngising nakaporma sa kanyang labi. I can feel it, he’s plotting something. “Maybe I can help. I’m a generous person, Bryleigh. I want to offer help whenever I think I can help.” Lumaki ang ngiting mayroon siya na halos pumikit ang kanyang mga mata. Ganoon pa man ay hindi ako natutuwa sa ipinapahiwatig ng mga ngiti niyang iyon. “I don’t need your help—” “Why? Because my parents are helping you now? That’s right! But do you think it’s enough to find your mom? I can help you to find her. Mas maraming naghahanap mas maganda, hindi ba? Bukod pa roon, you’re running away from something—no, from someone. I can help you to withdraw from such arrangement that your stepfather put you in,” aniya. Nanlaki ang aking mga mata. Inaasahan ko nang may alam siya pero hindi ko akalain na ganito kalawak ang nalalaman niya sa sirkumtansyang mayroon ako. Nakipaglaban ako sa titigan sa kanya. Habang pagkainis ang makikita mo sa aking mga mata ay tila ba natutuwa naman siya sa kung anong takbo ng sitwasyong mayroon kaming dalawa. “Come on, I just need you to say that you need my help and I will do what I can to find your mom as soon as possible and I’ll talk personally with Benedicto Daza for you.” Umigting ang aking panga dahil sa narinig ko. Alam niya lahat! Kung paano niya nalaman ay hindi ko alam. “My parents can help you, but I can help you better, Bryleigh. Dahil ako ang mas may kapangyarihan, koneksyon, at tauhan na maaaring makatulong sa ‘yo,” dagdag ni Gio. I want to get rid of that smile. Ganoon pa man, nakakatakam ang kanyang inaalok sa akin. Kung makakatulong talaga siya upang mapadali ang paghahanap sa aking ina ay tatanggapin ko iyon, kahit lunukin ko man ang pride na mayroon ako o lumuhod sa harapan niya ay gagawin ko, makita ko lang ang aking ina. Kaya lang, may isa akong problema. “And what will it cost? Anong kapalit ng lahat ng ito?” Gaano man niya sabihing gusto niya akong tulungan, alam ko na may kapalit. Kaya niya ito iniaalok sa akin ay dahil may gusto siyang makuha mula sa akin. Kung kanina ay sa ngiti pa lang malalaman mo nang may binabalak siya, ang ngiting pinakita niya ngayon sa akin habang madilim ang ekspresyon ng mga matang nakatingin sa akin ay kumpirmasyong hindi nga ako nagkamali. Napatingin ako sa magkabilang gilid ko nang ipatong ni Gio ang kamay niya sa magkabilang gilid ng kamang kinauupuan ko. Tumingin ako sa kanya at sinalubong ako ng makahulugang ekspresyon ng kanyang mga mata. Kinagat ni Gio ang kanyang labi bago marahang liitan ang ang espasyong mayroon sa pagitan ngg mukha naming dalawa. Bahagya ko namang iniatras ang ulo ko sa ginawa niya. “I just have one condition, Bryleigh.” Amoy na amoy ko ang pagka-minty ng kanyang hininga dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Tila tambol ang aking dibdib sa kaba dahil sa binabalak niya at sa kung ano mang sasabihin niya. Kung magagawa ko namang gawin iyon ay tatanggapin ko. Nanay ko na ang pinag-uusapan dito. Alam ko naman pati na hindi panghabang buhay ay matatakbuhan ko si Don Benedicto at ang stepfather ko. Kaya kung matutulungan din ako ni Gio roon ay ikokonsidera ko itong alok niya. Lumapit siya sa tainga ko at mahinang sinabi ang mga salitang, “You will obey whatever I say and your body will be mine, Bryleigh. I can use it whenever I want, both for pleasure and entertainment.” Naramdaman ko ang marahan niyang pagkagat sa ibabang bahagi ng aking tainga. Napalayo ako sa kanya at narinig ko naman ang malalim niyang pagtawa. “That’s two, though.” Pakiramdam ko ay dalawa naman iyong kondisyon niya at hindi lang isa. Tumaas ang isang kilay ni Gio. Hindi rin naman nagtagal at natawa siya sa sinabi ko. Nagkibit balikat siya at muling tumingin sa akin ng diretso. Kumpara kanina ay mas malinaw na sa akin ang ekspresyong mayroon ang mga mata niya. Lust. Napakuyom ang aking kamay. Hindi malaman kung anong gagawin o kung anong dapat maging desisyon. Dapat bang pumayag ako sa gusto niya? Paano kung hindi niya naman ako matulungan? Pero paano kung dahil sa pagtulong nga ni Gio sa akin ay mas mapadali ang lahat? Nagtatalo ang dalawang parte ng pagkatao ko. Hindi ako makapagdesisyon nang maayos. Pakiramdam ko ay hindi naman tama ang papasukin ko. Kakasabi ko lang na magpapagalaw lang ako sa taong mahal ko tapos ay ganito? Hahayaan ko si Gio na galawin ako? And to what extent? Mamaya ay may gawin siya sa aking hindi ko makaya. Natatakot ako. “And your answer?” mahinahong tanong sa akin ni Gio na nagpaalala sa akin na naandito pa nga pala siya sa loob ng silid ko. “I—” “Brie, halika nga muna rito at tulungan ako.” Narinig ko ang boses ni Manang Sonia. Pareho kaming napatingin sa labas ni Gio bago bumalik sa isa’t isa ang atensyon. Tumayo na ako sa pagkakaupo at agad na naglakad papalabas. Mag-iisip muna ako ng mabuti kung ano man ang isasagot ko sa kanya. Hindi naman siguro kailangan ay makapagbigay agad ako ng sagot sa kanya, hindi ba? “Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Manang. Tumango ako sa kanya at tinulungan na siya sa pagluluto ng hapunan. Sa katunayan ay mas lalo po atang sumama ang pakiramdam ko dahil sa alaga niyong si Gio. “Hi, Manang!” Speaking of the devil. “Anong niluluto niyo?” “Beef Kaldereta. Gusto raw ni Hara nito kaya ito ang niluto ko.” Narinig kong sabi ni Manang kay Gio. Hindi ako tumitingin sa direksyon niya kahit na alam ko na sa akin siya nakatingin. Nagpatuloy lamang ako sa paggagayat ko ng mga rekado na gagamitin namin mamaya sa pagluluto ng kaldereta. Naririnig ko pa ang pag-uusap nina Manang at Gio. Nagtatawa pa nga si Manang minsan dahil sa pambobolang sinasabi ni Gio sa kanya. “Manang may package kayo rito.” Narinig kong sigaw ni Ella na sa tingin ko’y nasa front door. Agad namang nagpaalam si Manang sa amin at umalis para puntahan siguro iyong package na tinutukoy ni Ella. Napansin ko si Gio sa tabi ko. Itinuon niya ang kanyang isang kamay at bahagyang isinandal ang kanyang katawan malapit sa pwesto kung saan ako naggagayat. “So?” Dahil kami na lang dalawa ang naririto, nakakasigurado akong para sa akin ang tanong niyang iyon. Tinutukoy niya siguro iyong sagot ko sa alok niya. “Pwede bang mamaya na lang? Nagta-trabaho ako.” Wala pa akong isasagot sa kanya kaya nagdadahilan na lang muna ako. Hindi pa ako makapag-isip nang maayos. “I can see that,” mapaglarong sabi niya. Napansin ko ang pag-atras ni Gio papunta sa gitnang counter at humilig doon. Kumuha siya ng mansanas na nakapatong sa nasabing counter. “Isa pa, marami akong gustong linawin at marami pa rin akong tanong. Can you give me time to think? Kailangan ko pa ring pag-isipan iyan ng mabuti,” paglilinaw ko sa kanya. Hindi naman talaga ganoong kadali ang gusto niyang mangyari. Narinig ko ang paghalakhak niya. “I’m not a fan of waiting but sure, take your time.” Nilingon ko siya upang silipin kung anong ginagawa niya. Kinagat niya na iyong mansanas at nagsisimula nang ngumiya. “You can always come for me if you need clarification in the agreement. Naandito lang naman ako sa bahay.” Hindi ba siya luluwas ng Manila? Hindi ba’t doon ang trabaho niya? “Or you can always visit my room.” Tila may kumuryente sa akin nang maramdaman ko siya sa aking likod. Mabilis lamang naman ang pangyayaring iyon at lumayo na siya. Saktong pagbalik ni Manang ay paalis na si Gio. Ako ang naghugas ng pinggan. Sina Ella ay mas naunang matapos kaya’t nagsipasukan na sila sa kanilang kwarto. Nagpunas ako ng kamay bago patayin ang ilaw sa kusina. Papalapit na sana ako sa switch ng ilaw para sa living room nang mapansin ko na may tao pa rin doon. Napatigil ako sa aking paglalakad at nanatili lamang na nakatingin sa kanya. Anong ginagawa ni Gio rito? Bakit naandito pa rin siya? Gio is still in the living room. His arm is resting on the armrest while holding a can of beer. He looks in my direction when he noticed my presence. Muli akong napatalon nang tumingin siya sa direksyon ko. Napalunok ako at halos parang tambol na naman sa kaba ang aking dibdib. Anyway, since he’s here, sasabihin ko na ang desisyon ko sa alok niya. Matagal-tagal ko rin itong pinag-isipan kanina habang nakain ng hapunan at kahit habang naghuhugas ng pinggan. Naglakad ako papalapit sa kanya at huminga nang malalim bago sabihin sa kanya ang aking sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD